CHAPTER 4
"Pasensya na po talaga", wika ni Stephen.
"Basta po sir, sa susunod wag niyo pong basta basta iwan ang kotse niyo.", wika ng traffic enforcer.
"Ah sensya na talaga", wika niya, he's very glad na mabait ang traffic enforcer na yun. Inexplain lang niya yung reason ng paghinto niya at ayun nga, the enforcer only provide a warning. Siguro kung iba yun, malamang katakot takot na penalty na ang pinatong sa kanya. Sinubukan niyang magbigay ng pera dito, subalit agad itong tumanggi.
"He's quite an ideal traffic enforcer", wika ni Stephen sa sarili. Agad siyang pumasok sa kanyang sasakyan at pinarada sa restaurant. He hurriedly entered sa resto na yun at nalamang wala na si Melody dun. Sinubukan niyang magtanong sa waiter doon.
"Nakita mo ba kung saan pumunta yung babaeng kausap ko kanina?", wika ni Stephen.
"Ah yung maganda po. Mukha pong may urgent call siya kanina at agad na umalis po sir eh", wika ng waiter.
"Ah ganun ba, salamat", wika niya. Tinatago ang dismaya at nagtungo na sa pinag garahihan ng kotse niya. Biglang bumalik sa alaala niya ang usapan nila kanina. And he really wondered kung paanong biglang humaba ang buhok ni Melody in just one month. Unless, hindi talaga siya si Melody. Pero napailing si Stephen sa isipang hindi si Melody yun dahil nararamdaman niyang ito ang babaeng pinakamamahal niya.
"Di kaya, nagka-amnesia siya ngayon", wika niya sa sarili. But that girl told him na imposible yun dahil malinaw ang ala-ala niya. There's no way para magsinungaling ito, he's a people person, he can read there mind in an instant through their eyes.
Pagkapasok sa kanyang sasakyan, he then reached his cellular phone and dialled the number of his bestfriend na close din kay Melody para ibalita ang engkwentro niya dito.
"Hello Stan, I guess, I have a good news", wika ni Stephen.
"Whoo! It seems lively na ulit ang boses mo tol, mukhang that's really a great news", wika ni Stanley sa kabilang linya. Ngayon lang kasi nito muling narinig ang energetic na boses ni Stephen mula ng mawala si Melody.
"Yeah, I guess, nakita ko na si Melody", wika ni Stephen. Sa sinabing yun ni Stephen, napatayo si Stanley sa kanyang office chair.
"Really?", pinaghalong gulat at sayang wika ni Stanley.
"Yeah, pero mukhang nagkaamnesia siya or something like that happen to her", balita ni Stephen sa kaibigan.
"T-Teka, can't registered yet yung mga sinabi mo sa akin. Let's talk in person for better conversation. Sakto coffee break namin. Saan ka na ba?", wika ni Stanley.
"Just half of mile from your workplace, dito sa Mall na minsang pinasyalan natin at ni Mel.", wika ni Stephen.
"Well, good then, kita na lang tayo sa Starbucks sa tapat ng office namin. Okay, I'll hang-up na", wika ni Stanley at namatay na ang linya nito. Agad niyang pinaandar ang kanyang kotse papunta sa meeting place nila ng kaibigan. Stephen finds himself dynamic again. Siguro, kahit di niya masyadong nakausap si Melody at sinasabi nitong iba ang pangalan niya, ay masaya pa din siya dahil sa isipang okay naman ito at walang kung anuman nangyaring masama dito - maliban na lang sa pagkakaroon ng amnesia nito.
***
Agad namang nakarating si Deanne sa hospital na pinagdalhan ng Mama niya. She's glad na highblood lang ang nangyari sa Mama niya at masyado lang na nataranta si Nanay Lina sa pagcollapse nito.
"Nanang talaga, masyado mong tinatakot tohng si Deanne eh", wika ng Mama niya, nakangiti.
"Eh natakot talaga ako ng bigla kang nahimatay, dapat magpahinga ka muna Sandy. Masyado mong inaabuso ang katawan mo at gabi ka palagi umuwi", pangaral ni Nanay Lina.
BINABASA MO ANG
Time Lapse
AléatoireFrom a happy-go-lucky guy, Stephen turned into responsible dude mula nang makilala niya si Melody. Well, they used to have an experimented relationship, yung tipong walang ligawan na naganap, basta naging sila na. At first, he paused for a while, bu...