EPILOGUE

5.6K 131 6
                                    

E P I L O G U E

"LUIS, nasaan na yung new diaper na pinapabili ko sayo kahapon pa!?" inayos ko ang lampin ni Georgina at nilagyan ng pulbo ang pwetan nito.

Mabuti na lamang at tahimik ang bunso kong anak. I look at her then she's smiling ear to ear "Aww, my baby...Why are you so cute? Nagmana ka lang sa mama mo. Ngumiti ulit ito na mas lalo ko ring ikinangiti.

Her smile is my world

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Her smile is my world...

Not just her...Them.

"Mama!!!" bumaling ang tingin ko sa pintuan ng magsimula ng magtakbuhan ang apat kong anak na sina Seth, Monique, Warren and Aliciah.

"Huwag magulo, baka maingayan itong kapatid niyo" usal ko at hinintay ko ang diaper kay Luis. Nasaan na ba ang lalaking iyon?

"Here we go baby..." nakahinga na rin ng maluwang ng dala-dala na nito ang isang pack ng diaper na kakabili pa lamang.

"Papa, si Warren away ako! Kurot niya ako sa braso. Bad siya!" sumbong ng madaldal kong anak na si Aliciah. Palagi na lang sila nag-aaway ni Warren, hindi ko alam kung bakit aso't pusa kung mag-away? Sabay lang naman sila pinanganak, nauna lang si Warren sa kaniya.

"Ren. Bakit mo naman kinurot ang kapatid mo? That's a bad thing to do! Lalo na't babae ang kapatid mo, huwag mong hahayaang may makitang marks habang bata pa siya. Gusto mo ba si Aliciah, pagtawanan schools dahil may marks na kinurot mo siya?" malambing na saad ni Luis.

That's my husband!

Umiling naman si Warren at umakyat patungo sa hita ni Luis, naglambing na ito "I'm so sorry Papa...." then he look at Aliciah "Sorry my sister. Kaw kasi eh! Kulit-kulit mo! Bad ka rin eh!"

Napahilamos na lang ako sa mukha. Nag-sorry na nga siya pero nagawa pa niyang awayin ulit ang kapatid niya.

Nang matapos na ako kay Georgina, inayos ko na ang pagkakahiga ng bunso kong anak.

Nagsipuntahan na rin ang apat naming supling at pinalibutan si Georgina.

"Mama, bakit may gatas sa dila ni Georgina?" natawa nalang ako sa tanong ni Seth. "Dahil kakatapos niya pa lang dumede kay Mama kaya may gatas pa siya sa dila"

"Bakit closed fingers siya?"

"Her head is so small"

Kinurot ko nalang ang kanilang mga pisngi at ngumiti sa kanila "Because she's your baby sister. Baby pa siya kaya maliliit pa ang mga kamay,ulo at paa niya. Ganoon rin kayo ng baby pa kayo. All of you are just a small baby even now, you're still a babies ,our babies..." then i look at my husband who smiling at me.

Bumaling ulit ako sa mga bata "Hindi pa ba kayo inaantok? It's past 9 na. You need to sleep na. Remember..."

"Bawal magpuyat dahil nakakapandak ito..." sabay-sabay nilang sabi at umayos na ng pagkakahiga ng maingat dahil nakahiga pa rin si Georgina sa gitna nila.

Obey My Rules (Burning Touch Series 3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon