Untitled - CHAPTER 5

68 3 0
                                    

CHAPTER 5

Mabilis na nakarating si Stephen sa Starbucks branch na siyang meeting place nila ni Stanley. Agad naman niya itong nakita na nakaokupa sa isang table doon. Kinawayan siya nito at mabilis siyang lumapit.

"I'd already ordered your cappuccino mist. Nga pala, tama ba yung narinig ko kanina na nakita mo na si Melody?", bungad ni Stanley.

"Yeah right Stan, nakita ko siya sa resto kung saan nagdinner date kami minsan", wika ni Stephen.

"And you said nagkaamnesia siya?", tanong ni Stanley.

"I don't know what exactly happen but it appears like that. Saglit ko lang siyang nakausap kasi bigla siyang nawala", wika ni Stephen.

"So nakalimutan ka na niya, tayong lahat", wika ni Stanley, napailing ito sa isipang yun.

"But she said na imposible daw siyang magkaamnesia kasi natatandaan daw niya lahat ng nangyari sa kanya mula ng bata siya", wika ni Stephen.

"Teka paano ba yung flow ng usapan niyo?", takang tanong ni Stanley, he wants to visualize kung paanong nag-usap si Stephen at si Melody kanina.

"She said na di daw siya si Melody and her name is Deanne, and when I've told her na baka may amnesia siya, she said na imposible yun dahil intact ang memory niya from childhood", pagshoshortcut ni Stephen sa nangyari kanina.

"Ah hah! Possibly, nung nakilala mo siya, may amnesia na siya tapos bumalik na yung alaala niya but in exchange, nakalimutan niya yung mga memory niya during those time na nakilala niya tayo.", mabilis na naisip at wika ni Stanley.

"Ewan ko, but that theory of yours is quite a good explanation", wika ni Stephen. Napahinto sila sa pag-uusap ng dumating ang waiter at isinerve ang order nila.

"But boy, I am so relieved regardless kung nagkaamnesia si Mel or pinagtitripan niya lang ako.", wika ni Stephen.

"Teka, pinagtitripan? What do you mean?", muling tanong ni Stanley.

"Eh kasi sabi ko kanina, baka pinagtitripan niya lang ako, alam mo naman yun di ba, mahilig magbiro. Baka nagpamiss lang siya sa akin.",pagpapaliwanag ni Stephen.

"But Melody can't do that though almost 6 months lang natin siyang nakasama, masyadong mahaba yung isang buwan para pagtripan ka as well as putting you before on chaotic condition", wika ni Stanley.

"Yeah, and as what I had seen on her eyes, it seems she's telling the truth. Then, I think, its better na iaaccept yung theory mo", wika ni Stephen.

"Pero ang mahalaga ayos siya, a very, very good thing", dagdag pa ni Stephen.

"Right, that's a really good thing indeed. We have to look for her para maconfirm yun.", wika ni Stanley. Sa sinabi na yun ni Stanley, lalong nabuhay ang loob ni Stephen.

"Yeah 'tol, gonna see her again soon..., we'll going to look for her", wika ni Stephen na puno ng kumpiyansa.

"And you can acquaint her to your parents, gonna make a banner kapag pinakilala mo na siya. Behind you two, habang pinapakilala mo siya kayla tito at tita, I'll hang the banner stating: 'THE GIRL CHANGED YOUR SON'. Pwede rin nating gawing 'HOPELESS SON' para mas cool sa pandinig", wika ni Stanley habang inilalarawan ang nasa isip.

"Hell you boy! Almost 2 months pa bago magbakasyon dito sila Mommy.", wika ni Stephen at humigop siya ng kaunti sa hawak na cappuccino mist. Sinundan ito ni Stanley.

"Eh what if di talaga siya si Mel?", tanong ni Stanley, nakakunot ang noo.

"I can't entertain that thought, my entire system as well as my five senses telling me that she's Melody", wika ni Stephen.

"But you suppose to consider this, especially if yung katotohanan, di talaga siya si Melody. Right now it appears na presumptive ka.", wika ni Stanley.

"I might be presumptive but you as well", wika ni Stephen.

"But look on the worse possibility para di ka masaktan masyado", suhestiyon ni Stanley.

"You know me boy, I'm not pessimistic like you. I'm the most optimistic sa ating magbabarkada", wika ni Stephen na nakangiti.

"Yeah, that's the blood of a Marketing major. Optimistic... Eh kaming mga Accountant... Conservative kami", wika ni Stanley na medyo nagyayabang.

"Nagyabang ka na naman. Basta. I know na siya si Melody, that's all.", wika ni Stephen.

"Bahala ka, I'm just saying na dapat open ka sa ibang possibility. ", wika ni Stanley na ipinagkibit balikat na lang ni Stephen.

"Nga pala changed topic muna tayo. At the end of the month inaaya tayo ng ibang barkada na pumunta sa October Fest. Mag-eenjoy na tayo dun, serve as reunion na din.", pag-iinform sa kanya ni Stanley.

"I guess, they've miss the old days", nakangiting wika ni Stephen. Madalas kasing sumali ang barkadahan nila sa Oktober Fest Band Competition nung college days nila, though they don't have consistent band name dahil paiba-iba sila ng nilalagay sa reg form every year coz its purely for fun lang sa kanila iyon.

"Bakit ikaw hindi ba? Diyan ka nga naging sikat sa school at lalong dumami ang mga chickababes mo", nang-iinis na wika ni Stanley.

"Hey, lahat naman tayo ah.", wika ni Stephen.

"Pero iba ang vocalist, syempre mas madaming maaattract sa'yo. Pasalamat ka, mas maganda boses mo kung hindi ako ang naglead ng grupo natin", wika ni Stanley.

"Di ka kasi umattend sa voice lesson nung high school tayo", napapangiting wika ni Stephen.

"Di ko na kailangan yan. Ano tol, sama ka sa Oktober Fest, isasama ko din si Alexia.", wika ni Stanley.

"Alexia? Di ba si Jane yung girlfriend mo? Playboy ka pa din pala, naunuhan pa kitang nagbago", nang-iinis na ngayong wika ni Stephen.

"Sira, Alexia Jane ang pangalan ng girlfriend ko. Mas komportable lang akong tawagin na siyang Alexia since mga pamilya niya lang ang tumatawag sa kanya ng ganun. Ano sama ka na ah, iconfirm ko na sa kanila na sasama ka.", nakangiti ring sagot ni Stanley.

"Sige na. I'm just hoping na that time. Kasama ko na si Melody", wika ni Stephen.

"Sana nga, para di ka mainggit sa amin. Teka tol, balik na ko ng opisina. Tapos na yung coffee break namin. Baka malate ako.", nakangiting wika ni Stanley pagkatapos tumingin sa wristwatch nito.

"Adik ka, may boss bang nale-late", wika ni Stephen, katulad niya, pamilya din ni Stanley ang 'pinagtatrabahuhan' nito.

"Hoy, di mo ko katulad, we should be the role model of our employees", wika ni Stanley na ngayon nga ay nakatayo na.

"Fine, ikaw na ang role model", wika ni Stephen.

"Adik ka talaga Pete, bumalik na nga ang kaibigang kilala ko. Pati yung pagiging mapang asar mo, thanks to Melody", wika ni Stanley.

"Sige tol, got to go", wika ni Stanley na paalis na.

"Sabay na ko sa'yo sa paglabas", wika ni Stephen at sabay na silang lumabas.

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon