COL Chapter 4: Meeting

7 0 0
                                    


Shaina Tzeenie POV

Biglang nagpatawag ng meeting ang home artist agency. Kaya eto ako nagmamadali akong umalis sa condo ko.

Hindi ko naman kasi alam na ngayon ang meeting. Kung alam ko lang maaga akong nagising.

Agad kong binilisan ang pagmamaneho ko. Malapit lang naman ang building ng home artist agency sa building ng condominium.

Na'ng ako'y nakarating na sa home artist agency. Agad ako bumaba ng kotse ko.

Hinagis ko ang susi kay kuya Alvin na security ng building.

"Kuya Al ikaw ng bahala." Saad ko.

"Sige direk." Saad niya.

Ako naman nagmadaling pumasok sa building at sumakay ng elevator. Nakisabay sa mga staff dito. Pinindot ko ang 20th. Nasa 20th floor kami magmeeting.

"Good morning direk. Mukhang nagmamadali po kayo?." Tanong ng isang babaeng staff.

"Ah.. Oo." Saad ko.

Habang hinihintay ang pagtaas ng elevator sa bawat floor.

Hanggang dumating ako sa 20 th na ako lang mag-isa.

Ting...

Binilisan kong maglakad. Pumasok agad ako sa conference room.

Pagkabukas ko ng pinto. Lahat sila napatigil sa pagsasalita.

Na'ku po...

"Ahmmmm.. Good m-orning." Awkward na saad ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Eh paano hindi pa rin sila nagsasalita.

"Ahmmm.. Pwede na po ba'ng maupo?." Tanong ko sa kanila.

Doon lahat sila kumibo.

"Ehem.. Ms. Shaina maari ka ng maupo sa tabi ni Ms. Mel." Saad ni boss Vince.

"Salamat po boss Vince." Saad ko.

Pagkatapos umupo na'ko sa tabi ni direk Mel.

"Okay nandito na ang lahat. Uulitin ko ang mga sinabi ko kanina. Sa darating na August darating na ang new male artist ng home artist. At 10 entry ang pagpipilian niyang mga story na gawa ninyo. Ngayon sampu kayong mga writers dito. At ngayon kong nakapili na siya ng concept ng pelikula niya. Pipili siya ng magdidirektor ng kanyang unang-una niyang pelikula dito sa Pilipinas." Saad ni boss Vince.

Sino kaya siya?. Parang pa'ng Hollywood ang dating niya dito. Sabagay international artist na siya. Kaya gusto ni boss Vince na paghandaan ito.

"Boss Vince ano ba ang theme na gusto niya?." Tanong ni Carlo. Isa din siyang director at writer.

Tama.. Ano ba'ng gusto niya para makagawa na rin ako.

"Actually ayaw niya ng action movie. Yun lang nasa inyo kung ano ang gagawin niyo. Basta huwag lang action. Yun lang ang pahayag niya sa akin. Basta maganda ang gawa at walang komplikasyon. Okay na sa kanya. Paalala lang pagbutihin ninyo isa siya sa mga producer ng kanyang unang pelikula dito sa Pilipinas." Saad ni boss Vince.

Wow ang yaman naman niya ah. Nagbulungan naman ang mga kapwa direktor ko at mga manunulat.

Hay ano kayang klaseng kwento ang gagawin ko?. Mukhang maarte naman kasi ang male artist na ito. Kung hindi na lang kaya ako magpasa ng kwento.

Pero nangako pala ako kay Arissa. Paano na nakakamatay ng utak ito.

"Wala na kayong tanong?." Tanong ni boss Vince.

Career Or Love? (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon