" My Sweet Patissier" - SHIM HYUNSEONG

9 1 0
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Hoy! Babae! Tulala ka na naman dyan" ang bulyaw sa akin ni Hera.

"s-sorry naman" sabi ko na lang saka muling ibinalik ang atensyon sa trabaho.

Nahuli na naman nya kasi akong palihim na pinapanood ang boss namin na si Shim Hyunseong habang busy ito sa pagbe-bake nya ng mga pastries and cakes para sa coffee shop na pag mamay-ari nito. Hyunseong is a patissier habang ako naman ay empleyado at isang barista ng cafe na ito alongside Hera na kahera at si Sam na waiter naman, maliit lang naman ang cafe na ito pero kahit na hindi ito kalakihan tulad ng mga famous na cafe shop ay madami pa rin kaming nagiging customers.

"sinisilayan mo na naman kasi si boss, kulang na lang lumuwa yang mata mo!"

"sshhh! Ano ka ba hinaan mo naman yang boses mo, marinig ka ni boss e" ang natataranta kong sabi habang ang isa kong kamay ay itinakip ko sa bibig ng babaeng ito.

"sus, kahit pa na sumigaw pa yan dito hindi naman yun mapapansin at maririnig ni boss. Kita nyo namang masyadong engrossed si boss sa pagbe-bake, mas may interest pa nga yata si boss sa cakes kesa sa babae. Kaya wag ka ng umasa dahil para kay boss ang mga bine-bake nya lang ang mahal nya, try mo kayang maging cake para mapansin ka na rin nya" sabat naman ni Sam na bigla bigla na lamang sumusulpot sa kung saan saan.

"ano ka ba naman Sammy! Panira ka sa moment ni Jhenny eh!, dun ka na nga bumalik ka na lang sa trabaho mo, asikasuhin mo na lang yung customers"

"oo na, ito na nga o, babalik na po baka suntukin mo pa ang napaka gwapo kong mukha." ang sarcastic naman na sagot ni Sam ng talikuran nya kami.

Halos dalawang taon na, dalawang taon na akong nag tatrabaho sa cafe na ito since natapos ko ang pag aaral ko para maging ganap na barista at sa loob ng mga panahong nag tatrabaho ako rito ay nahulog na ako at tuluyang nagka gusto sa boss namin.

Sino ba namang hindi magkaka gusto sa kanya, gwapo sya, matipuno ang katawan, maganda ang boses nya -it's warm and soothing-, malumanay syang manalita, mabait sya pero sobrang tahimik nya naman at minsan ko lang syang makitang makihalubilo sa mga kaibigan nya.

"huy Jhenny wag mo na lang pansinin yung sinabi ni Sam, sira ulo yun kaya wag kang mag papaniwala sa kanya, okay?" Hera assured and cheered me up.

Tipid na ngiti naman ang iginanti ko sa kanya bago ko muling ibalik ang atensyon sa trabaho.

.

"Jhenny mauna na ako sayo, kaya mo naman na di ba?" paalam ni Hera habang abala ako sa aayos ng mga upuan at tables dito sa cafe.

"oo, kaya ko na to. Sige na lumakad ka na at baka naiinip na ang boyfriend mong tukmol sa pag iintay sayo, sige na" I said as I continue what am I doing

"okay~ , ingat ka sa pag uwi ha. At saka nga pala si boss nandoon pa sa office nya, chance mo na to girl" ang pilyang sambit nito

"ewan ko sayo Hera!, puro ka kalokohan, sige na nga umuwi ka na at puntahan mo na yung boyfriend mong tyanak" bulyaw ko sa kanya habang marahan ko syang tinutulak palabas.

BOYFRIEND (One Shot Stories)Where stories live. Discover now