CHAPTER 15

4.2K 95 2
                                    

Happy Five Years Anniversay to our Boys! It's been five, five fucking years na iniidolo ko sila. Isa ako sa mga witness ng hardworks nila at ng mag-debut pa sila. Proud Mommy here 😭

C H A P T E R 15

GALIT akong tumingin kay Luis ng kinuha niya ang unan ko. "AKIN NA NGA IYAN! PUTA KA TALAGA EH NOH!" singhal ko sa kanya at inagaw sa kanya ang unan.

"Bakit ba kasi nandidito ka? Matulog ka sa sofa!" tinulak-tulak ko pa ito pero para siyang bato na hindi man lang gumagalaw.

"Ganito ba talaga ang mga babae kapag may dalaw? Nangtritrip
talaga?" tanong nito pero mas lalo akong nabadtrip ng inaakala niyang trip trip ko lang siya. Hell No!

"Hoy! Hindi ako pinag-tritripan noh! Umalis ka na kasi dito! Doon ka matulog sa sofa, ayaw kitang makatabi!" pinalo-palo ko siya sa braso yung talagang magkakapasa.

"Fuck! A-aray! Masakit Gabriela, t-tigilan mo na ang---"

"Umalis ka na kas--"

"Fine! Aalis na ako!..." bumangon na ito at kinuha ang dalawang unan bago nagpunta sa mahabang sofa "Now, happy? Sige na matulog ka na diyan" sambit nito at nakita ko ang pagsara ng mga mata niya.

Nasa gilid ko kasi ang kama, bali parang magkaharap kami ngayon na nakahiga kaso medyo malayo nga lang.

Pinatay ko na ang lampshade at kinumutan ang sarili ko 'shit, ang sakit ng puson ko'. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para makatulog.

Ilang minuto pa pero hindi ako makatulog, gising ang diwa ko pero nakapikit pa rin ako.

Nagpalit naman ako ng posisyon at humarap sa bintana, kitang-kita ko ang magandang pagkabilog ng buwan at sobrang liwanag nito.

Nahilamos ko ang mukha ko dahil sa inis. Bakit ba kasi hindi ako makatulog!? Tangina naman oh!

Nagpadyak-padyak pa ako sa kama at nagpalit na naman ng pwesto. Humarap na ako kung saan nakapwesto si Luis.

Kahit madilim ay kita kong natutulog na ito, bakit ang bilis naman niyang makatulog? Samantalang ako, hindi dinadapuan ng bwisit na antok.

Malalim na ang paghinga nito kaya malalaman mong tulog na ito. Binuksan ko ang lampshade at binato siya ng unan.

Gulat itong tumingin sa akin pero binelatan ko lang siya "What's the matter? Bakit mo ako binato ng unan?"

Hindi ako sumagot at hinagis ko pa ang isang unan sa kanya. "Hey, bakit mo ba ako binabato ng unan?" napatayo tuloy siya sa pagkakahiga niya at lumapit sa akin.

Ngumiti lang ako. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit parang gusto kong makipaglaro, kaya nga ayoko dinadalaw ako kasi may ibang side akong nailalabas.

Ang pagiging makulit...

"Hindi ako makatulog! Patulugin mo ako" sambit ko. Ilang segundo siyanb nakatingin sa akin pagkatapos ay tumawa ito. "Bakit ka tumatawa?"

"It's funny Gabriela, baka naman kasi kaya hindi ka makatulog dahil kailangan mo ang presensiya ko..."

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako makatulog, kase ano...uhm..ano--"

"Asus! Huwag ka ng mahiyang sabihin sa akin baby. Gusto mo ba ako makatabi? Mayakap?"

Ilang segundo akong nakatitig rito, halos maduling na ako sa pagkakalapit ng mukha niya sa akin. A perfect creature. Hindi nakakasawang titigan ang gwapong mukha nito lalo na ang dimples niya.

"Baka matunawa na ako niyan" napakurap-kurap ako ng bigla niyang kurutin ang ilong ko "Ano ba! Huwag mo nga akong kurutin! Mamamantal yan!"

Tumawa na naman ito kaya sinapak ko siya sa dibdib "Fuck! That's hurts! What's wrong with you?" gulat itong tanong pero sinamaan ko siya ng titig.

"Ang panget mo kasi, nakakasuka yung pagmumukha mo. Gusto kitang suntukin, gusto kitang ipasalvage sa mga magnanakaw"

"Wow, baby, wow! Sinabi mo bang panget ang gwapo kong pagmumukha? Baka gusto mong ipakita ko sayo ng teenager palang ako, halos lahat ng babae sa school namin ay may gusto sa akin hindi lang iyon kundi mga baliw pa sa akin.."

"Then, ikaw itong nagsabi sa akin ng panget ako. How could you baby? You make my heart broke into pieces" nagdrama pa ito ng hinawakan niya ang bandang puso niya "Aba! Wala akong pakialam kung madurog yang puso, mamamatay rin naman"

"Wow! You're such a brute girl baby, Palagi mo akong ginugulat sa mga pinagsasabi mo o lumalabas diyan sa madaldal mong bibig at dahil doon, mas lalo pang lumalalim ang pagmamahal ko sayo"

P-p-pagmamahal? As in LOVE? Mahal ako ni Luis, b-b-bakit?

Hindi na ako nagsalita at nagtalukbong nalang ng kumot. Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi niya. Nagulat talaga ako na mahal niya ako.

May parte sa akin na masaya at mayroon parte sa akin na natatakot. Ayokong masaktan, ayoko umiyak dahil sa pagmamahal. Kapag nagmahal ako, labis-labis ko kasi itong binibigay.

Kapag minahal ko ang isang Luis De Trones, tiyak na magbabago ako. Hindi ako yung nakilala niyang Brutal at maingay na Gabriela Anna Marie.

Dahil ipinangako ko sa sarili ko na kapag nagkaroon ako ng kasintahan o asawa ay babaguhin ko ang sarili ko, dahil hindi ko naman talaga ugali ang nakikita niyo sa ngayon o sa nakikita ni Luis.

Naramdaman kong lumubog ang kabilang side ng kama at nagkuwanri akong tulog. Tinanggal niya ang kumot at binalot ito sa aking katawan.

Hinaplos-haplos niya pa ang aking buhok at sobrang bilis ng tibok ko ng hinalikan niya ng tatlong beses ang aking noo.

"You don't know how much i loved you Gabriela. Sana mahalin mo rin ako at sisiguraduhin kong magiging masaya ka araw-araw sa piling ko. Goodnight baby, I love you"

He encircled his arms around my waist and turn off the lampshade. Hinintay ko pa ang ilang segundo ng naging malalim na ang paghinga nito.

Umangat ako ng tingin at hinawakan ang pisngi nito "Nalilito pa ako sa nararamdaman ko Luis, natatakot ako. Sana pagdating ng araw na mahal na rin kita, huwag na huwag mo akong sasaktan"

Isiniksik ko ang aking sarili sa katawan nito at nakatulog na ng mahimbing.

Pero ang totoo niyan ay gising si Luis at narinig niya ang sinabi ng kaniyang minamahal.

'SISIGURADUHIN kong mawawala ang takot mo Gabriela, kapag minahal mo ang isang tulad ko'

Nakatulog na rin ang dalaga pero siya naman ang gising sa oras na iyon. Maraming pumapasok sa kaniyang isipan lalo na si Gabriela.

Kailangan makausap ko siya ng masinsinan bukas lalo na ang tungkol sa kasal namin, kailangan kaming maikasal hindi dahil napipilitan o dahil sa kayamanan ng kaniyang ama.

He wants the real wedding between the two of them. He loves this girl so much and he can't wait to call this girl to his and his wife.

Kailangan ko munang marinig ang 'Mahal rin kita' sa bibig ng babaeng mahal ko. Kapag sinabi niya na ang katagang iyon, kasalan na agad. Ayoko ng patagalin pa ang nararamdaman ko kay Gabriela.

Gusto ko siyang makasama habang buhay, gumawa ng sarili naming pamilya at magmahalan hanggang sa aming kamatayan.

That is my goal.

Be ready baby, hindi ako titigil hanggang sa mapa-ibig ka rin sa akin.

Obey My Rules (Burning Touch Series 3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon