CHAPTER 12

4.3K 94 0
                                    

HAPPY 50K BANGTAN 1: Her Fucking Boss. 😭💕 Thank, thank thank you soooo muuch bby's! Mas lalo ko pang pagbubutihan ang pagsusulat ko at matapos na ng mabilisan ang BANGTAN SERIES! Ghad, thank you! Waaaa

C H A P T E R 12

NAALIMPUNGATAN ang tulog ko ng maramdaman kong may tubig nahuhulog sa pisngi ko, may humahaplos rin ng buhok ko at nakakarinig ako ng paghikbi.

Namulat ko tuloy ang mga mata ko at nasilaw kaagad sa puting liwanag na tumama sa mata ko. Ang sakit tangina!

"Gising na siya!"

"OMG! GABRIELA!!"

Hindi na ako nagtaka ng marinig ko ang maingay na boses ng mga kaibigan ko. Sabay nila akong niyakap ng sobrang higpit pero napadaing ako sa sakit sa bandang tagiliran ko.

"A-ARAY!"

"O my gosh! Sorry! Sorry!" sabay-sabay nilang sabi at humiwalay na sa pagkakayakap. Tinitigan ko sila at nagmumugto ang mga mata nila. "Huy! Bakit kayo umiiyak?! Hindi pa ako patay noh!"

"Hindi nga! Pero paano kung natuluyan ka diba?!" sambit ni Francheska.

"Uy, Francheska! Ano ba yang pinagsasabi mo?" pinalo siya ni Nathalie sa braso pero bumababa ang tingin ko sa tiyan nito na flat na flat.

"Pagaling ka na diyan para makita mo na ang ikalima mong inaanak! Hinihintay ka na nun sa bahay!" aniya pero umiiyak ito.

Ngayon ko lang nalaman na nanganak na pala si Nathalie. "Hinihintay ka na rin ng magiging ikaapat na inaanak mo Gabriela"

Tumingin ako kay Jennylyn at maumbok na ang tiyan nito. Lumaki ang mga mata ko dahil sa hindi makapaniwala.

"Buntis ka na naman! Kaka panga- anak mo palang ha!?" sambit ko pero tumawa lang ito at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya "Eh keshe se Devren keshe eh, elem me neh"

"Anong nangyari sa dila mo Jen?" sambit ni Heaven na ikinatawa naming lahat except lang kay Jennylyn na nakabusangot.

"Kasi kung magsalita, parang pinutol ang dila. Nako, ayusin mo ang pananalita mo Jen. You're 29 years old but you're still acting like a 6 years old kid" sambit ko.

"Heh! Pakielam niyo ba! Hmp!" nailing ko tuloy ang ulo ko habang tumatawa. This six idiots are my happy pill.

"Hoy! Ikaw namang babae ka!..." tinuro-turo ako ni Denise habang magkasalubong ang kilay nito. "Walang hiya ka! Pinag-alala mo kami huhuhuhu" yumakap ito sa akin at umiyak. Hinaplos ko na lang ang likuran nito.

"Ano ba naman kayo?! Malakas at matapang kaya ako! Baka nakakalimutan niyong brutal ang isang Gabriela Anna Marie, kaya laban lang ng laban...Mga ugok! Huwag nga kayong umiyak!"

Tumigil naman sila at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin si Denise. "By the way, may kailangan kang sabihin sa amin Gabriela" sambit nito.

Tumango ang lima at tumingin sa akin ng matalim "Bakit kayo ganiyang kung makatingin?"

"Pakiexplain nga kung sino yung poging lalaki na nasa kwarto mo kani-kanina lang. Nalaman kong nasa hospital ka ng tumawag ang Dial number mo pero hindi mo boses kundi baritono at malalim na boses ang narinig ko sa telepono, then sinabi niya na nasa hospital ka kaya kaagad na kaming pumunta rito.." ani Noshka.

Luis....

"Sino ba siya?" sabay nilang sabi. I'm doomed. Mukhang kailangan kong sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Luis. Wala pa naman kaming relasyon ni Luis ah!

Ni hindi nga natuloy ang kasal namin na dapat ngayon dahil sa eksena kahapon. "Uhmm.."

Sinabi ko sa kanila na kumalma at makinig lang sa sasabihin ko, no violent reactions, no comments muna. Ako muna ang magsasalita.

Obey My Rules (Burning Touch Series 3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon