Chapter 25

12.8K 223 11
                                    

Deanna's

Nandito kami ngayon ni Luigi sa BEG. Katatapos lang ng meet up namin sa mga magtatry out sa team namin.

Lapit na yung game nila Bb. Nagwawarm up na sila.

Yung tablet ni Luigi nasa main cam tas yung phone ko sa star cam naman. Hoping na baka ifocus kay Bb.

Huy, sige tweet lang kayo. Para makita natin si Bb sa starcam hehe.

Nagstart na yung first set, di pa pinapasok si Bb.

"Si Jema na laman ng star cam hahahaha."-sabi ni Luigi

"Oo nga e hahahah. Eto nalang pinapanood ko."-sabi ko

"Jusko hustisya naman diba, partida pawisan na. Ganda padin."-sabi ni Luigi

"Ops ops! Akin lang yan. Dun ka manood."-sabi ko at tumalikod sa kanya

"Damot mo Deanns! Ay nga pala bukas after ng game nila Jema against paymaya tayo aalis. Isang gabi lang tayo don then morning uuwi na din at baka maspike ako sa mukha ni Jema pag di pa kita inuwi."-sabi ni Luigi sakin. Yung about nga sa swimming namin sa Batangas.

"Oo na hahahaha. E lagot ka talaga don. Kelangan ko din muna magrelax at malapit na din ang hell week."-sabi ko.

"Wow ha. Di ka pa ba narerelax kapag kasama mo si Jema?"-tanong nya sakin.

"Yun na nga e, wala sya kaya sad ako."-sabi ko.

"Huy landi nyo. Ayan na, panalo sila sa 1st set."-sabi nya sakin

Sa totoo lang, sa star cam lang talaga ko nanonood. Jusko sobrang labo banaman ng livestream

"Ang power nung import ng Bangko o, yung Bright. Jusko. Kaawa ang rereceive ng  palo nun."-sabi ni Luigi.

"O di kana nakapagsalita dyan."-tanong nya sakin at sinilip yung phone ko.

Si Jema na yung laman ng star cam. Yieeeee!

"Ganyan ba talaga pag naiinlove, jusko! Nakita mo lang si Jema di ka na nakapagsalita."-sabi nya

"Shut up. Wag mokong intindihin. Manood ka ng sayo."-sabi ko sa kanya pero nakatingin padin ako sa phone ko.

Paano ka ba naman di maiinlove sa babaeng 'to. Sobrang ganda nya.

Mainggit kayo, sakin na pinapantasya nyo hahahaha.

"Ay bat nagdilim Deanns? Nawalan ata ng kuryente sa tuguegarao hahaha."-sabi ni Luigi

"Hahahahh oo nga. Ilagay si Bright para lumiwanag hahahaha."-sabi ko.

"Hahahaha tae ka Deanns, korni mo don."-sabi nya sakin.

Ayun na nga, nanalo yung Bangko-Perlas sa 2nd set.

Kung pwede lang kasi akong sumali e. Huhu. Kahit ibangko lang ako ng Creamline basta makasama ko si Jema.

Abangan nyo talaga kami, pagsumali kami ng PVL Open Conference! Panis sakin yang setter ng Bangko. Hindi si Ate Jem ha. Legendary setter yun e hahahah.

"Jusko wala nanamang kuryente don hahahah. Kung dito nalang kasi sa ateneo ginanap diba. Di pa sobrang init dito at laging may kuryente."-Luigi

"Oo nga e. Jusko."-sabi ko

Saglit lang pinapasok si Jema kaya sa star cam nalang ako nakatutok para lagi syang makita.

"Hoy Deanna hahahaha. Hindi ba nakuhanan dyan sa star cam? May naganap daw ng showdown e. Hahahaha bidang bida mareng jema ko."-sabi ni Luigi at tawa ng tawa.

"Hoy ano yooooon. Di ko napanood. Huy Giiii!"-sabi ko at hinahampas hampas sya.

"Hahahaa mamaya na natin hanapin. Tapusin muna natin 'to. 5th set na."-sabi ni Luigi

Nakatutok padin ako sa starcam. Haaaaay! Ano bang ginawa ni Bb? Huy ako lang ba walang alam?

Natapos yung 5th set at nanalo yung Bangko-Perlas.

"Deanna tingnan mo sa twitter. Nandon yung video. Hahahah."-sabi ni Luigi.

Nagbukas ako ng twitter at trending si Bb.

Pinanood ko yung tweet ni Sir Allan.

Aba jusko ang Bb ko! Huy Bb mainit na na dyan sa tuguegarao, pinainit mo pa lalo.

"Galing din pala sumayaw ni Jema. Grabe maganda na, talented pa. Ikaw na talaga Deanna Wong."-sabi ni Luigi sakin

Pinapaulit ulit kong panoodin yung sayaw nya. Nagsayaw din pala si Ate Amanda. Hahahaha

Sana mawalan din ng kuryente sa Flying V kapag dito na sila naglaro. Hahahahha

Natalo man yung Creamline, panalong panalo naman yung sayaw ni Bb. Jusko nagtrending pa yung #KayMarengJemaTayo

Kakaproud Bb ko.

From: My Queen

"Hi Baby, talo kami."

To: My Queen

"It's ok. Panalong panalo naman sayaw mo e hahahaha."

From: My Queen

"Hahaahah huy kahiya hahahaha. Pinilit lang talaga ko e. Yoko talagang magsayaw hahahahaha chiki."

To: My Queen

"Dumami tuloy kaagaw ko sayo Bb. Hahaha"

From: My Queen

"Wala akong pake sa kanila. Huy imissyou. Ay bb may team dinner po kami ngayon. Ikaw? Kelan alis nyo ni Luigi papuntang Batangas?"

To: My Queen

"Bukas po Bb, pagtapos ng game nyo. Ah ganon ba, sige po. Magraramen lang kami ni Luigi, Bb. Imissyoutoo."

Umuwi muna ko ng dorm para makapagpalit ng damit.

Manlilibre si Luigi e. Hahahah lagi naman.

"Tagal mo, tara na. Gutom na ko."-bungad nya sakin paglabas ko ng dorm

"Oo na, dami mo pang sinasabi e."-sabi ko.

"Ah Deanna, thankyou nga pala sa pagaccept ng invitation ko ha. Kahit alam kong hectic sched mo sasamahan mo padin ako magswimming."-sabi nya habang nagdadrive.

"Ok lang yon, ano ka ba. Kailangan ko din ng Vitamin Sea e hahahaha."-sabi ko

"Ah Deanna, i need to tell you something."- Luigi

-
Thankyou for voting! Sorry for the typos.

Kung may suggestions man po kayo about sa Cover Photo ng story, pwede naman po kayong magcomment or magmessage. Thankyou guuuys.

MineWhere stories live. Discover now