EXORDIUM

450 4 0
                                    

SA ALAALA NA LANG

Isang nakaraan na hindi kayang kalimutan
Nang isang nilalang na nakakulong sa ibang katauhan
Wari’y pait ng nakalipas sa kaniya’y bumabalot
Na maikukumpara sa mukha ng matanda, kumukunot
Bawat takbo ng oras, segundo o maging panahon,
Ang kabiyak ay alon ng kahapong humahampas sa isip at kusang umaahon.

Subalit babang luksa’y biglang napalitan nang ika’y sa’king buhay dumaan
Ang itim mang ulap ng kahapo’y bigat ng ula’y pinapasan
Kalauna’y bahaghari na iba’t ibang kulay ang masisilayan.

Sa bawat hibla ng saya mong dinadala,
Katumbas ay ikatlong putok ng problemang aking isinusuka
Sa bawat mainit mong yakap na sa aki’y ibinibigay,
Kapalit ay pagkatunaw ng yelong bumabalot sa puso kong minsan nang nag aagaw buhay

Sa bawat titig ng iyong mala-abong mata
Ay nagtataglay ng kislap tulad sa sopistikadong damit:
Na sa aking katawa’y nagpapaakit
At sa bawat malapot mong halik na sa aking labi’y kumakapit,
Alay ay pagmamahal na kay tamis,
Na kailanma’y ‘di ka magkakadiabetes

Pero bakit ako’y iyong iniwan?
Na para bang araw na lumisan pagdating ng buwan
Alam mo bang mundo ko’y sa’yo lang umiikot?
Tulad ng planetang sa araw lang lumilibot
Ikaw ang aking buhay!
Gaya ng selulang sa aki’y nananalaytay.
Epekto mo sa akin ay parang droga
Nagpapasaya’t pag wala na’y ginagawa akong tanga

Sana’y isinama mo na rin ako sa ibang dimensyon,
Para naman panambitang ito’y mabigayan ko na nang ekslamasyon
Pilit kitang ibinabaon sa limot,
Pero kusa kang pumapasok ‘pag ako’y natutulog
Kaya ba sa alaala na lang kita masisilayan?
O pagdating ng panahon mauulit kitang mamamasdan.

Sana’y isinama mo na rin ako sa ibang dimensyon,Para naman panambitang ito’y mabigayan ko na nang ekslamasyonPilit kitang ibinabaon sa limot,Pero kusa kang pumapasok ‘pag ako’y natutulogKaya ba sa alaala na lang kita masisilayan?O pagdating ng pan...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Left to right: Cyan Dale Baltazar and Arkin Planas

Secrets of 5th Floor | BL story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon