Chapter 42

11.2K 233 20
                                    

Jema's

Katatapos lang ng training at palabas na ko ng BEG.

Ang bilis naman ata ng panahon, parang kelan lang e sobrang init tapos ngayon umuulan. Hays wala pa mandin akong dalang payong.

Naglakad na ko papuntang kotse. Ayoko namang tumakbo at baka madulas mga Mare.

Ops wait, tila na agad?

"Bat ang kulit mo? Paano kapag nagkasakit ka? Tsk."

Napatigil ako sa paglalakad. Humarap ako kung sino yung nagsalita.

It's Deanna, at may hawak syang payong na nakatapat samin.

"So?"

"Tsk. Kulit."-sabi nya at pinunasan ng panyo yung mukha ko.

"Stop. Don't act na concern ka talaga Deanna."-sabi ko.

"Jema."-Deanna

"Don't act na alam mo yung sakit na nararamdaman ko. Deanna tumigil ka na. Please. Kasi, sobrang sakit padin Deanna."-sabi ko

"Jema, please. Let me explain. Alam kong sobra kitang nasaktan pero Jema, hayaan mong magpaliwanag ako."-Deanna

Nagiiyakan na kami dito. Sobrang nasasaktan ako. Seeing her like this. Pero nandito padin yung sakit.

"P-para ano Deanna? Hindi na kailangan dahil alam ko na. Alam ko ng hindi ako yung makakasama mong humarap sa altar. Alam ko ng hindi ako ang kasama mong bumuo ng pamilya. At alam ko ng kahit anong gawin ko hindi ka na ulit magiging sakin. Kaya Deanna para saan pa? I'm sorry pero tigilan mo na ko."-sabi ko at naglakad na papuntang kotse.

Sumasabay ang buhos ng ulan sa pighating nararamdaman ko ngayon.

Nagdrive na ko pauwi.

Pagdating ko sa bahay, naligo na muna ko at pumasok na sa kwarto at humiga na.

Pagod na yung katawan ko pati na din puso. Sana naman mapagod din yung mga mata ko kakaiyak.

"Baby please! Talk to me!"

Napabangon ako sa pagkakahiga at sinilip kung sino yung sumisigaw.

"Deanna."-bulong ko.

Basang basa na sya.

"Jema please. Pakinggan mo naman ako. Baby please."-Deanna

Lumabas na ko at nakita sya sa may pinto. Malakas ang ulan at gabi na din.

"What do you want?"-malamig kong tanong sa kanya.

"Baby please. Just this one. Pagkatapos nito di na talaga kita kukulitin."-sabi nya

"Ano pa bang kailangan kong malaman. Deanna umuwi ka na."-sabi ko

"No! Kausapin mo ko. Mahal na mahal kita Jema. Hindi ako aalis dito hangga't di mo ko pinapakinggan."-Deanna

"Deanna. Umuwi ka na."-sabi ko

Pumasok na ko sa loob. Anong gagawin ko? Mahina sa lamig si Deanna.

"Hindi ako aalis dito Baby."-Deanna

Sobrang lakas padin ng ulan at hangin.

Sinisilip ko sya dito sa bintana sa may sala. Nakaupo sya sa may harap ng pinto.

It's already 11pm at medyo humihina na din yung ulan.

Binuksan ko ang pinto at hinila sya papasok ng apartment.

Kumuha ako ng towel at inabot ito sa kanya.

"Magpunas ka then maligo ka muna at may damit ka na don sa kwarto."-sabi ko ng di padin tumitingin sa kanya.

MineWhere stories live. Discover now