10: Feel

121 2 0
                                        

10: Awkward

{ Ashley's POV }

Ang landi ko grabe! >___< Nakipaghalikan lang naman ako kay Arvin ng---shocks!  Di ko pa mabilang kung ilang beses! Juice colored!!! Hindi pa KAMI pano na lang kung kami na diba?

Teka, ano bang pinag-iisip ko?!

''Ash gusto mo ng pizza? Meron dito Hawaiian tsaka Manhattan pinainit ko'' sabi ni Arvin tiningnan ko siya pero bigla akong napatingin sa lips niya na naka-curve red na red ito dahil sa hot, sizzling make-out session namin kanina. Feeling ko lahat ng dugo tumaas sa mukha ko.

''Ash okay ka lang? Namumula ka'' hinawakan niya yung pisngi ko nasa tabi ko na siya my God! Nagteleport siya? Di naman siya pokemon ah! Dug. Dug Dug. Ang lakas ng tibok ng puso ko feeling ko talaga may mga construction workers na nagkakarpintero sa puso ko eh! Susmaryosep!

Kailangan ko ng lumayo kay Arvin as in! Now na.

''Ahhh o-o-okay lang ako CR lang ako'' nauutal kong sagot Nice one Ash! Nag-stustutter ka pa ano na lang sasabihin nun sayo? Tumayo ako agad saka ako naglakad papunta sa CR niya at sinapo ko ang noo ko at hinawakan ko yung dibdib ko na sobrang lakas ng tibok.

Tumingin ako sa salamin saka ko hinawakan yung lips ko. ''Bat mo kasi siya hinalikan pabalik? Dapat tinulak mo siya palayo!'' sabi ko sa sarili ko  mapula pula din yung lips ko. Arrggggg! ang awkward na ng atmosphere namin. Kasalanan ko rin naman eh tapos ngayon nag-iinarte ako. Hay.

Kung dati malungkot ako at magiging busy siya ngayon nagpapasalamat na ako kasi hindi na kami masyadong magkikita at hindi masyadong magiging awkward. Salamat naman Lord!

Biglang kumatok si Arvin ''Ui Ash matagal ka pa jan?'' he asked

''Teka lang malapit na akong lumabas'' sagot ko excited siyang lumabas ako ha! 'Di kaya may part 2 yung make-out session namin? WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!! Ano ba itong pinag-iisip ko? Gusto ko ng untugin yung sarili ko sa pader =_____________=

Lumabas ako ng CR at ngumisi saakin si Arvin habang kumakain ng pizza. Nakatopless siya napalunok ako at naalala ko nanaman for the 3rd time yung muntik kong paghawak sa abs niya. Ohemgeeee!

''Ah eh arvin pupunta na ako sa kwarto ko naantok na ako eh hehehe'' sabi ko di ko na kaya yung mga thoughts ko tunkol sa kanya kailangan ko ng umalis pati sa kwarto niya.

''HA? Diba sabi mo gustong gusto mo mapanood itong The Notebook?'' tanong niya

Sinabi ko ba yun? ''Ah joke lang next time na lang pag may time'' pagdadahilan ko 

Bigla kong nakita yung mukha niya ang lungkot lungkot he even pouted. ''sige na di na kita makakasama eh'' he reasoned and I suddenly felt guilty. Oo nga naman Ash ikaw naman magiging busy na nga yung tao eh! Pagbigyan mo na. Sabi ng konsensya ko kaya pumayag na ako kahit labag sa kalooban ko kasi nga A-W-K-W-A-R-D

''Sige nood na nga tayo'' I said saka ko nakita yung victory smile niya

''Lika upo ka ulit dito'' saka niya tinapik yung tabi niya pumunta naman ako don at umupo ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.

Kumuha ako ng 3 slices ng pizza saka ko sinunod sunod kainin habang nanonood kami ng The Notebook. Honestly, wala akong naiintindihan sa pinapanood eh masyado akong naiilang dahil katabi ko sa Arvin.

''Di ka ba nilalamig?'' he asked

Umiling ako ng di ako tumitingin sa kanya .Lalamigin ako? Eh ang hot mo kaya mag-damit ka nga!!! Juice colored! Kahit sinabi kong hindi ako nilalamig sinuot niya saakin yung polo niya na sobrang bango parang drugs nakaadik yung amoy.

''Oh ayan para di ka lamigin baka magkasakit ka'' he said and my heart melt wag mo na akong pakiligin please lang pakiusap.

''Ikaw magdamit ka baka lamigin ka'' sabi ko 

''Awww concerned siya saakin'' pang-aasar niya I rolled my eyes tiningnan ko siya nakangisi saka siya nagsuot ng t-shirt na may nakasabing: Property of Ash

Nanlaki yung mata ko ''san mo nakuha yung shirt na yan?'' I asked

''Ah eto nabili ko lang sa ukay ukay'' palusot niya Jusko gusto ba niya ako? Oo, alam ko masamang mag-assume pero he's giving me mixed signals.Ngayon di na talaga ako makaconcentrate dahil sa pag-iisip. After the notebook, The Conjuring naman daw yung papanoorin namin. 

''Di ka ba matatakot?'' he asked. To be honest matatakutin ako pero request niya na yun na lang kaya pumayag ako. Tsaka puro romance na pinapanood namin eh kailangan naman namin ng break.

''Konti lang'' sabi ko

''Wag kang matakot nandito naman ako'' saka niya ako inakbayan I looked at him at nakangisi lang ang loko Ninja Moves 101. Tinanggal ko yung pagka-akbay niya saka ako ngumiti sa kanya. Siya naman nakatingin lang sa TV...

After a few minutes.....

''AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!'' tili ko nung bigla nagblack-out aba malay ko kung anong nangyari. Pag mulat ko ng mata ko don ko lang narealize na nakayakap ako sa kanya yung ulo ko nasa chest niya niya tapos yung kamay ko nakapulupot sa kanya.

''Hala sorry!'' sabi ko tatangalin ko na sana yung kamay ko nung yinakap niya ako ng mahigpit

''Hindi it's okay para naman mainitin tayong dalawa'' he replied and I blushed pero tama nga ang init sa pakiramdam ang comfortable pa.

''Ash can you feel it?'' he suddenly asked at kumunot yung noo ko

''Feel what?'' I asked confused.

Kinuha niya yung kamay ko saka linagay sa chest niya sa tapat ng puso grabe ramdam na ramdam ko yung heartbeat niya.

''Hindi mo pa rin ba ramdam yung pag-ibig ko sayo?'' 

The Sweetest PaymentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon