Chapter 2

19 1 0
                                    

After 5 years. .

Third P.O.V

"Ladies and Gentlemen, Let's give a hand to our very own Model of Asia corporation. Ms. Dania Vile." Sabi ng Mc at nagsipalakpakan ang lahat

Lumabas ang isang babae na naka long white gown at maganda ang figure, Nakacurl ang buhok niya at maputi. Hindi nila kilala na si Dessy na ito. Ang babaeng nakipagbreak kay Mr. James Hemight 5 years ago.

Rumampa si Dessy sa entablado, Ang kanyang ngiti ay nakakapatatay at nakakasilaw, Ang kanyang figure ngayon ay nilalawayan na ng mga kalalakihan sa France.

Sikat na si Dessy sa buong Asya, Nagsimula siyang pumasok sa isang maliit na kumpanya hanggang nakaabot na siya sa mga malalaking rampahan.

Natapos ang show at nasa back stage lahat ng model, Binabati ng mga tao si Dessy dahil isa nanaman itong "Killer Show".

"Dessy!" Tawag ng isang lalaki. lumingon si Dessy sa kinaroroonan ng boses at nakita niya si Derrik.

"Derrik! Musta ka na?" Ani ni Dessy habang papalapit si Derrik.

"Eto kung makamusta parang di tayo nagkikita araw-araw." Biro ni Derrik at pareho silang natawa.

"Rik, Uuwi na nga pala ako ng Pilipinas next month." Ani ni Dessy habang tinatanggal ang kanyang heels.

"Sayang naman, Di pa ako makakauwi saatin eh. Busy pa ako." Sabi niya at tumango nalamang si Dessy.

Nagusap at kumain sa labas ang dalawa, Inihatid ni Derrik si Dessy sa kanyang Apartment at nagpalitan ng pamamaalam.

Punasok na siya sa loob at saktong may tumawag sa kanyang Cellphone, Si Gigi Hadid. Ang matalik na kaibigan ni Dessy, Nagmeet sila noong nagshoshow sila sa Victoria Secret.

"Hey, Girl, I saw the show, You KILLED IT!"

"Thanks, Well, It's my last Show for the upcoming months."

"Why?"

"I'm going back to the Philippines."

"Ow, Is that so? Well Have fun!"

"Yeah thanks, How's Kendall?"

"I don't know, Haven't talked to her this past few weeks."

"Why?"

"I don't know either but anyways, I have to go now, Many Photoshoot today. Have fun! Send goodies when you get back."

"Ok, Bye!"

In-end call na ni Dessy ang tawag at kinuha ang maleta. Nagempake na siya para sa paguwi niya sa Pilipinas.

"See you soon, Manila."

After a month. . .

"Dania! We're going to miss you!" Sabi ng mga fans niya sa airport na paulit-ulit.

Natuwa naman si Dessy na sumusuporta ang fans niya kahit anong mangyari. Tinawag na ang flight niya at kumayaw na siya sa kanyang mga fans.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin siya sa Pilipinas.

HOME SWEET HOME.

Dessy's P.O.V

Naglalakad ako sa gitna ng airport para mahanap sila Ate Red.
Nakita ako ng mga fans kaya tumakbo ako. Biglang hinarangan ng mga guards ang mga fans ko. Dumiretso ako sa may upuan dahil may familiar na likod akong nakita. Wait. Si Kuya Gab na may buhat na, BABY?!

"Kuya Gab!" Sigaw ko at humarap ang lalaking may buhat na bata.

"Uy! Dessy!" Sigaw niya at niyakap ako. Nakakamiss rin tong ugok na to eh.

The Revenge of the Past. (On Hold)Where stories live. Discover now