2: Cold

255 2 0
                                    

A/N: Minsan lang ako mag-author's note kaya please vote and comment <3

2: Cold

{ Ashley's POV }

I woke up around midnight at punyemes tumutunog ang tiyan ko! Pano kasi nag-iinarte ako na ayaw kong kumain kanina pero ang totoo gutom ako. Hay. Dahan dahan akong naglakad pababa ng kusina ayoko naman na may magising ako.

Binuksan ko yung ref at parang narinig ko yung mga anghel na kumanta ng makita ko ang favorite ko na lasagna walang bawas!!!

Tuwang tuwa kong linabas yung lasagna at pinatong sa mesa hindi ko binuksan yung ilaw feeling ko tuloy magnanakaw ako kaya binuksan ko na lang yung ilaw para na rin makakain ako ng maayos at laking gulat ko ng makita ko ang pangalan ko sa lasangna.

Para saakin nga ito YIPEEEEEEEEE! ^______^

.

.

Subo ako ng subo ang sarap kasi sobra pinakadabest na lasagna ever!!! Sino kayang nagluto? Kain lang ako ng kain ng bigla may lumakad patungo dito sa kitchen naku po lagot! Huli na ako!

I crossed my fingers. Wag naman sana si Arvin..

Nakahinga ako ng maluwag ng nakita ko yung isang matandang yaya na nakangiti saakin siya siguro nagluto.

''Hello po kain tayo sorry po kung nagising ko kayo bigla po kasi akong nagutom eh'' excuse ko saka ko pinunasan yung labi ko gamit nung tissue ng nasa harapan ko.

''Sige lang ineng kumain ka lang'' sabi naman niya saka niya ako kinuhanan ng tubig ''baka mabilaukan ka'' sabi niya natawa ako.

''Thank you po manang kayo po ba nagluto nito sobrang sarap as in to the highest level'' sabi ko at natawa siya pero umiling iling

''sa katunayan ineng di ko alam magluto ng ganyan si Sir Arvin ang nagluto niyan''

Halos mabilaukan ako nung sinabi niya na si Arvin nagluto nito. Seryoso siya talaga? Weh? Yung kurimaw na yun marunong magluto di talaga ako makapaniwala. Expect the unexpected talaga!

(Kurimaw=Kuripot+Halimaw)

''Weh? siya po talaga?'' tanong ko ''baka nagkamali po kayo baka inorder niya lang ito?'' tanong ko ulit

Natawa siya ''Siya talaga nagluto niyan ineng ,siya talaga. Oh siya matutulog na ako ha?'' sabi ni Yaya---- error di ko papala siya kilala

''Sige po goodnight po Yaya--'' pinutol niya ako ''Ako si Yaya Celine'' sabi niya tumango ako ''sige po goodnight Yaya Celine'' sabi ko ngumiti siya at bumalik sa kwarto niya pagtingin ko sa tray laking gulat ko nung walang natira yinugyog ko pabaliktad yung tray at wala man lang nahulog. Shocks! Naubos ko! Simot na simot.Pano na yan?

Hala! PG naman kasi ako nakita pa ni Yaya Celine na ako kumakain syempre sasabihin niya yun kay Arvin! Lagot talaga I bit my lip hinugasan ko yung tray at baso saka ako kumaripas ng takbo sa kwarto ko at nagtago di na ako aalis sa kwarto ko PRAMIS!

The Sweetest PaymentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon