Chapter 1

21 0 0
                                    

@ SHOWBIZKITA!

Balita ngayon:

Ang Super star na si James Hemight at ang kanyang Losyang at walang kwenta na girlfriend na si Dessy Camado, NAGBREAK NA!. Marami ang natuwa at nalungkot. Sabi ng iba na dapat lang silang magbreak dahil walang fashion sense at ang pangit ni Dessy. Nakipagbreak si Dessy dahil Nagtalik si James at si Lei Remedios na co star ni James sa kanyang upcoming movie na "Me and You." at bestfriend ni Dessy!

Comments: 40,896

Likes: 38,023

JamesWife345: Kapal naman ni Dessy. As in Yuck!

FertilizeQuest: Kawawa naman pala si Dessy. Hayop ka naman pala James

Mrs. Hemightngbuhay23: Sa wakas nagbreak na rin sila. Ew. Ok pa si Lei noh!

Wehatepotatoes: Ayaw ko kay Lei. Masyadong peke. eww. Go Dessy!

Skimmilkko33: Wews. Mas kinakampihan niyo pa yung Mistress. Ew.

FireflyKopsos: WE HATE DESSY! WE SHIP LEI AND JAMES! WOOH

BTSHANADULSET: FIREEEEEEE-EE-EE-E!

UnicornsFly: Manahimik ka nga. Di ito Bts boi. Shut the fuck up. #Dessysucks.

Yomama: Hays, Sinayang mo pagmamahal ni James. Panget mo talaga Dessy.

Gmsiaqoe201: Dessy! Hoe! You Hoe!

"Des, Tama na ang pagbabasa ng comments." Sabi ng aking Ate. Si Ate Red. Pagkatapos kong makipagbreak kay James, Nasira na ang pangalan ko.

"Ate, ba't ganon? Ako lagi ang nasasaktan at n-napaglalaruan." Sabi ko habang tumutulo ng walang hanggan ang aking mga luha.

"Alam mo, You don't deserve to be hurt. He's not the perfect one for you." Sabi niya at niyakap ako. Iniyakan ko nalang siya dahil wala akong maisagot. James, Minahal kita. Sinayang mo lang, Pati buhay ko sinira mo.

"Bakit ka umiiyak, Ate?" Sabi ng aking maliit na kapatid, Si Theo. Mahal na mahal namin ang bunso namin. Sa oras na masakit ang nararamdaman namin, Pinakakalma niya kami.

"Ah wala ito, Theo. Hindi umiiyak si Ate." Sabi ko sabay punas saaking mga luha. Ayaw kong nakikita niya akong umiiyak.

"Sinaktan ba kayo ni Kuya James?" Tanong niya at hindi ako makasagot. Tumingin ako kay Ate Red at sumagot siya at nagisip ng dahilan.

"Ah. Ate ingat ka sa pagbaba sa hagdanan." Sabi niya at tumungo ako na nakangiti. Lumabas na siya hawak ang kanyang teddy bear. Umiyak ulit ako sa balikat ni Ate Red. Di ko talaga kayang pigilan ang mga luha ko.

"Shhh." Patahan na sabi ni Ate. pagkatapos makalipas ang ilang minuto, napatahan ko ang sarili ko at ningitian si Ate.

"Oh. Des. Ok ka na? Sabihin ko pa ba kay Derrik?" Tanong niya at bigla ako namulat. S-si Derrik?! Ayoko siyang madamay. Baka kung ano ang gawin niya kay James.

Si Derrik, Kaibigan ko. Mainit ang ulo niya marinig palang ang pangalan ni James. Nasa Canada siya ngayon for bussiness.

"Wag ate. Ayokong madamay ang mga walang alam." Sabi ko na malapit nang maging pabulong.

Ang sakit sakit. Sa sarili ko pa talagang kaibigan. I made her go to her goal which is pagiging Actress. How?! Paano niya nagagawa yun sa harap ko?! I trusted her.

"As you wish. Pero, Please remove both of their number in your phone. Ok?" Sabi niya at tumango ako at nakita ko sa aking lock screen ang picture namin, naka kiss si james sa pisngi ko.

"And Pictures." Dagdag ni Ate nang makita ang lock screen ko at tumango nalamang ako.

Inopen ko ang aking Images at binura lahat ng mga mukha ni James at binura ko na rin yung mga messeages namin. I even removed their number.

"For the best." Sabi ni Ate at ngumiti lang ako.

Lumabas si Ate at sinarado ang pinto ko. Kinuha ko sa aking  ilalim ng higaan ang mga letters niya.

Iba't-Ibang kulay. Sabi niya ganyan daw kami habang buhay. Kukulayan namin ang aming kasalukuyan, Siguro ngayon, Ako nalang ang magkukulay pero di ka na kasama.

Nakita ko ang necklace na binigay niya. Nakaukit dun yung pangalan namin. Des ♡ Jam. Sakit talaga pag naaalala mo ang mga magagandang nakaraan.

Binuhat ko ang box at lumabas, dumiretso ako papuntang trash bin sa labas at itinapon doon. Bye Dejam.

Pagkapasok ko palang sa bahay, narinig ko ang theme song namin ni James, Almost is never enough, Pinapatugtog pala ni Ate Red. Hays, Guess i have to deal this.

"Kala ko ba ate tanggalin lahat ng tungkol kay James?" Sabi ko at nagulat siya.

"Ang baduy ng theme song niyo." Sabi niya at tumawa nalang ako. Oo nga, Ang Baduy.

"Haha, Di kasing baduy ng sainyo ni kuya Gab . Marvin Gaye. Hay nako. nakakadiri kayo." Sabi ko at natawa siya. Actually, may Perverted minds sila kaya bagay silang dalawa.

"Hahaha. Fine. Kami na baduy." Sabi niya at napatawa ako.

Nagtawanan kami for a minute at may luha na kami sa pagtawa. Hays. I really love Ate Red.

"By the way, Seryoso ka na ba talaga na aalis ka na next week?" Tanong niya na may lungkot sa kanyang mukha. Oo, aalis ako papuntang France. I will work my way up to get my name and my reputation known for myself not by any artist.

"Oo ate. I want to accomplish something in my life, Ayoko nang maging tanga." Sabi ko at tumango siya. I need to.

"If that's your decision. Wag mong kalimutan na kapag may kailangan ka andito lang kami ng Kuya Greg mo, Ok?" Sabi niya at tumango ako. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Sorry ate.

After a week. . . .

Nasa airport na kami. naka mask ako dahil mas lalong lumalaki ang issue tungkol samin ni James. Si Lei, Chinat ako, Like sorrys and that. I never replied. Peke naman masyado. Ayoko na

"Dessy, Magingat ka. Wag mong kalimutan na andito lang kami ah? Call us." Sabi niya at tumango nalang ako. Bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Atee, I-iwan mo n-na ak-o?" Sabi ni Theo na hawak hawak ang kamay ko na mahigpit, Umiiyak na rin pala siya. Ngumiti ako sakanya at hinaplos ang kanyang ulo.

"Theo, Wag kang maging pasaway ah? I promise na tatawag ako, magfacebook tayong dalawa. Love ka ni ate, Ok?" Sabi ko at tumango siya, Niyakap niya rin ako at niyakap ko rin siya. Tumingin ako kay ate at hinila niya si theo.

Flight 209 to france.

Tinawag na ang flight ko. Kinuha ko na ang aking mga maleta at tumingin sakanila.

"Oh, Ate, See you soon! Mamimiss ko kayong lahat!" Sabi ko at naluha si Ate.

"Oh sige na nga. ang drama naman. Ingat ka!" Sabi ni Ate Red at ngumiti na ako. Kumaway na ako papalayo at pumasok na sa loob. Hanggang sa muli.

The Revenge of the Past. (On Hold)Where stories live. Discover now