Deanna's
Hindi pa 'to ang last game namin sa UAAP, may training pa kami bukas.
Kailangan naming manalo dito. I know that FEU is a strong team. Natalo nila kami nung first round and binawian naman namin sila nung second round.
"Deanna, una na ko sa bus ah"- Ponggay said.
Text ko muna si Bb.
To: My Queen💙
"Hi Queen, you feel better na?"
From: My Queen💙
"Yea, dont mind me. Focus on your game bb. Im on my way na. Goodluck, iloveyou."
Ok na ko, na ok na sya.
Lumabas na ko at sumakay na sa bus. Pupunta na kaming SJA.
"Deanna, kamusta na si Jema?"-sabi ni Ate Maddie, magkatabi kami ngayon.
"Sabi nya ok na daw sya. Pero feeling ko hindi pa e. Alam kong nasaktan talaga sya ng sobra kahapon."-sabi ko
"Oo, kaya galingan natin later. Ibawi mo Queen mo hahaha."-sabi ni Ate Maddie
Nandito na kami. Bumaba na ko sa bus at daretso na sa dug out.
From: My Queen💙
"Where are u? I just wanna tell you something."
To: My Queen💙
"Dug out luv."
From: My Queen💙
"Papunta na ko."
Lumabas ako ng dug out para salubungin sya
"Hey."- sabi ni Jema at biglang yumakap sakin.
"Imissyou."- Jema
"Kung ano man ang maging result ng game mamaya, just remember na I'm always be your number 1 fan bb."-Jema
"Thankyou bb, iloveyousomuch."-sabi ko at hinalikan sya sa noo.
"I will do my best. Pray for me ha. And the whole team."-sabi ko at nginitian sya
Feeling ko mas kinakabahan pa to kesa sakin e.
"Yes bb. Basta magiingat ka ha. Nandon lang ako sa side."-sabi nya.
"Yes po. Gusto ko nalang na sumama sayo, kaso di pwede. Hahaha."-sabi ko.
"Hahaha baliw. Sige na. Balik na ko don ha. Gusto lang talaga kitang makita. Goodluck, iloveyou!"-sabi ni Jema at umalis na.
Wala akong hiniling pero kusa kang dumating, Jema!
Bumalik na ko sa loob. Ready na ko sa pambubully ng teammates ko.
"Yieeee, daig kayo ng best setter natin!"- the one and only, Ria Lo.
"Oo nga, Queen Falcon agad ha. Tinde mo Deans!"- Jules
"Paano na si Ricci at Luigi?Hahahah wala na, may nanalo na."-Sydney
"Lakas mo talaga, Deanna Wong! Lodi hahahah."- Bettina
"MAGSITIGIL KAYO!!"-sabi ko.
"Ay beastmode hahaha. Ipatawag si Queen Jema!"- Ate Bea
"Ate Bei! Pati ikaw?! Kala ko ba pakners tayo?-sabi ko with paawa face.
"Hahahaha. Im your pakners naman ah. I'm so proud lang and happy na happy ka. And happy din ako na di moko ginaya."-sabi nya at biglang tingin kay Ate Jho.