Miss na miss ko na talaga sya!. Isang linggo na kaming hindi nag kikita at saka ang dalang na rin nya akong i-text o tawagan. Ganoon na ba talaga sya ka-busy?, o baka naman nag tatampo pa rin sya?.
"miss ko na sya besh!" reklamo ko sa bestfriend ko bago ako bumuntong hininga at isubsob ang mukha sa desk
"tinawagan mo na ba?" tanong nito, tumango lamang ako bilang 'oo'
"baka naman busy lang talaga sya" komento pa nya bago sumubo ng pasta na inorder nya for lunch
"Hyorin sa tingin mo ba nagtatampo pa rin sya sa akin kasi di kami natuloy sa date dapat namin noong anniversary namin at saka noong magde-date dapat kami at kakain sa labas noong pagka uwi nya galing sa seminar kung saan sya umattend?" tanong ko kay Hyorin -na best friend ko- ng mag angat na ako ng tingin at ayusin ang upo ko.
"pwedeng oo, sino ba naman ang hindi mag tatampo, di na nga kayo nakapag date noong isang linggo dahil inuna mo pa ang book report natin kesa sa kanya tapos di nyo pa natuloy ang date nyo dahil mas inuna mo pang ayusin ang pagpa-process ng graduation clearance at papers natin. O ngayon sabihin mo sa akin kapag ikaw ang nasa posisyon nya hindi ka ba mag tatampo?" sermon nya sa akin.
Napanguso na lamang ako sa sinabi nya at saka inumpisahang laruin ang pasta na inorder ko rin for lunch. Wala na naman akong ganang kumain dahil miss na miss ko na si Donghyun.
I'm Angel Mae Coyoca, Literature Graduate and currently finishing my masters degree, 23 years old and in a relationship with my piano tutor turned boyfriend Kim Donghyun, three years of being in relationship and still going strong kami.
Nakakapag taka siguro kasi literature ang course ko pero may piano tutor ako, yung parents ko kasi gusto nila akong matutong tumugtog ng kahit na isang music instrument man lang kasi mahilig sila sa classical music at dahil mabait na anak pumayag na ako at piano ang napili na. Pero di ko naman inakala na ang long time college crush ko pala ang magiging tutor ko, sobrang saya ko noon kasi naman di ko na lang sya tinatanaw mula sa malayo dahil nakakasama ko na sya sa bawat piano lessons ko. Akala ko nga one sided na lang ang pagtingin ko sa kanya forever kasi naman ang sungit nya at seryoso nya masyado sa tuwing may piano lesson kami pero di ko inasahan na gusto nya rin para ako, noong last day ng piano lesson ko kung saan ipapakita ko na sa kanya ang natutunan ko sa pag tugtog ay ang araw na yinaya nya ako ng date at syempre dahil gusto ko naman na sya umo-oo na agad ako, papakipot pa ba ako kung crush ko na yung nagyaya sa akin. At doon mismo sa date namin doon nya inaming gusto nya rin ako at gusto nya akong ligawan, sobra sobra ang saya ko noong araw na iyon, and then the rest is history na nga ika nila.
"sabi naman nya naiintindihan nya ako, alam nyang mahalaga sa akin at priority ko ang pagtapos ng graduation materials ko halos dalawang buwan na lang kasi matatapos ko na ang masters degree ko" tunog nag susumbong kong sambit
YOU ARE READING
BOYFRIEND (One Shot Stories)
FanfictionOne shot fanfic stories featuring Kpop boy group BOYFRIEND.. #7yearswithBOYFRIEND