Untitled - CHAPTER 2

70 2 0
                                    

CHAPTER 2

Pagkatapos ng klase, napagdesisyunan ng barkada na pumunta sa malapit na Mall. In just one ride, they are already there. Sa totoo lang, ayaw gumala ni Deanne ng araw na yun, but it's a good thing na rin na enough na ang naipon niyang pera mula sa kanyang allowance para mabili ang isang mamahaling bagay na talaga namang gusto niyang magkaruon. Dumaan sila sa isang watch store, her basically sole destination sa lugar na iyon, at nagsensyas siya sa mga kaibigan na hintayin siya saglit.

But to her dismay she found out na may nawawala sa store. Ngayon lang siya ulit nakapunta sa Mall na iyon dahil naging busy sila lately sa pagprepare sa midterm exam, and she's sure na a month ago, nandun pa yun. Lumapit siya sa cashier para itanong ito.

"Miss, may nakabili na po ba ng 'Inn's wristwatch'?", tanong niya, she's hoping na nakatabi lang ito. She likes the wristwatch so much, justification ang pag-iipon niya para dito. Her Mom told her na Christmas gift na nito sa kanya ito sa Pasko, but she can't wait to have it kaya nag-ipon siya.

"Ah, Mam wala na po eh. May bumili na po niyan a month ago", wika nito.

"Ah ganun ba sayang naman...", wika niyang puno ng panghihinayang.

"Mam, you can try this one, kakadating lang po nito at limited edition", wika ng cashier, ramdam nito ang kalungkutan ni Deanne, and she hope na magugustuhan nito ang nirerecomendang relos.

"No, thanks, sige Miss, salamat na lang", wika ni Deanne at malungkot na bumalik sa kanyang mga kaibigan.

"Deanne, you alright?", takang wika ni Jessica.

"Sort of, but not really...", wika niyang malungkot.

"Don't tell me Yannie, its about the wristwatch na matagal mo ng tinitignan dun", wika ni Andrew.

"Haist, oo nga eh, it was bought by a stupid someone.", inis na wika niya. Pakiramdam niya kasi ay ninakawan siya ng kung anong mahalaga sa kanya, though technically, di pa niya nabibili ito.

"Eh di maghanap ka ng ibang katulad nun or look for the other wristwatch with the same value", sabat ni Stephanie.

"Steph, sana ganun lang kadali yun. Its one of its kind, a lone member of its specie. It was made by a british once named Nicholas Inn. Di siya ganung kakilalang watch maker but before he died, yun ang huli niyang nagawang relo. I'm a great fan of him kasi he has a very wild imagination during his childhood na possible ang time travel, an imagination same as mine. That might made him a watchmaker. And when I learned na nasa Pilipinas ito at iniwan isang araw ng isang mayamang British-Filipino sa may-ari ng tindahan na yan, I just rush here and said to myself that I am going to have that watch.", kwento niya sa mga kaibigan niya.

"Weird story, bakit naman iniwan lang ng dating may-ari niyan ang wristwatch na yan. Di kaya yung kaluluwa ng gumawa nun ay natrap at nagmumulto!?", pananakot at pagbibiro ni Erwin, though, totoo ang pagtataka niya.

"Oo nga Deanne, I guess, its alright na din na di mo nabili yun", wika naman ni Stephanie.

"Naku, lagi niyo kong binabasag sa wild imagination ko tapos, ineextend out niyo naman yun. Hello guys, we are on 21st Century", nakangiting wika ni Deanne, medyo nawala na ang inis at panghihinayang na pakiramdam.

"Yannie, out of the world naman yung imagination mo, time machine, that's a no-no, okay", wika ni Andrew.

"At least futuristic ako, and Einstein said that time intervention is possible if you win the race against the speed of light", wika ni Deanne.

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon