3: Danilo-ner

1.7K 35 0
                                    

Daniel's

Uy, ang ganda ng pailaw.

Uy, ang sarap ng ramen.

Uy, ang lamig.

Uy, mukhang gago si Seth.

Uy, nagbabangayan yung dalawang mayayabang, akala mo kung sinong kay gagwapo eh ako lang naman ang gwapo.

Uy, ang ganda ng pailaw.

Uy, ang sarap ng ramen.

Uy, ang lamig.

Uy, mukhang gago si Se—

"Pre, tama na pagmumukmok. Nandito naman kami. Kami na lang landiin mo." Pang-aasar sa akin ni Seth.

Kung hindi lang magne-new year, nasipa ko na ito pabalik ng Pilipinas. Eh kaso nga new year, baka maputukan on the way pabalik. Kawawa naman.

Inakbayan ko siya, sabay sabi ng "Seth, kung ako sa'yo, sulitin mo na itong panglilibre ko sa'yo kasi diba, new year na pare."

Tinignan naman niya ako, "Tangina pre, lalim nun ah. Sa sobrang lalim, hindi ko maintindihan!"

"My friend, let me finish kasi. What I mean is, English yun ah, sulitin mo na kasi baka next year, 'di ka na makaulit." Sabi ko sabay batok sa kaniya.

Sige ano, asarin mo pa yung taong mamatay-matay na sa pagkamiss sa Tangi niya.

"My Tangi, where are you na? My Tangi." Sigaw ni Seth.

Gago talaga. Parang ako.

"J, tara, picture tayo." Aya ni Dom.

"Oh tara-tara, groupfie!!" Sigaw naman ni Pat.

Bago ako lumapit sa kanila, minessage ko muna si Kathryn.

Tangi, niyaya na naman nila ako mag-picture. Hindi pa nga ready yung pimple ko. Pero, love mo pa rin ako diba, my Tangi? Kahit may pimple?

Tangina, nababaliw na ako. Iuwi niyo na si Kathryn utang na loob!

I miss you, my love. I miss you so much. I love you.

"Hoy Daniel! Ano na?!" Tawag sa akin ni Kuya Zanjoe kaya nagmadali akong lumapit sa kanila.

○●○

"Oh my god! Hong Kong Disneyland!" Sigaw ni Lester.

Aba puta, 'di na talaga ito makakaulit.

"Bobo, nasa Tokyo tayo!" Sigaw ko.

Inakbayan naman ako ni Pat.

"Huy, kanina pa kayo nagbabangayan ah? May namimiss ka bang asarin ha, DJ?" Pang-aasar ni Pat.

"Pre, alam mo, taas na ng level ng pang-aasar mo eh no? Ano ba ulit height mo?" Pang-aasar ko rin kaya nakatanggap ako ng batok.

Nalo-lovesick na nga ako, nang-aasar pa. Maawa kayo. Para malibang-libang naman ako, ba't 'di na lang kaya ako maghanap ng Pokemon dito? Joke, baka magalit si Tangi ko. Teka nga, ba't di pa nagrereply yun?

Tangiiiii, sagot ka pleaseeeeee. Nandito kami sa Disneyland. Sabi nila, magical daw dito pero Tangi, mas magical ito if you're with me. 

"Tara na Roborats!" Sigaw ni Marco.

○●○

"Oh my gosh! It's Rapunzel!" Natatawang sigaw ni Seth.

Binibing Rapunzel, pwede pa-haplos ng buhok? Kakantahin ko lang yung 'Flower gleam and glow, let your power shine, make the clock reverse, bring back once was mine' para ma-bring back ko siya rito. Maganda naman boses ko so baka gumana.

525 OSS: Love Beyond CamerasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon