CHAPTER 8

4.7K 102 0
                                    

C H A P T E R 8

KANINA ko pa tinitingnan ang cellphone ko dahil ring ito ng ring mula kanina pa.

Nang makita ko kung sino ang nasa Caller ID mas lalo akong naguluhan kung sasagutin ko ba ito or hindi.

Papa's Calling....

Mahigpit kong hinawakan ang unan na nakayakap sa mga hita ko at nanginginig na pinindot ang green button 'Answer' .

Idinikit ko na ito sa tainga ko at hindi nagsalita narinig ko lang ang mahabang katahimikan sa kabilang linya pero kaagad din naman iton nagsalita....

"A-anak...."

Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa cellphone dahil sa pagtawag sa akin ng Papa ko, 'Anak' kay tagal-tagal ko ng hinahangad na sabihin niya sa akin ang salita na iyan noon pa man....

Hindi ako kumibo pero patuloy pa rin ako nakikinig sa kanya...

"Anak, p-patawad sa mga nagawa ko sayo. Patawarin m-mo ako anak ko.... Hindi ko sinasadya na kontrolin ang buhay mo, tama ka ikaw at ikaw lang ang makakaalam sa tunay na daan ng buhay mo. Anak, patawarin mo sana ang Papa..."

Tumulo ang luha ko at nakuyom ko ang kamao ko, mabilis kong pinahid ang mga butil ng luha na dumadausdos sa pisngi ko. Don't cry Gabriela! You're brave okay! Matapang ka! Kaya kaya mo ito!

Big girls don't cry...

"Nagawa ko lang ang mga iyon kasi iniisip ko lang ang kapakanan mo, ayokong mawalay ka sa akin lalo na ikaw ang tagapagmana ng kayamanan ko, ayokong ipagkatiwala sa mga kapamilya natin dahil uubus-ubusin lang nila ang kayamanan na mayroon ako
ngayon..."

"Ikaw lang ang nag-iisa kong anak kaya sayo ko ibibigay ang lahat ng kayamanan natin kapag tuluyan na akong mawala sa mundong ito... Kailangan mo munang magpakasal habang nabubuhay pa ako dahil
nasa kauutusan ng ating pamilya ang maikasal sa isang mayamang negosyante bago pirmahan ang kontrata na ikaw na ang tagapagmana ng kayamanan ko..."

Nakatulala pa rin ako at hindi alam ang gagawin. Sa boses palang ni Papa parang....parang...malapit na siyang mawala...

Hindi katulad dati na kapag kinakausap ko ito ay kasing-lakas ng tigre ang boses niya, ngayon parang pabulong nalang ito magsalita.

Huminga ako ng malalim at nagsalita "Magpapakasal na ho kami ni Luis sa lalong madaling panahon..."

"A-anak...."

"Ngayong nalaman niyo na pumayag na ako sa kagustuhan niyo, masaya na kayo? Matatahimik na ba kayo?" hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit may poot pa rin akong nararamdaman kay Papa.

"Masayang-masaya na ako Anak...Matatahimik na rin ang kalooban ko. Kailan kayo ikakasal?" natigilan ako sa tanong niya pero nakapagdesisyon na ako

"Bukas, bukas na po kami ikakasal. Gusto kong mapabilis ang kasal para na rin malipat mo sa akin ang kayamanan mo. Alam niyo Papa, hindi ko naman kailangan ng pera o kayamanan, ang gusto ko kalayaan!...."

"Pero anong magagawa ko, kailangan kong kunin ang kayamanan mo at baka kung saan mapunta ang lahat ng pinaghirapan mo..." rinig ko itong tumawa.

Somehow it makes my heart happy hearing my Papa's laugh. Hindi ko pa naririnig itong tumawa mula teenager pa ako hanggang sa mag-dalaga na ako ng tuluyan.

"S-salamat Anak...Patawarin mo sana ang Papa sa lahat-lahat---"

"Magpahinga na po kayo" binababa ko na ang tawag at doon ko nailabas ng tuluyan ang mga luha ko. Kanina ko pa pala pinipigilan na umiyak habang kausap ko si Papa.

Tinakpan ko ang bibig ko at tahimik na umiyak. Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin at hindi ko na kailangang tingnan kung sino ito.

"Ssssshh... Don't cry babygirl, everything will be alright" naramdaman kong lumubog ang kama na katabi ko at niyakap ako nito sa likuran.

Mas lalo tuloy akong napaiyak kung bakit nasasabi ni Luis na 'everything will be alright' alam niya ba kung ano ang mangyayari sa future?

"I'm always here okay? Kung kailangan mo ng makakausap handa ang dalawa kong tainga para makinig sa mga gusto mong sabihin, kung gusto mo namang ilabas lahat ng hinanakit mo, I can be your crying shoulder..."

He kissed the top of my head at mas humigpit ang yakap nito. Ramdam ko sa likuran ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

Nahawakan ko ang bandang puso ko na kagaya rin ng bilis ng sa kanya. Posible kayang gusto ko na si Luis?

"L-luis?"

"Hmmm..."

"Gusto ko bukas na tayo maikasal" naramdaman ko ang pagtigas ng katawan nito kaya humiwalay ako sa yakap niya "Kailangang mapaaga ang kasal natin bago tuluyang mawala si Papa, nasabi ko na sa kanya na bukas na ang kasal."

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti nito at hinawakan ang mukha ko "Thank you babygirl, thank you..."

"Bakit nagpapasalamat ka sa akin?" takang tanong ko pero umiling lang ito at tinitigan ako.

"Huwag kang kukuha ng divorce papers, nagkakaintindihan ba tayo?"

Nalunok ko ang laway ko, wala sa sariling napatango ang ulo ko ng ilang ulit na siyang ikinangiti ng malapad ni Luis bago niya ako niyakap ng sobrang higpit.

....

HINAPLOS ko ang malambot nitong pisngi pababa sa kanyang mapupulang labi. Nalunok ko ang sariling laway ng parang may nag-uudyok sa akin na halikan ito.

Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa kasal ay nakatulog na ito dahil na rin yata sa pag-iyak niya kanina.

Hindi niya alam kung gaano kasaya na mapapakasal ko ang isang babaeng katulad niya.

She doesn't know how much i love her...

Gumalaw ito ng kaunti at yumakap sa akin. Napangiti ako ng makita ko ang pagsalubong ng kilay nito

How cute!

Napisil ko ang ilong nito at hinawakan ang dalawang kilay niya para hindi magsalubong. Napanguso naman ito.

Fuck her cuteness! Ganito pala siya matulog, ang kyut-kyut pero kapag gising akala mo nanay na tigre!

Natawa tuloy ako sa naisip ko, hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang noo nito bago ko patayin ang lampshade na katabi ko.

Natulog ako ng may masayang ngiti sa labi

Tomorrow is the day....

Obey My Rules (Burning Touch Series 3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon