FOUR - Wreak Havoc

285 5 0
                                    

CYAN

Masakit ang katawan ko nang bumangon ako ng araw na iyun. Wala naman akong masyadong ginawa sa party. Tapos iced tea lang naman ang ininom ko. Siguro ay napuyat lang ako, 3:00 am na ako nakauwi, hindi ko na kasi nahagilap si Arkin kaya nauna na akong umuwi.

Pinilit kong hindi muna bumangon. Ang sarap pang humiga, lalo na't masama ang panahon. Ang sarap pang matulog ulit. Pagulong gulong ako sa kama na parang sira. Nakaramdam ako nang gutom kaya bumangon na ako.

10:00 am na sa orasan pero parang hindi naman sa labas dahil maulan ulan sa labas. Binuksan ko ang ref subalit sa sobrang dismaya ko ay wala akong nahanap na makakain, matagal tagal narin akong hindi nakapag-grocery. Kinuha ko ang pitaka ko at inilabas ko narin ang payong. May malapit naman na convenience store sa may kanto, bibili na lang ako ng cup noodles.

Pagbukas ko nang pinto doon ko nga nabatid na masama talaga ang panahon. Malakas ang hangin at ulan. Hindi lang basta bastang ambon. Nagulat ako sa pagbukas ko nang gate ay nakakita ng taong nakaupo doon. Naka-hood ito at may dalang bag. Basang basa ito sa ulan at mukhang nilalamig na.

"Excuse me," ginalaw ko ng kaunti ang lalaking nakaupo sa may gate ng bahay ko. Hindi ito gumagalaw. Lumipat ako ng posisyon, pumaharap ako sa lalaki at laking gulat ko ay si Arkin pala ito.

Halos sasabog ang puso ko sa nasaksihang kalagayan ni Arkin. Ilang oras na kaya siyang nababasa nang ulan?

Dali dali ang pagkilos, ginising ko siya at pinapasok sa bahay ko. Tahimik lang si Arkin the whole time. Wala siyang imik but I can tell there's something that bothers him.

"Arkin, maligo ka muna. May heater doon sa banyo...kailangan mo iyun sa ngayon." Suhestiyon ko sa kanya. Tumango lang siya. "Ako naman naman ay bibili muna nang makakain natin. Mabilis lang ako." Tumayo na ako pero biglang hinawakan ni Arkin ang mga kamay ko.

Napatingin ako sa kaniya. "Salamat," he smiled. Umabot sa puso ko ang mga ngiting iyun. I know he's in pain. I nodded and tap his head.

"Everything'll be okay,"

xxx

Tahimik naming kinakain ang pagkaing dala ko. No one dared to speak, nakikiramdam lang ako, and I guess he's doing the same thing. Naubos na rin namin ni Arkin ang pagkain but we remained silent.

"Cy..." Arkin broke the silence.

"Yep?"

"I'm sorry at naabala pa kita." He said wistfully.

"Wala 'yun," I said reassuringly.

"Di bale, pag okay na ang panahon...aalis na rin ako," I felt a sudden sadness for the thought. "Sa ngayon, wala lang talaga akong maisip na pwedeng lapitan."

"Ano ba kasing nangyari?" I asked out of this hullabaloo that eats me the moment I saw him outside.

He smiled weakly. Yumuko siya at nanahimik nang ilang segundo. "My whole family was killed by a serial killer. I wasn't there because I'm at school. I was only 15 then. Ang nanay ko, tatay ko at ang bunso kong kapatid na si Tew. They're all bathed with their own blood when I saw their bodies lying on the floor. Wala akong ibang mapuntahan, I don't know if may kamag-anak ba kami, palipat lipat kami nang bahay since then, we don't have permanent address.

"Naalala ko ang kaibigan ni mama na isang teacher. Tinulungan niya akong bigyan ng disenteng libing ang pamilya ko. Pinag-aral niya ako, pinakain at binihisan. Pero kapalit ng lahat ng iyun...ay ang pagmolestiya sa akin. He treated me as his own toy. I became his sex slave, he even lend me to his friends. Ang baba na nang tingin ko sa sarili ko dahil doon. Every night of my life, I was mistreated." I saw some tears fell on his cheek while he was unfolding his story.

Secrets of 5th Floor | BL story (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon