SIX - Photobooth

207 4 0
                                    

CYAN

"Cy?" nakaramdam ako na may gumagalaw sa akin mula sa pagkakahiga. "Cy, gising na..." nabosesan ko ang taong gumigising sa akin. It was Arkin. Masakit pa ang katawan ko at tinatamad akong bumangon. Patuloy sa pangungulit si Arkin sa akin.

Wait. Bakit si Arkin?

Bigla akong napabangon sa kama. Nagulat si Arkin sa ikinilos ko. Napahawak ako sa katawan ko. Bakit iba na ang suot kong damit? Napatingin ako kay Arkin at napansin kong natutunugan niya ang pagtataka ko. Ngumiti siya ng pagkatamis tamis. Bigla niyang kinurot ang ilong ko.

"You don't remember what you did last night?" napaisip naman ko kung anong nagawa ko. Naalala ko si Skyrus at ang kababuyang ginawa niya sa akin. Hindi ako nagpahalata kay Arkin na naaalala ko iyun. Lumingo lang ako bilang tugon.

"And you don't remember why you got here?" napalingo lang din ako. Sa naaalala ko, nakatulog na ako sa sobrang pagod. Kinurot ni Arkin ang pisngi ko.

"Tinakasan mo ako kagabi. Kaninang umaga, dumating dito si Skyrus at inihatid ka."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Arkin. "A-ano? Si Skyrus?"

"Yah. Si Skyrus, ang sabi niya...nasa bar ka daw kagabi. Then naglasing daw kayo with your friends, tapos hindi mo na kayang umuwi, since he saw you there and he was just blocks away from your house kaya hinatid ka na niya dito."

I was dumbfounded at the same time relieved. Buti na lang hindi ako binuko ni Skyrus. Mabuti naman at tumutupad siya ng usapan. "G-ganon ba?"

Biglang umasim ang mukha ni Arkin. "Bakit mo ginawa 'yun?"

"Ang alin?"

"Yung bigla ka na lang aalis ng bahay na hindi man lang nagpapaalam sa akin? Alam mo bang kinatok kita ng ilang beses noong hating gabi, pero walang sumasagot...pumasok ako pero wala ka. Alam mo bang natakot ako baka kung napano ka?"

Parang hinaplos ang puso ko sa mga sinabi ni Arkin. Pero nagi-guilty ako sa ginawa ko. Niloloko ko siya. He don't deserve to be treated this way. "I'm sorry," tanging naisatinig ko noong mga panahong iyun.

"You won't do that again, huh?"

I smiled at the thought. "I will," then he hugged me so tight. Gusto kong maiyak sa mga oras na iyun for too much stress and glee I felt in between.

"Let's have breakfast?" he asked me. I nodded then he guided me through the kitchen while holding my hands.

I saw pancakes stacked on plates with honey and butter atop, sided with eggs and hotdogs and a glass of orange juice. I can't contain myself for too much happiness, these simple things from Arkin made my heart leap and hop and jump and beat fast like millions of horse galloping in the grassland through dessert. Which made me forget stuffs about Skyrus.

"You did all of these?" I asked even if it's really obvious. I'm literally smiling from ear to ear.

"You see this?" he pointed his body. Just by then I realize that he's wearing no shirt under his apron. I did not recognize it when I woke up minutes ago.

"So hot," I voiced out my inner thoughts. It seems like Arkin is more edible than these food and yummier above it all.

"'Loko," sabi lang niya at mahinang tumawa.

"Arkin, why are you doing this?" I asked out of the blue.

"Eh kasi...ito lang sa tingin ko ang pwede kong magawang tama...ito rin yun paraan ko ng pagtanaw ng utang na loob sa'yo, Cy. Sa pagiging mabuting kaibigan. Kung susumahin, kulang pa ang lahat ng ito,"

Secrets of 5th Floor | BL story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon