Someone's POV
Busy lahat ang mga staff sa isang studio. Hinahanda kasi nila ang presscon ng isang movie.
"Guys ready na lahat. Papasukin niyo na lahat ng mga press." Saad ng organizer ng presscon na ito.
"Okay po sir." Saad ng isang staff.
Pumasok lahat ng mga press na imbitado para sa presscon na ito. May livestream ito para sa lahat na hindi makakapunta dito.
Hinihintay na lamang nila ang mga star artist ng movie na ito at ang direktor.
Shaina Tzeenie POV
Kinakabahan ako para sa presson. Ewan ko ba parang first time ko ang ganitong moment.
"Ma'am ready na po." Saad ng isang staff na kakapasok pa lamang sa dressing room ko. Tumango naman ako.
"Ayyy.. Si ate'y kinakabahan." Saad ni Jonas ang make up artist ko. Actually make up artist ni Arissa pero siya rin kasi ang gusto ko kaya ito.
"Oo 'nga ateng huwag ka ng kabahan." Saad ni Joanne. Siya ang stylist ko ngayon.
"O'siya na ateng labas ka na. Hinihintay ka na ng press." Saad ng hairstylist ko na si Kenneth.
Tumango naman ako. "Sige ate'y ipakita mo ya'ng kagandahan mo sa mga press." Saad ni Jonas.
Tumayo na'ko sa kinauupuan ko at lumabas na. Kasama ang mga glam team ko.
"Ateng hindi ka ba magpapapicture. Sayang ang outfit mo ngayon." Saad ni Kenneth.
"Ayy.. Oo nga pala, sige saan ba tayo?." Tanong ko sa kanila.
"Ate'y dito na lang oh. Ang ganda ng mga landscape painting." Saad ni Jonas.
Pumunta kami sa mga paintings. Tapos nag-selfie kami.
"Oh ayan ateng ang ganda mo talaga. Dapat nag-artista ka na lang." Saad ni Joanne.
Ayaw ko ng buhay artista. "Na'ku binobola niyo na naman ako. Sige na ba'ka malate na'ko." Saad ko.
Pumunta na kami sa event. Nakita ko naman ang mga staff.
"Ma'am kayo po ang mauunang lumabas. Tapos kasunod po niyo ang mga lead artist." Saad ng isang staff.
"Okay sige. Start na ba?." Tanong ko.
"Hindi pa po ma'am. Hinihintay pa po sina Raine at Princess." Saad ng isang staff.
"Ah... Nasaan ba sila?." Tanong ko.
Oras na ba't wala pa sila?. Kainis naman.
"Ma'am nasa dressing room pa po. Eh nakaproblema po kasi si ma'am Princess." Saad ng staff.
Kainis naman yu'ng babaeng 'yun. Ang arte-arte pa kasi. Tiyak na ginugulo na naman niya ang mga glam team niya.
"Sige ma'am iiwan muna po kita." Saad ng staff.
Tumango naman ako. Pagkatapos umalis na siya.
"Ayyy.. Ateng saan ba ya'ng mga lead artist mo?." Tanong ni Kenneth.
"Eh malamang umaarte na naman ya'ng si Princess." Saad ni Jonas.
"Hoy ano ba kayo nandiyan na sila oh." Saad ni Joanne. Lumingon kami sa likod. Tama si Joanne nandito na silang dalawa.
"Hello direk." Bati sa'kin ni Raine. At pagakatapos bineso niya ko. Ngumiti naman ako.
"Hello direk." Saad ni Princess. Pagkadating sa kanya ang peke ng ngiti ko. Ewan ko ba dito sa babaeng to.
![](https://img.wattpad.com/cover/123809856-288-k441578.jpg)
BINABASA MO ANG
Career Or Love? (On-going)
Storie d'amoreYan lagi ang pumapasok sa utak na'tin. Ano ba ang uunahin mo? Career mo na nais mo'ng maabot at magsuccess para sa kinabukasan mo o yung Love na nagpapasaya sa'yo at nagbibigay inspiration mo sa buhay. Ang sagot puwede mo naman pagsabayan but wait m...