Career or Love: Prologue

34 2 0
                                    

PROLOGUE

Minsan lagi ko iniisip ba't ba ko iniiwan ng mga mahal ko?
Ginawa ko naman lahat ah, pero ito pa rin ako umuwing luhaan. Ang sakit isipin na iiwan ka lang pala sa ere. Yung tipong mangangako na Walang iwanan, pero anong nangyari wala iniwan ka pa rin. Bakit ka nangangako kung iiwanan mo rin siya?. Bakit sinabi mo pa'ng mahal mo siya kung papaasahin mo lang sa wala?. Ang sakit eh sapol sa dito sa puso. Sabi 'nga sa isang kanta Kung sino pa ang marunong magmahal siya ang madalas maiwan ng hindi alam ang dahilan. Sapol na sapol sa puso. Matagal maghilom eh ang sakit. Pero kailangan kayanin.

"Mahal kita pero.... hanggang dito na lang tayo." Saad ng Lalaki.

"Ano?,bakit? May kulang pa ba sa'kin?. May pagkukulang ba ko?. May hindi pa ba ko naibigay sa'yo?. Ano?!. Sabihin mo kung ano ,gagawin ko. Huwag mo lang akong iwan.." Nasasaktan na saad ng babae.

"Kasi,kasi,kasi ... Ano---------."
Hindi na natuloy ang sinasabi ng lalaki dahil sumigaw ang direktor nila.

"Cut!!!!!!!!!." Galit na saad ng direktor. Nagulo lahat ang mga staff ng pagsigaw ng direktor nila. Ang direktor naman lumapit sa mga artista.

"Naku naman Raine anong nangyari sa'yo? Konti na lang 'nga yung sinasabi mo hindi mo pa makuha!." Galit na saad ng direktor nila.

Napakamot sa batok ang artistang lalaki.

"Sorry po direk Shaine na blangko lang po ang isip ko." Saad ng artistang lalaki.

"Tssss.. Yan lagi sinasabi mo kanina pa. Kesyo na blangko chu....... Ikaw kaya ang maging film maker dito. At maging staff ang hirap. Nakailang take na tayo. Pasado alas'dos na hindi mo ba alam. Nakakastress gusto ko na matulog!. At tandaan niyo bigyan niyo ng emosyon. Yung damang-dama, paano papatok ang movie niyo kung walang emotion. And please Raine lahat ng mga linya mo pwede ba i memorize mo na o kaya mag addlip ka na lang. Basta yung angkop sa mga linya mo. Sige Pack up na!." Sigaw ng direktor.

Mabilis kumilos ang staff sa pag-aayos ng mga kagamitan.

"Sorry po direk, aayusin ko na po talaga." Saad ng artistang lalaki.

"Sige na see you tomorrow na lang." Saad ng direktor. At sabay alis papuntang tent.

Shaine Tzeenie POV

Hay kaistress talaga ang maging direktor. Dama na sana ang lahat eh. Nasira lang sayang ang effort. Hay pumasok na'ko sa tent at kinuha ang mga gamit ko. Para makaalis na gusto ko na rin umuwi at magpahinga.

Ay hindi pala ako nagpapakilala. Ako 'nga pala si Shaina Tzeenie Nobles. Isang sikat na film maker sa industriyang ito. At 25 years old. Sabi nila isa daw akong terror na director. Aba siyempre gusto ko pulido lahat ng gagawin kong movie. At gusto ko rin yung makakarelate ang mga tao sa movie. And isa rin ako writer ng mga pelikula. Kaya terror ako gusto ko ang movie ay pinaghandaan talaga. Para kapag pinanuod ito ng mga tao sulit ang pinagbayad nila.

So back in the reality. Paalis na 'nga ako. Pumasok ako sa tent para kuhanin ang mga gamit ko. Pagkakuha ko ng gamit. Lumabas na'ko ng tent at magpapaalam sa mga kasama ko.

"Guys mauna na'ko!." Sigaw ko sakanila.

"Sige po direk, ingat po." Saad naman ng isang staff.

Habang papunta na'ko sa kotse ko. Nakita ko sina Raine at Princess nag momol. Madilim kasi kaya walang nakakakita sakanila. Tsk.... Pati ba naman dito sa public place momol? Grabe naman. Kung makita kaya sila ng media. Grabe may privacy place naman ba't hindi sila pumunta sa isang pribadong lugar at doon magchukchukan .Napailing na lang ako at pumasok sa kotse. Pinaandar ko na ang kotse ko. Gusto ko na mahiga sa kama.

Career Or Love? (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon