PROLOGUE
Bumaba si Stephen sa taxi na nagdala sa kanya mula sa mall na pinagbilhan niya ng hawak na regalo. Sa loob-loob niya, alam niyang magugustuhan ni Melody ito - isang mamahaling wristwatch na pambabae. He knows that Melody will not like it because of its price but obviously, because it is to be given by him. Madali lang para sa kanya, mula sa isang mayamang pamilya na bumili nito, subalit ang pinambili niya rito ay talagang pinaghirapan niya, and only Melody persuaded him to work hard just to buy a stuff like this.
Agad siyang kumatok sa pintuan ng isang apartment kung saan nakatira si Melody, subalit nakakailang katok na siya ay wala pa ding sumasagot. He decided to grab the door knob, at laking gulat niya ng malamang hindi ito nakalock. Mabilis siyang pumasok, ayaw niyang isipin ang posibilidad na may kung anong masamang nangyari sa loob. He knew her very well, masyadong maingat ito sa lahat ng bagay at pagkakataon, kahit sabihing malapit lang ang isang istasyon ng pulis sa tirahan nito ay alam niyang di nito hahayaang nakabukas ang pintuan ng kanyang tahanan at handang mag-imbeta sa mga nais magloob dito. Inobserbahan niya ang loob ng tahanan ni Melody na ilang beses na niyang nakita. Though mag-isa lang ito sa kanyang tinitirhang apartment, medyo malaki ito at pwede ng tirhan ng isang buong mag-anak na may 3 hanggang 4 na miyembro, a living room, one master bedroom, guestroom, bathroom, kitchen, and even dirty kitchen - a luxury for an average Filipino family indeed. Wala si Melody sa living room.
"Obviously", wika niya sa sarili. Kung nasa living room ito, malamang agad siya nitong pinagbuksan. Medyo nawala ang kabang nadarama niya ng mapansing wala namang kung anong uri ng kaguluhan ang naganap sa tahanan nito. Sinilip niya ang guestroom, bathroom at kusina, no need to see the dirty kitchen since see through naman ito mula sa kusina, wala si Melody dito.
Agad siyang pumasok sa kwarto nito, subalit wala pa din dito ang pinakaespesyal na tao sa buhay niya.
"Where the hell is she?", tanong niya sa sarili. Imposibleng nag shopping ito o namalengke o kung saan man ito pumunta ng hindi man lang nilock ang pintuan ng tahanan nito.
"The hell, what's the purpose of having a cellphone", nakangiting wika niya. Ayaw niyang isipin ang kahit anong masamang posibilidad. Diniinan niya ang numerong '1'. A speed dial for the superb person for him, nang marinig niya ang ring tone ng cellphone nito. Nakapatong ito sa lamesa katabi ng kama ni Melody.
"Damn!", inis na wika ni Stephen. Dinampot niya ito ng mapansing may sobre na siyang pinagpapatungan ito. Agad niya itong kinuha, binuksan at binasa ang lamang sulat...
**********
A/N
So guys this is my first story here in Wattpad.. Hope you'll going to like this, medyo pormal siya pero I'm good on adaptation so expect na in time biglang mag shift yung work ko from formal to 'informal' or the usual story format here in wattpad (say Point-Of-View system). This is already ended in my head, hope madaming magbasa para maengganyo akong tapusin agad siya. I'm hoping for your support guys! Thanks!
BINABASA MO ANG
Time Lapse
De TodoFrom a happy-go-lucky guy, Stephen turned into responsible dude mula nang makilala niya si Melody. Well, they used to have an experimented relationship, yung tipong walang ligawan na naganap, basta naging sila na. At first, he paused for a while, bu...