CHAPTER 1

6.8K 117 0
                                    

C H A P T E R  1

PAGPASOK ko palang sa bahay in short my house. Ako lang kasi ang nakatira dito. My parents lived in Spain. Umuwi na ako sa Pilipinas dahil sa malaking rason. Ayokong may nagkokontrol ng buhay ko.

Not my friends nor my parents.

Nagulat ako ng nandidito yung mga kaibigan ko, lima lang sila at pagkakita nila sa akin ay niyakap nila ako ng sobrang higpit na higpit na hindi na ako makahinga ng maayos.

"S-shit! I can't b-breathe girls!" mabilis naman silang humiwalay kaya nakahinga ako ng maluwang.

"Sorry Gab, we're just missed you so much" usal ni Noshka. Tinitigan ko silang lahat. "Mukhang nalagpasan niyo na ako sa kagandahan ah! Blooming na blooming!"

"Tse! Diba pwedeng nagblooming lang kasi nakita na namin ang pinakamatalik naming kaibigan?"-Francheska

"Yeah, yeah. Whatever. Teka lang bakit lima lang kayo? Where's Nathalia?"

Nakarinig kami ng tunog ng sasakyan at nakitang lumabas si Nathalia na may kasamang lalaki. I know that man. Mikhael Huston.

May relasyon ba sila? Mag-jowa na sila? Oh, well. I don't fucking care hindi naman ako masasaktan someday pero kailangan kong balaan si Nathalia sa lalaking iyan.

"Ayan na pala siya, pero bakit may kasama siyang guy?" -Denise

"I don't know. Tanungin nalang natin siya mamaya" sambit ko at umupo kami sa malaking sofa. Itinabi ko muna ang malaking maleta ko at ang backpack ko.

Hinintay naming dumating si Nathalia at hindi naman nagtagal ay bumukas ang pintuan at siya na nga iyon.

"NATHALIAAAAA!!" sigaw namin at niyakap namin siya, pare-parehas kaming natumba. I missed these moments with them.

Chika-chika kami hanggang magtakip silim na. Pero hindi ko talaga makakalimutan yung ginawa nila sa akin na pagbasag ng anim na itlog sa ulo ko.

Ilang oras akong nagtagal sa banyo para lang matanggal ang malagkit at masangsang na amoy ng itlog. Mga walanghiya!

Sinabi lahat-lahat ni Nathalia ang tungkol sa kanila ni Mikhael. Hindi ako makapaniwala na siya ang nawawala niyang kababata. Ang liit talaga ng mundo. Haist.

Hindi ko rin naman masisisi si Nathalia. Hindi ko nakikita sa kanya na gusto niya lang ito. She loves him. Pag-ibig nga naman oh. Sana naman hindi ko maranasan iyan. Nako! Baka hindi ko na alam kung anong mangyari sa akin.

Napakaliit talaga ng mundo? Don't tell me baka magkita pa kami ng bwisit na nangnakaw ng first kiss ko.

Sinundo na rin siya ni Mikhael at binalaan namin ito na alagaan at bantayan si Nathalia. Umuwi na rin ang lima pang bruha dahil may mga aasikasuhin pa ang mga ito.

Alone again...

"Hayst! Ano na namang gagawin ko sa napakalaking bahay na ito? Malaki at maganda nga kaso ako lang ang nakatira. Kung may mga multo man dito, kausapin niyo nga ako! Kaboring rito! Punyeta!"

Para na tuloy akong baliw, na kinakausap ang sarili ko. Kinuha ko ang bagahe ko at binitbit ang backpack.

Nakarinig ako ng nahulog na tinidor sa kusina kaya mabilis akong tumakbo paakyat sa kwarto ko.

"Aray! Puta!" nadapa pa ako sa huling hagdanan. Mabilis akong tumayo at nagkunwaring walang nangyari at walang multo sa bahay.

Pagkabukas ko ng pintuan ay kaagad ko itong sinarado at tumalon sa kama, nagtalukbong pa ako ng kumot. Gago! Hindi ako takot! Matutulog na ako! Napagod ako sa biyahe.

NGUMISI ako ng maalala ko ang paghalik ko sa babae kanina sa train station. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya, at nasampal pa ako nito.

Malakas ang pagkakasampal niya pero hindi naman nag-iwan ng marka sa pisngi ko. Matunog lang talaga.

Tumunog ang cellphone ko at hindi na tiningnan ang caller i.d "Hello."

"Hi, Luis." tumayo ang balahibo ko ng marinig ko ang boses ng 'tito' ko.

"Hello Uncle, may kailangan ho ba kayo?" nag-isang linya ang kilay ko at hinintay ang sagot niya. "Yes, can you please find my daughter. Alam kong nasa Pilipinas siya dahil sinabi sa akin ng katulong niya na pumunta siya sa Pilipinas"

Umalis na naman ang anak ni Tito? Ang hilig talaga mag-layas ng babaeng iyon. "What is her name again?"

"Gabriela Anna Marie. Isesend ko na lang ang picture niya sa message. Make sure na walang mangyayari sa kanya or else bibitayin kita patiwarik"

"O-okay, Tito. Makakaasa ho kayo" doon na natapos ang pag-uusap namin. Biglang nagpop-up sa message ko ang picture ng isang pamilyar na babae.

Fuck! Siya?! No way...

Obey My Rules (Burning Touch Series 3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon