Talk

695 35 5
                                    

Hindi ko alam kung nakailang bote na ako. Basta ang alam ko lang ay nahihilo na ako. Gusto pa sana nilang manatili dahil ngayon lang daw nila ulit ako nakasama pero ako na ang sumuko. I took a glance at my phone and it was already quarter after one.

"Calvin, uwi na tayo?"

"Kill joy, Kath. Maaga pa, mamayang konti na please?" si Rain ang nagsalita.

"Hindi ko na kaya, eh."

"Edi huwag ka nang uminom. Pahinga ka na muna at mamayang alas tres na tayo umalis, saktong closing na nitong Double Deuce." Huminga ako ng malalim at tumango.

"Ill just use the comfort room." Sagot ko na lang.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit kapag natatamaan ako ng alak ay lagi akong naiihi. Is there any explanations about that?

"We need to go. Inaantok na si Charmaine." Si DJ ang nagsalita pagkatayo ko. Saglit akong natigilan pero binalewala ko na lang ito at naglakad na papalayo.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at huminga ng malalim. Bakit ba nangyayari ito? Alam ko na iniisip ni DJ na mukha na akong papansin dahil kanina. But is it my fault to badly crave for his attention? Damn.

Agad din naman akong bumalik sa p'westo namin pagkatapos ko. Wala na sina DJ at Charmaine. Nanikip na naman ang dibdib ko pero hindi ko na lang pinansin.

"What happened, Kath?" si Rain ang nagtanong.

"What happened?" tanong ko pabalik, walang ideya kung ano ang isasagot.

"Between you and DJ. Akala namin LDR kayo, isang araw nalaman na lang namin na may relasyon na sila ni Charmaine, and the worst of it, ikakasal pa sila."

"Hindi ko rin alam ang sagot diyan, Rain. Kagaya niyo, nagising na lang ako isang araw na hindi na siya tumawag. Tumatawag ako pero hindi niya sinasagot. Nagising na lang ako isang araw na ikakasal na siya." Nagtinginan sila at saglit na natahimik.

"Tinanong na namin kay DJ, pero lagi niyang iniiwasan, hindi siya sumasagot." Si Ivan naman ang nagsalita.

"Mahal ba niya si Charmaine?" tanong ko na nagpasinghap sa kanilang lahat.

"S-Siguro?" alanganing sagot na patanong ni Ivan, "Hindi naman siguro siya aabot sa ganito, kung hindi 'di ba?" parang sinipa ang puso ko sa narinig. Tumahimik na lang ako at hindi na sumagot.

Mayamaya lang ay nagka-ayaan na kaming umuwi. Inabot ko kay Calvin ang susi ng sasakyan at sinabing siya na ang magmaneho. Hindi naman siya umangal at tinanggap agad ito. Hindi ako sigurado pero pagka-alis namin ay parang nakita ko si DJ na nakatingin sa direksiyon namin. Nasa driver's seat siya ng itim na sasakyan.

Alcohol effects, I guess.

Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang ulo ko. Agad akong naligo para mahimasmasan kahit na paano tapos ay nagluto ng may sabaw. Maaga rin lumipat si Calvin sa bahay na hawak ang ulo na basa pa ang buhok.

"Hangover?" tanong ko na nakangisi. Marahan siyang tumango at sumimangot, "Ako rin." Marahan siyang natawa at umupo na sa harap ng hapag kainan.

"Anong almusal natin?"

"Nagluto ako ng sopas," sagot ko. Marahan ulit siyang tumango at kumuha ng juice sa pridyider. Agad ko namang isinalin ang lutong sopas sa dalawang mangkok at agad na inilapag sa mesa.

"Thank you, Kath. Ikaw na lang kaya ang asawahin ko? Maaalagaan ako ng todo panigurado." Binato ko siya ng tissue at sinimangutan.

"You're gross." Tumawa lang siya at umiling.

Stop The Endless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon