8: Legos & Love

1.1K 48 6
                                    

Daniel's

"TANGIII!!!" Sigaw ko habang nakatulala sa harap ng maraming Lego.

"What is it, my Love?" Tanong ng napakalambing na boses.

Humarap ako sa kaniya, tinuro ang Legos, at bumusangot na parang bata.

Baka sakaling gumana.

She crossed her arms at tinaasan ako ng kilay. I crossed my arms too at tinaasan siya ng kilay. Pero maya-maya, tumayo na ako nang maayos at ngumiti nang kay tamis.

Baka kasi hindi pumayag men.

Ganoon pa rin ang posisyon niya hanggang sa makalapit ako sa kaniya.

"Mahal," Malambing kong tawag sa kaniya nang yakapin ko siya, still with her arms crossed. "Pwede ako bumili? Mga wan, tu, lang." Sabi ko with matching taas ng daliri na para bang nagbibilang.

"Pleaseeee." At nag-beautiful eyes ako, men. Beautiful eyes.

Maya-maya pa, humagalpak ng tawa si Kathryn at kinurot ang magkabilang pisngi ko.

"Kyot kyot mo Danyel!" Sabi niya at hinalikan ako nang mabilis.

Mga wan, tu, lang din.

"So pwede?"

At ningitian niya ako.

"If that what makes you happy, then go!" Masigla niyang sabi.

Ako naman ang humalik sa kaniya ngayon pero hindi mga wan, tu.

Wan tu tri por payb siks seben eyt nayn ten, ganon.

"Baliii!" Sabi niya habang tinatakpan ang bibig ko. "Kiss ka nang kiss, they might see us."

Tumingin ako sa paligid; wala naman katao-tao and besides, they won't mind naman diba? Hello? Canada ito men!

"Sige, mamaya na lang sa room." Sabi ko sabay kindat.

Bago pa siya makapagsalita, hinila ko na siya doon sa may mga Legos.

"Sigurado ka bang mga wan, tu, lang bibilhin mo ha, Mr. Ford?" Tanong niya bigla sa akin makalipas ang labinlimang minuto.

"Daldal mo Bal. Gawin kitang Mrs. Ford diyan eh." Sabi ko at nagpa-cute ulit at inirapan niya ako.

Paano ba naman kasi, anim na boxes na 'yung nasa cart namin.

"Hm sige na sige na. Ito lang ba 'yung gusto mo?" Lumapit siya sa may Legos para mas makita ito habang nakasandal lang ako sa cart.

"May mga Batman dito Love oh, baka gusto mo rin?" Kinuha niya ang isang box ng Lego.

"Or itong parang big bike ni Batman?" Tinignan niyang mabuti 'yung box.

"Ay hindi! Mukha siyang ATV oh, like 'yung sinakyan natin sa Albay." Natatawa niyang sabi habang inaalala ang nakaraan.

Pero ako, sa oras na iyon, iniisip ko ang kinabukasan. Kinabukasan naming dalawa ni Kathryn.

Nai-imagine ko siya ganito kay Johnny. Sa una, magtataray, magsusungit, aarte na para bang ayaw. Pero magpa-cute ka lang, bibigay na kaagad. Tapos sa huli, siya pa mage-engganyo sa'yong bumili. Napakamot na lang ako sa ulo.

Tapos kay Isabel naman, feeling ko, kapag nagpabili ng dress 'yun, suportado kaagad ni Kathryn. Nako, tiyak na sasamahan niya pa 'yun sa dressing room habang kami naman ni Johnny, uupo sa mga waiting lounges ng botique, titignan ang matching Converse namin sa salamin.

"Love?"

Napakurap ako at nakitang may hawak na limang boxes si Kathryn na Legos; dalawang nakaipit sa magkabilang braso, isa sa leeg, at dalawa sa kamay.

"I thought you might like these. Ang astig nila tignan eh." Sabi niya at ningitian ako.

Lumapit ako sa kaniya at isa-isang tinanggal ang mga Lego boxes na hawak niya.

"Why? You don't like them?" Pagba-baby talk niya. "Ay! May parang may nakita akong The Beatles themed na Lego doon." At na-excite na naman siya.

She was about to move away from me again pero hindi ako pumayag; hinding-hindi ako papayag.

Kaya't hinapit ko siya sa bewang at mas nilapit sa akin.

"You're more than enough." Bulong ko sa kaniya while looking intently sa mata niya.

Kaagad namang namula ang mga pisngi niya. My lovely Kathryn.

"Grabe ka!" She squealed pagkatapos ibaon ang mukha niya sa dibdib ko. "Wala kang kupas magpakilig Tangi. You always make my heart go boom boom."

Natawa naman ako sa sinabi niya't, "You always make my heart go boom boom too, Love. Mas trendin pa 'yun kaysa doon sa kanta ng Blackpink ba 'yun?"

"It's Momoland Love!"

"Eh gano'n na rin 'yun!" Sabi ko sa kaniya't hinila na siya papuntang counter.

Baka kung anu-anong KPOP group na masabi ko rito.

"Pagkauwi natin, gawa na tayo kaagad ah." Malandi kong sabi sa kaniya habang nakapila kami.

For a minute, she looked so confused but when she got my hidden innuendo, "Baliii!!!" With matching hampas sa braso.

"What? Gumawa ng Legos kasi. Dumi ng utak mo ha."

"Ewan ko sa'yo."

"I love youuuuuu." Sabi ko at hinalikan ang noo niya.

Kaagad naman siyang bumigay at niyakap ako pabalik.

Pokmaru talaga.

"I love you too Tangiiiiiii, sobra."

○●○

A/N:

Eh kasi naman, 'yung IG story ni Kuting HAHAHAHAHAH uwu. :")




525 OSS: Love Beyond CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon