6: Misunderstanding

145 2 0
                                    



6: Misunderstanding

{ Cloud's POV }

Bigla akong nagising at Tang*na lang ang sakit ng ulo ko. Damn, hangovers! Teka nasan ako? Lumingon lingon ako sa paligid one thing for sure. HINDI ko ito kwarto! White kulay ng kwarto ko.

Pano ako nakarating dito? Bahay ito ni Arvin I'm sure. Mahilig siya sa kulay green mahilig rin daw kasi yung babaeng mahal niya sa green ang corny niya!

Naalala ko nalasing kami kahapon at hinatid ko siya other than that wala na akong maalala. Napahawak nanaman ako sa ulo ko Damn! Ang sakit talaga!!! Teka diba lasing din si Arvin kung ganun sino nagbuhat saakin dito?

Biglang nahagip ng paningin ko yung isang babaeng tulog sa sofa maid nila siguro. Siya rin siguro yung nagbuhat saakin patungo dito ang lakas naman niya.

Tumayo ako at pinuntahan ko siya saka ko yinugyog yung balikat niya para gisingin siya.

''Hoy gising'' sabi ko saka ko siya yinugyog

''5 minutes pa ma!'' sabi naman niya saka siya umiglip ulit. Tinawag niya akong 'MA?' Ibang klase! Maid ba siya dito? Hindi siya mukhang maid maganda siya. Pinagmasdan ko yung mukha niya mukha siyang anghel.

Tae, na-aattract na ako sa kanya. Mas pinagmasdan ko yung features niya she has beautiful eyes and a pointed nose. Pinkish yung lips niya parang ang sarap halikan.

''Gago ka Cloud minamanyak mo na siya sa isip mo'' natatawang sabi ko sa sarili ko saka ako naglean sa kanya para tingnan ng mabuti yung cheeks niya. Hay, ang ganda niya iba yung ganda niya sa mga babaeng nakita ko noon.

Yung ganda niya pang-anghel pang-inosente. Para bang ang sarap niyang alagaan. Ganito yung mga babae na pag nasayo na hindi ka na talaga titingin sa iba.

Linapit ko pa ang mukha ko sa kanya mukha na ngang ikikiss ko siya eh pero bigla siyang ngumiti, at napangiti ako Damn she's really beautiful ano kayang pangalan niya? Bigla namang bumukas ang pinto.

Next thing I knew, dumudugo na ang labi ko at nakasandal na ako sa pader.



{ Arvin's POV }

''Arggg ang sakit ng ulo ko!'' yan ang una kong sinabi Tae talaga tequila lang yung iniinom ko kagabi eh pero lasing na lasing pa ako siguro uminom din ako ng vodka at whiskey.

''Fvck it''

Napakamot ako ng ulo ko. Tumingin ako sa paligid. Aba, nag-teleport ba ako? Nandito na ako sa kwarto ko. Oo nga pala, hinatid ako ni Arvin.

Tiningnan ko yung suot ko iba na yung shirt ko tapos yung isang shirt ko nasa sahig. Sino naman nag-palit saakin? Si Yaya Celine kaya?

Kahit masakit ang ulo ko bumaba ako at pumuntang kusina.

''Good Morning sir!'' bati saakin ni Yaya Celine

''Good morning rin'' sagot ko saka ako ngumiti. Inabot niya saakin yung kapeng tinimpla niya.

Uminom ako ng kape at ang sarap ''Manang salamat'' sagot ko at tumango siya pero bago pa siya umalis tinawag ko siya. ''Yaya!'' sigaw ko kaya bumalik siya

''Ano yun?'' tanong niya

''Sino pong nagbuhat saakin patungong kwarto ko si Manong Gardo po ba?'' I asked at umiling siya

''Hindi siya umuwi siya kahapon sa bahay nila kararating lang kaninang madaling araw tsaka anong sinasabi mo na nagbuhat?'' pagtataka niya

''Ahh sige po'' saka siya tuluyan umalis pumunta ako sa Technology Room kung saan may maliliit na TV papanoorin ko yung nangyari kagabi sa bahay kasi may CCTV camera sa loob ng bahay ko for protection and security purposes.

Pinanood ko yung footages at laking gulat ko nung nakita ko na si Ashley ang nagbuhat saakin.

''Wow ibang klaseng babae amazona nabuhat niya ako.'' sabi ko napangisi ako siya rin nagpalit saakin kagabi. Concerned pala siya saakin di lang halata. Tumayo na ako pupunta akong kusina para lutuan siya ng favorite na almusal niya pero....

Hindi papala tapos yung footage nakita ko na may isa rin siyang lalaking binuhat si Cloud saka niya ito pinunta sa guest room. Finorward ko yung video at hindi na siya lumabas sa guest room.

''Shit!'' mura ko saka ako tumakbo lasing si Cloud nun di kaya rinape niya si Ash? Umiling ako hindi ganun si Cloud kilala ko siya pero di niya papala kilala si Ash at sobrang playboy niya hindi kaya? Arrgggggghhh!

Pagbukas ko ng pinto sa guest room nakita ko na magkalapit na ang mukha nila sa isa't isa. Naka-lean si Cloud kay Ashley. Si Ashley naman nakapikit nakasandal lang siya sa pader pero nakangiti as if she was waiting for the kiss.

''Gago!'' sigaw ko saka ko hinila yung kwelyo ni Cloud at sinandal siya sa pader saka ko siya sinapak.

Hinawakan niya ang labi niyang may dugo.

''ikaw ang gago ano bang problema mo!?'' sigaw niya pabalik

''Anong problema ko ha?'' kwinelyuhan ko nanaman siya ''Don't you ever touch my girl ayoko rin na tinitingnan mo siya'' I hissed saka nanlaki ang mata niya

''Teka siya ba yung one true love mo?'' tanong niya positive hindi nga niya kilala si Ash. Tumango ako ''Oo and you're taking advantage of her'' galit kong sumbat sa kanya di ko pa rin binibitawan yung kwelyo niya.

Natawa lang siya ''sorry pare di ko alam tsaka tinitingnan ko lang yung features niya she's a great catch magaling rin siguro sa kama''

Binitawan ko siya ''gago ka talaga she's more than that mahal ko siya hindi lang siya babaeng pang-kama''

''Mas gago ka sinuntok mo ako agad agad'' saka niya rin ako sinapak. Ngayon gising na gising na ako at nalasahan ko na yung dugo sa labi ko.

''Pano parang hahalikan mo na pare eh! Alam mo naman na possesive ako gusto ko pag akin lang akin lang'' sabat ko

''Fine she's all yours akala ko maid siya this is just a misunderstanding'' mahinahon niyang sagot

Huminga ako ng malalim ''I know but don't you dare touch her again wag kang lalapit sa kanya kahit tingnan wag!'' utos ko and he smirked.

''Sure keep her for yourself. Sige, pare alis na ako galit na saakin si erpats sorry sa sapak''sagot niya at nakangiti pa siya gago talaga!

''Sige tandaan mo yung sinabi ko! sorry rin sa sapak'' sagot ko saka kami tumawang dalawa ang weird naming magkakaibigan bati kami agad hindi tulad pag babae isang dekada na ang nakalipas magkaaway pa rin kami Chill lang! Bago makaalis si Cloud inakbayan niya ako...

''Don't you ever let her go at wag mo siyang sasaktan kasi sa oras na gawin mo yun itatanan ko siya'' sabi niya tumingin ako ng masama sa kanya

''Oo naman hindi ko na siya pakakawalan'' saka ako nagbhelat natawa siya ''you're so immature'' sabi niya nagbhelat na lang ako ulit sa kanya

''Tingnan lang natin sige pare alis na ako!'' pagpapatuloy niya tumango ako sa kanya. So far eto ang pinakamahabang conversation namin ni Cloud he's the silent type and I'm glad na at least nakausap ko na siya ng matagal not in a good way nga lang.

Pumunta ako pabalik kay Ash wala siyang kamuwang muwang sa nangyari nagsapakan na kami ni Cloud at lahat tulog pa rin siya. Mukha siyang inosente ang ganda niya. Natatakot ako na may iba pang makahalik sa kanya kaya. I gave her a peck its a sign na akin lang siya. I smiled because I just stole a kiss from her saka siya ngumiti.

Maybe she's dreaming of me...

The Sweetest PaymentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon