CHAPTER 25

3.9K 78 1
                                    

C H A P T E R  25

NGUMUSO ako ng hindi man lang ako pinapansin ng mga bruhang ito

"Uy! Pansinin niyo naman ako! Huwag na kayong magdrama diyan" sinundot-sundot na ang kanilang mga tagiliran pero hindi pa rin nila ako pinapansin.

Alam ko naman na masama ang loob nila sa akin kasi ang tagal na ng panahon ng hindi na nila ako makita tapos malalaman nalang nila na ikakasal na ako.

"Hey, girls! Sorry na. Sorry kung hindi man lang ako nagparamdam sa inyo, babawi nalang ako sainyo. Pansinin niyo na ako"

"Hmp! Kaya naming tiising hindi ka naman pansinin, nagawa mo nga sa amin yun eh" sarkasmong sabi ni Francheska. I deeply breathe out and come closer to them then i hugged them so tight.

"Okay, i know this is all my fault. Kasalanan kong hindi ako nagparamdam, kinausap kayo or tumawag man lang pero masisisi niyo ba ako na gusto ko lang makasama sa mga oras na iyon si Luis? Kaya pagpasensiyahan niyo na ako dahil nakalimutan ko kayo. Siguro tama lang na magalit kayo sa akin at hindi pansinin. Sorry...."

Pumiyok na ang boses ko at hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako habang yakap-yakap ko sila.

Then Nathalia held my hand "Gabriela, we're not mad at you. Nagpapalambing lang talaga kami sayo. Oo, sabihin nating may sama kami ng loob pero hindi naman sobrang laki i think sobrang babaw naman na magalit sayo dahil hindi ka nagparamdam sa amin, pero naiintindihan ko ang side mo. Pagdating sa Love, lahat na ng bagay nakakalimutan mo...."

I look at her "Kasi mas pipiliin mong ubusin ang oras at ang panahon makasama lang ang taong minamahal mo, ang taong bubuo sayo at ang taong nagpapasaya sayo..."

Tama ang sinabi ni Nathalia. Sa bawat araw na magkasama sila ni Luis, nakalimutan na niyang magparamdam sa mga kaibigan niya.

Ganoon ba talaga ang nagagawa ng sobra-sobrang pagmamahal?

Grabe pala ang nagagawa ng pana ni Kupido.

Mas lalo akong naiyak ng yumakap na rin sila sa akin at pinagsasabunot ang ilang hibla ng buhok ko "A-aray! Bakit niyo naman ako sinasabunutan?" iyak at galit kong tanong sa kanila pagkatapos ay humiwalay na.

Mga loka-loka

"Bruha ka kasi. Subukan mo talaga hindi ulit magparamdam sa amin. Makikita mo ang batas ng isang bruha!" sambit ni Jennylyn.

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi nito. Loka talaga ang babaeng ito.

But i'm so thankful na sila ang mga naging kaibigan ko. Itong mga bruha nato ang nagparamdam sa akin na magkaroon ng kapatid. Sila rin yung mga bruhang tinulungan at minahal ako ng buo-buo.

Sila ang unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal bago pa dumating si Luis.

"Oh, nakatulala ka na diyan? Ano na naman yang iniisip mo?" malditang tanong ni Francheska. They all look at her weirdly but she only smile at them.

"Wala. Iniisip ko lang kung hindi tayo nagkakakilala---"

"Luh, andrama neto oh!"

"Oopss...Gonna get my tissue na ba"

"Hep!Hep, huwag ng maging madrama jusko. Ano ba yang pinag-iisip mo Gabriela"

Naputol ang kanyang sasabihin dahil inunahan na kaagad nila siya.

"Inisip ko lang naman eh!"

"Edi huwag mo ng isipin. Basic! A-aray!" binatukan ni Heaven si Francheska. "Gaga, huwag ka ngang pilosopa! Tadyakan kita dyan eh!"

"Bakit na ang harsh mo sa akin! Tadyakan rin kita diyan!"

"Hoy! Tama na nga! Baka magsabunutan na talaga kayo rito!" pag-aawat ni Denise at tumingin sa kanya.

"So Gabriela, may itatanong lang ako..." naging seryoso ang mukha nito na kanyang ikinalito.

Seryosong usapan?

"S-sige, ano ba yung itatanong mo?"

"Hindi ka pa ba buntis?"

Rinig niyang singhap ng kanyang mga kaibigan. Hindi siya nagulat dahil malaki ang posibilidad na mabubuntis siya, lalo na't simula una palang ay hindi gumagamit ng condom si Luis.

Hindi siya alintana kung buntis siya.

"I don't know Denise, hindi pa ako nagpapakonsulta" she said but Denise smiled at her, she know that smile 'a smile of success'

"No need to do that Gab, baka nakakalimutan mong may isa kang  kaibigan na Doktor. Ramdam ko na nagdadalang tao ka, Your face is blooming, emotional ka rin na hindi naman namin nakikita sayo yun. May kutob talaga ako eh..."

Happiness surrounded at her!

Kung buntis nga siya, sobrang-saya at walang katumbas na salita ang mararamdaman niya.

Pero para makasigurado ay magpapakonsulta siya sa kaibigan.

Pumunta silang hospital at pumasok na kaagad sa opisina ni Denise.

Wala na silang sinayang na oras at ikinonsulta na ang kanyang kalagayan. Sinimulan lagyan ng gel ang tiyan niya at pinaikot na ang ultrasound transducer.

Tumingin siya sa Screen at sa di malamang dahilan, tumulo ang kanyang luha.

"I knew it!!! I knew it!!'" masayang tugon ni Denise at tumigil sa pag-ikot ng transducer para makita ng malapitan ang baby na nasa sinapupunan niya.

Rinig niya rin ang sigawan at hiyawan ng kanyang mga kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Rinig niya rin ang sigawan at hiyawan ng kanyang mga kaibigan.

"Magiging ninang na ako!!"

"Congratulations Gab, you're two months pregnant!"

"Ohmygoood..." nabaling ang kanilang atensyon kay Francheska na parang takot na takot.

"Bakit Francheska? May problema ba?" takang tanong niya rito ngunit umiling lang ito.

"Tatlo na kayong napasukan at namunga...APAT NA LANG KAMI! HUHUHUHU!!!" pinagpapalo niya sina Heaven.

"Hoy! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo! Matagal-tagal pa bago mangyari satin yan!" inis na usal ni Noshka.

"Well...Goodluck sisters.." sabay-sabay kami nina Nathalia at Jennylyn na sabihin iyon.

Nakita namin ang pagkalukot ng kanilang mga mukha at parang mga batang inagawan ng lollipop.

Jusko..Ang papanget umiyak ng mga ito.

Muli ulit siyang tumingin sa Ultrasound Machine at napangiti...

Hi cute little angels, this is your Mama... I can't wait to see you! Hindi na ako makapaghintay na mahalikan at mayakap kayo. Mahal na mahal ka ni Mama at Papa, sisiguraduhin naming ibibigay namin ang lahat sainyo...

Sainyo....

Yes, i have a two miracles inside my tummy!

Obey My Rules (Burning Touch Series 3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon