Daniel's
"Hay buhay!" Sabi ko sabay pabagsak na humiga sa aking kama.
1:30 am na pala? Kauuwi lang kasi ng tropa ko. Nagkayayaang mag-inuman dito sa amin pero hindi kami naglasing. Ayokong mapiga ang apdo ko no. De loko lang.
Speaking of apdo, si Kathryn kasi wala. Nagpaalam siya sa akin nung isang araw. May 'lola's bonding' daw sila sa Batangas. Nung una, nag-aalinlangan pa ako kasi, gusto kong sumama pero, may tiwala naman ako kay Kath kaya walang problema.
Buzz Buzz Buzz Buzz
Agad kong tinignan ang phone ko, umaasang may nagtext. Pero, wala. Notification lang sa instagram. Nag-post ng group picture si Athena. Hindi kasama doon si Kathryn.
Tinawagan ko agad si Kathryn pero hindi ko macontact. Nag-aalala na ako kaya tinawagan ko na si Athena.
"Kamusta kayo diyan?" Tanong ko nang sagutin na niya ang tawag ko.
"Kami ba talaga ang kinakamusta mo o si Kathryn?" Pang-aasar pa niya.
May narinig akong mga tiliian, kasama niya sila Arisse at Trina.
"Nasaan ba kasi siya? Ba't wala siya sa picture?"
Nakarinig ako ng mahihinhing tawanan.
"Wala siya kasi nagpaiwan sa may villa. Masama raw pakiramdam." Sagot naman ni Arisse.
Ano na naman kasi ang ginawa mo Tangi?
"May lagnat ba siya? Masakit ba lalamunan? Nalamigan? Sinisipon? Masakit ba ul---"
"Chill DJ, chill. Masakit lang puson pero I think, lalabas na 'yun maya-maya." Pag-aassure naman ni Trina.
Pero kahit na. Sinasabi ko na nga bang may masamang mangyayari eh. Sana nandiyan ako para mabilhan siya ng chocolate or kung anong food man ang gusto niya.
"Teka teka. Anong susunod ha? Mag-aalos dos na ng umaga, ano pang ginagawa niyo diyan?"
"Bonfire sa may sea shore lang po boss." Sagot nila sa tanong ko.
"Bonfire bonfire daw. Basta, pumasok na kayo ha. Delikado na."
"Sige na sige na. Kaya botong-boto kami sa'yo eh. Bye DJ." Sabi nilang tatlo.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanila, dumiretso akong banyo para maligo.
○●○
Contact pa rin ako ng contact kay Kathryn kaso wala pa rin talaga.
"Tangi naman eh." Pagmamaktol ko.
Baka naman kasi nakapatay yung phone niya. Or walang signal pero imposible 'yun.
Binuksan ko muna yung TV at hinayaan sa kung anumang channel 'yun. Sa sumunod na pagcontact ko kay Kath, nag-ring na siya.
Napaupo ako sa kama at hinintay ang pagsagot niya. Kaso, hindi naman nangyari. Not yet in service raw eh puta nag-ring na nga eh. Mababaliw na ako. Jusko ka Kathryn.
○●○
Third Person's
Somewhere in Batangas ay nakahiga si Kathryn sa kaniyang kama. Kanina pa siya doon, mga 9pm pa. Bigla kasing sumakit ang puson niya, to think na katatapos lang naman ng period niya last week.
Naiwan niyang nakapatay ang phone niya kasi chinacharge niya ito. She was charging para sana makakuha ng maraming pictures sa bonfire by the shore nila na nangyayari na ngayon.
BINABASA MO ANG
525 OSS: Love Beyond Cameras
FanficA collection of Kathniel one-shot stories based on my imagination.