CHAPTER 14

4.2K 92 0
                                    

C H A P T E R 14

ILANG linggo akong nag-stay sa hospital dahil sabi nga ng doctor na kailangan maghilom muna ang sugat ko bago ako payagang lumabas.

Hindi ko alam kung anong araw na basta pakiramdam ko, ilang taon akong nakakulong sa loob ng hospital. That's why i hate hospitals, it's boring you know what i mean. Nakakabagot at ang baho pa ng amoy.

"Gutom ka ba? May gusto ka bang kainin?" nabaling ang tingin ko kay Luis habang nagmamaneho. Siya ang palagi kong kasama sa hospital, siya rin ang nag-alaga sa akin. Hindi siya nawala sa tabi ko.

Pinakiramdaman ko kung nagugutom ba ako, hindi pa naman tumatambol ang tiyan ko. Ibig sabihin hindi ba ako gutom.

"Nah, hindi pa naman ako gutom. Magpapahinga nalang ulit siguro ako" sambit ko at tumingin sa labas. Nagsasawa na talaga ako sa amoy ng aircon.

"L-luis, pwede bang pakibuksan ang bintana? I need some fresh air" tumango naman ito at may pinindot sa kotse niya na ikinabukas ng bintana sa side ko.

Nalanghap ko kaagad ang sariwa at labas na hangin. Mas bet ko pa rin ang hangin sa labas kaysa sa aircon.

"Masakit pa ba ang sugat mo?"

"Hindi na. Peklat na nga lang ito eh"

"Okay"

Hindi na kami nagkibuan at nananatili pa rin akong nakatingin sa bintana. Pumasok ulit sa isipan ko ang pinag-gagawa sa akin ni Tito Roberto.

Bakit ganoon? Bakit makakaya niyang patayin ang sarili niyang pamangkin dahil sa pera? Ganoon na ba talaga siya kadesperato?

Ang pera mauubos at mauubos rin yan kahit anong gawin mong katipiran sa buhay mo. Kahit million o billion ang pera na hawak mo, trust me mauubos lang din iyan. Hindi yan pang-matagal na bagay na pwede hanggang kamatayan mo.

Kaya nga para sakin, ang pera hindi naman masyado kinakailangan iyan. Hindi mo kailangan ng malaking halaga na pera para mabuhay ka at maging masaya ka.

Family, Friends and Love lang ang kailangan sa buhay. Hindi ang pera dahil hindi mo naman ito maisasama sa kamatayan mo, hindi mo rin ito mahahawakan kapag patay ka na.

Wait! Bakit ko ba pinag-iisip ang mga patay chuchu na iyan!? Hmp!

Bumaling ako kay Luis at pokus na pokus ito sa pagmamaneho. Bigla akong may naalala.

"T-thank you....mi amor"

WHAT THE--- Sinabi ko ang salitang "mi amor" sa kanya bago ako tuluyang ipasok sa emergency room!

Hindi ko rin alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Bakit ko ba nasabi ang mi amor sa kanya?

"Oh, what's with that face Gabriela? Parang nakakita ka ng multo" takang tanong ni Luis kaya naman umiwas ako ng tingin rito at binaling ang tingin ko sa labas.

Gusto kong sampalin at suntukin ang sarili ko dahil sa katangahan na nagawa ko. Bakit ko ba nasabi ang mi amor sa kanya!?

Hindi ko pa siya kayang mahalin..

Natatakot akong masaktan...

Ayoko...

Nagulat ako ng biglang may tumulong luha sa mga mata ko. B-bakit ako umiiyak?! Fuck! This is bad Gabriela! This is so freaking bad!

"Are you okay Gabriela?" rinig kong tanong ni Luis pero hindi ako lumingon. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita. Nilagay ko nalang ang aking baba sa aking braso habang tinatangay ng hangin ang buhok ko.

Masarap lang talaga gawin ito.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at hindi ko na narinig ang sinabi ni Luis dahil binalot na ako ng antok.

"Hope you will love me too"

....
Nagising ako ng bigla akong nakaamoy ng mabango na parang ulam. Kumalam tuloy ang sikmura ko kaya dali akong bumangon sa kama.

Inayos ko muna ang sarili ko at tumingin sa orasan. 7:38 pm. Ano?! Alas-syete na ng gabi!? Ilang oras akong tulog, shit!

Bumababa na rin ako at ng makalapit na ako sa kusina ay amoy na amoy ko ang mabangong fried chicken.

"Goodevening Ms. SleepyHead" sinamaan ko ng tingin si Luis habang umupo ako. "Nagluto ka?"

Nahiya naman ito at kinamot-kamot ang batok... "Sorry, nagpa-order lang kasi ako ng makakain natin, hindi kasi ako marunong magluto at baka masunog ko pa ang bahay ni wala sa oras"

Natawa naman ako dahil doon. He's shy and that's definitely cute. Natigi ako sa pagkuha ng kutsara't tinidor dahil sa biglang nasabi ng isip ko.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at nagsimula ng kumain. Namiss ko rin ang kumain sa loob ng bahay, lalo na ang ordered foods. Doon kasi sa hospital puro gulay at prutas ang kinakain ko dahil ayun ang nirerecommend ng mga doctor na dapat kong kainin.

Hindi ko namalayan na nakakadami na ako ng kain. Natigil ako sa pagkain ng nararamdaman kong nakatitig sa akin si Luis. Umangat ang tingin ko rito at tama nga ako, nakatitig ito.

"Bakit may dumi ba ako sa mukha?" bumababa ang tingin ko sa pagkain nito na kaunti palang ang bawas habang ako ay madami ng nakakain.

"Bakit hindi mo pa nauubos yang pagkain mo aber? Kumain ka na, bahala uubusin ko yang inorder mo" sambit ko. Narinig ko naman ang mahina nitong tawa at nananatiling nakatingin sa akin.

"Busog na kasi ako kakatitig sayo eh, tsaka okay lang na ubusin ang inorder kong mga pagkain, para sayo naman ang lahat ng iyan"

Tumuon na rin ang kanyang tingin sa kanyang pagkain pero kapag susubo ito ay tumitingin siya sa akin.

Naiwas ko ang tingin ko rito dahil
pakiramdam ko na parang inaakit niya ako! Fuck, huwag munang lumandi Gabriela! Kakalabas mo palang sa hospital at may sugat ka pa tapos lalantod ka na naman.

Inubos ko nalang ang pagkain ko pero ramdam ko parin ang titig sa akin ni Luis, pilit kong hindi ito pakiramdam pero parang may magic yata ang tingin nito kaya napapatingin rin ako minsan.

Naiiwas ko ang aking tingin kapag nagtatama ang aming tingin. Bumuga ako ng malakas na hangin at sinamaan siya ng tingin.

"Pwede ba? Huwag ka ngang tumitig! Hindi ako makakain ng maayos!" sambit ko pero tumawa na naman ito. Nakita ko ring naubos na niya ang pagkain nito. Mabuti naman

"I can't handle it baby. You're too beautiful to stare at. Hinding-hindi nakakasawa tingnan ang kagandahan na taglay mo. You have an innocent face but you're wild and hard-headed babygirl"

Nalunok ko ang laway ko at mabilis na nilunok ang tatlong subo na kanin. Ngumuya-nguya pa ako at uminom ng tubig. "Magpasalamat ka sa mga magulang ko, magaganda ang genes na nabuo nila sa akin" pagmamaldita ko at tumayo na sa lamesa habang dala-dala ang pinagkainan ko.

Pero nung nakadating na ako sa lababo ay naramdaman kong yumakap sa akin si Luis.

"May tagos ka..."

Lumaki ang mga mata ko at naramdaman kong may nilagay ito sa beywang ko. His grey hoodie.

"Magpalit ka na muna, ako na muna ang maghuhugas ng plato...." humarap ako rito habang nakayuko. Nakakahiya! Shit naman oh!

"Kaya pala parang badtrip ka kasi nadatnan ka...." sabi niya habang tumatawa. Dahan-dahan akong naglakad paitaas, ramdam ko rin ang basa kong panty dahil sa regla ko.

"Sayang naman, akala ko makakaisa ako ngayong araw...." rinig kong sambit ni Luis na ikinaharap ko sa kanya "Tse! Hindi ka na makakaisa sa akin! Letche ka!" mabilis akong naglakad paakyat.

"Well see Gabriela..Well see, pagkatapos lang ng kabuwanan mo, aangkinin kita ng paulit-ulit" pahabol ni Luis pero hindi na ito narinig ni Gabriela dahil nakapasok na ito sa kanyang kwarto.

Obey My Rules (Burning Touch Series 3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon