COL Chapter 5: Successful Premiere Night

10 0 0
                                    


Shaina Tzeenie POV

Nandito ako ngayon sa condo kasama ang mga taga-ayos ko sina Kenneth, Joanne and Jonas.

Mamaya na kasing 8:00 pm ang premiere night. Kaya naghahanda na kami.

"Ateng handa na ang susuotin mo mamaya." Saad ni Joanne na stylist ko.

Tumango na lang ako. Wala akong ganang magsalita kasi nararamdaman ko na ang kaba.

"Ayyy, si ateng kinakabahan. Halika na dito ateng ima-make over na kita." Saad ni Jonas.

Pinaupo niya ko sa harap ng cabinet ko na may salamin. Pagkatapos sinimulan na niya kong ayusin.

"Ateng huwag kang mag-alala magiging bongga ang premiere night ng movie niyo. At ki-kita ito ng bonggang-bongga." Saad naman ni Kenneth na hair stylist ko.

"Oo 'nga ateng kaya don't worry. Oh napa-english na'ko mga ateng." Saad ni Joanne.

Kaya naman napangiti ako sa pagdadala nila ng positive vibes sa akin.

"Si ateng napangiti na mga inday." Saad ni Jonas.

"Buti naman. Dapat happy lang." Saad ni Kenneth.

Kaya nagdesisyon ako magsalita na. Habang inaayusan ako ni Jonas.

"Maraming salamat sa inyo. Kung wala talaga kayo hindi masaya ang mga bawat araw na kasalo ko kayo." Saad ko sa kanila.

"Ay, mother huwag kang iiyak. Masisira ang make up niyo." Saad ni Jonas.

"Siyanes, huwag na kayong magdrama. Ayusin niyo na'ko." Natutuwang saad ko.

After 20 minutes...

Nandito na'ko sa kotse ko. Hinihintay na lang ang tawag kung mag-iistart na. Masyadong kong pinaaga sa pagpunta. Pero alam niyo na ang lola niyo excited.

"Hay'naku momsh masyado kayong na-excite ayan tuloy nauna tayo dito." Saad ni Kenneth.

"Okay lang, atleast ang aga natin. Walang traffic naku kung ngayon tayo magbibiyahe. For sure na malalate tayo 'noh. Atsaka 10 minutes na lang." Saad ni Joanne.

"Sabagay." Sagot ni Kenneth.

Sa sobrang bored ko nagbukas muna ako ng cellphone at pumunta sa Twitter. Tinignan ko kung trending yung movie. Pagkabukas ko pa lang marami ng notifications and messages sa Twitter about sa movie.

"Ay Mamshie trending pala yung new artist ng home artist. Nakikisabayan sa movie mo." Saad ni Kenneth.

Kaya tinignan ko yung mga trends sa twitter.

Number one ang #MahalkitaPero. And number two yung new artist na #WelcomeBackTeo

"Mga beshy trend na trend din siya." Saad ni Joanne.

Sikat din pala siya. Pero huwag ko ng tignan kung sino siya. Gusto ko munang tignan ang mga tweet tungkol sa movie.

"Hay ang gwapo pala niya. Nakakainlove mga bakla." Saad ni Jonas.

Ang baklang 'toh basta gwapo inlove agad. Di pwedeng crush muna.

"Hoy bakla di 'yan papatol sayo. Girlalu ang hanap ni Papa hindi ikaw." Saad ni Joanne.

Hindi ko na sila pinapansin. Naka focus ako sa mga tweet ng mga fans ng movie.

"Magsitigil na 'nga kayo kay Teo. Focus tayo sa premiere night mga bessy. Ba'ka masapawan ang trend natin sa lalaking 'yan." Saad ni Kenneth.

True check na check. Focus na lang dito. Makinig kayo kay Kenneth, manahimik na lang kayo di'yan.

Biglang may kumatok sa bintana kung saan ako nakaupo.

Career Or Love? (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon