1: Vintage Jazz Night

2.3K 54 3
                                    

Kathryn's

"Mahal, dito ka lang please?"

Napailing na lang ako ng ulo. God, he looks so wasted.

"Love, hindi ako nakapagpaalam kay Mama." I answered, placing my hand on his cheek.

Napapikit siya at mas lalong yumakap sa akin. Hay nako, 23 na ba talaga ito?!

"Lablab mo'ko diba? 'Pag lablab mo ang isang tao, aalagaan mo." Sabi niya with matching nguso pa.

Napalingon naman si Magui sa amin nang marinig niya ito sabay sabi, "Yuck Kuya! You're super corny!"

"Hayaan mo na Mags, patay siya paggising niya bukas. We have a lot of proofs." Sabi ko kay Magui at natawa kami pareho.

'To kasing baby bubot na 'to, parang timang sayaw nang sayaw kanina. And super nakakatawa kasi he's not into dancing naman, tapos yung lolo moves niya!

"Lablab pa rin ako ni Bal, Magui. Diba Tangi?" Pagba-baby talk nitong isang halos matulog na sa balikat ko.

"He's really wasted na talaga. Anyway, Ate Kath, we'll be going na." Pagpapaalam ni Magui.

I smiled, "Ingat kayo ha? And let's hang out soon, us three ni Analain. Bye Magui." I kissed her cheek at bago pa siya makaalis, biglang nagsalita si DJ.

"Mags, lika." Tawag niya na ikinakunot ng noo ni Magui.

All of a sudden, parang hindi na siya lasing. He kissed Magui on her forehead at sinabing mag-ingat.

I can't stop myself from smiling. He's really the best.

"Love?" Tawag ko sa kaniya nang makaalis na si Magui.

Hindi siya sumagot. Instead, he wrapped his arms around my waist ng mas mahigpit pa.

"C'mon, hatid na kita sa car niyo para you can go home na and sleep." I whispered habang pinupunasan ang noo niya.

"Sleep with me Mahal." Sabi niya.

"Mahal, I can't. Hindi ako nakapagpaalam kay Mama." Pagkukumbinsi ko sa kaniya.

Pero ayaw papigil nitong bente tres na ito na kung sumayaw eh akala mo lolo.

"Tawag mo si Ta Min, kausapin ko." Sabi niya at biglang umupo ng maayos.

Hinanap ko naman si Mama sa crowd but hindi ko siya mahagilap. I sighed and dialed her number instead.

"Hello Ma?"

"Oh anak? Ba't ka tumawag?"

"Kausapin ka raw ni DJ." Natatawa kong sabi at binigay kay DJ yung phone.

"Ta Min," tumingin siya sa relo niya, "Ta Min alam kong maga-alas tres na po at hindi ko na birthday pero pwede po bang sa bahay matulog si Kath?"

Gulat ako sa sinabi niya. Jusko, nahimasmasan bigla.

Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Mama.

"Opo Ta Min. Kahit medyo lasing po ako, hindi ko po gagapangin ang anak niyo." Seryosong sabi ni DJ kaya hindi ko na napigilang tumawa.

Tinignan lang ako ni DJ at maya-maya ay naglumiwanag ang mukha niya.

"Thank you Ta Min. You're the best talaga! Promise po! Thank you. Lablab din kita Ta Min, lablab ko rin po si To Teddy. Mwah!" Sabi niya bago ibigay sa akin ang phone.

"Hello Ma?" Tanong ko, "Kathryn ah, pinayagan ko si DJ. Baka ikaw ang gumapang diyan."

"What?! Ma, ako talaga?!" I hysterically said at bumalik na sa pagkakayakap 'tong isa.

525 OSS: Love Beyond CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon