Jema's
Siguro sa isang relasyon, hindi talaga mawawala ang tampuhan.
Sobrang busy na ngayon ni Deanna, puspusan nadin kasi ang training nila e.
Kasali sila sa Open Conference ng PVL, and yes. Makakalaban ko sya. Feeling ko di ako makakalaro ng ayos.
Ok na din kami ni Fhen. Nagusap na sila ni Deanna. Minsan nga nagseselos na ko e, lagi silang magkausap hahahaha joke lang.
Nandito ako ngayon sa BEG, may training sila Deanna e, then kami rest day.
Lumapit ako kay Deanna, sakto at breaktime nila.
"Bb."-sabi ko at tumabi sa kanya.
"Kapagod luv."-sabi nya at yumapos sakin.
"Nako hahaha. Ikaw talaga. Wait talikod ka muna. Punasan natin likod mo."-sabi ko at pinunasan sya.
"Uwi na tayo bb."-sabi nya at inakbayan ako
"Di pa ata tapos training nyo love."-sabi ko
"Lexa! Tara dito, pakisabi naman kay Coach O, sinusundo na ko ng misis ko ha."-sabi nya at lumabas na kami.
Ok na ko with Lexa. Nalaman ko din na may gusto sya sa Bb ko. Pero hanggang crush lang naman daw sya. Parang sya na yung anak anakan namin ni Deanna hahaha.
Minsan kasama din namin sya gumala. Mas close ko na nga si Lexa e.
"Iniwan mo na mga teammate mo don, pati yung gamit mo love."-sabi ko
"Si Lexa na bahala don. Tara na Bb."-sabi nya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.
"Pagluto moko mahal."-sabi nya at nagdrive na pauwing apartment
"E kain nalang kaya tayo sa labas love."-sabi ko
"Luh ayoko. Kahit medyo maalat minsan luto mo, yun padin ang gusto ko."-sabi nya at kumindat pa sakin
"E bat di mo sinasabing maalat pala?"-sabi ko
"E ano naman? Misis ko nagluto non."-sabi nya
Jusko Deanna Wong.
Bumaba na kami at pumasok na sa loob.
"Love anong gusto mo?"-sabi ko at dumaretso na ng kusina
Aba tong si Deanna, natulog na ata.
Nagulat ako ng nakita ko sya sa likod ko at nakanguso habang nakapikit.
Pinagmasdan ko lang sya, sobrang ganda talaga ng girlfriend ko.
"Ano ngang gusto mo Bb."-tanong ko ulit.
Minulat nya ang isang mata nya at tinuro yung nakanguso nyang labi.
"Huh?"-tanong ko
Hinalikan nya ako.
"Yan gusto ko love."-Deanna
"Psh. Kala ko ba gutom ka?"-sabi ko
"Di na ko gutom e, sarap ng lips mo. Isa pa nga."-sabi nya at akmang magnanakaw na naman.
"Hep hep! Magshower ka na muna. Basang basa ka ng pawis o."-sabi ko at hinarangan ang mukha nya
"Tsk. Damot."-sabi nya at tumalikod sakin at naglakad.
Hinabol ko sya at hinila pabalik sakin. Sa puntong 'to, ako naman ang umangkin ng mga labi nya.
"Smile na yan. Sige na, shower na mahal, kakain na tayo after."-sabi ko.
Pumunta na syang cr at nagluto na ko.
Kahit matagal na kami ni Deanna, yung kilig na nararamdaman ko pagkasama sya, hindi pa din nagbabago. Ganon na ganon padin.