★ Veneficus Academy ★

30.9K 664 43
                                    

Prologue

(Revised Chapter)

"Wohooo!" Sigaw ko habang lumilipad sa kawalan. Nasa parte ako ng isang gubat na para sa akin ay ang pinaka tago o ang pinaka masukal.

Lumilipad lipad ako ng mapatawa ako dahil may tumamang ibon sa mukha ko. Muntikan na itong bumagsak pero nasalo ko ito ng aking kamay. Nagpatuloy ako sa paglipad ng biglang tumama 'yung mukha ko sa kung saan at muntikan pa kong mahulog dahil sa gulat.

"Ouch." Sabi ko habang hinihimas himas yung ilong ko. Mapapango ako nito, e. Tinignan ko kung saan ako tumama at nagtaka ng wala naman pala akong tinamaan. At isa pa, anong tatamaan ko, nasa ere ako?

Nagbato ako ng bolang apoy kung saan tumama ang mukha ko kahit wala naman talaga akong nakikitang pwede kong tamaan. Nang tumama ito kung saan ako tumama, bigla itong nawala.

Woah, what was that?

Bumaba ako sa lupa at tumuntong sa isang flat na bato. Tinignan ko ang buong paligid. Ako lang ang tao dito, obviously. Sinong baliw ang pupunta sa masukal na parte ng gubat na 'to?

Huminga ako ng malalim bago kumuha ng isang malakas na puwersa.

Naglabas ako ng tubig at ginawa itong isang malakas na alon. Pinatama ko ito doon sa nilalang o kung ano man 'yun na hindi ko nakikita. By the way, di ko talaga nilabas yung tubig, mayroong malapit na lake dito.

Nagulat ako ng bigla itong tumama sa kung saan at biglang bumuhos sa akin.

What the hell?!

Tinignan ko ang sarili ko. Basang basa ako! Parang binalik nito sa akin lahat ng ginawa ko sa kanya.

Sa sobrang inis ko hindi ko maiwasang mapayanig ang mismong bato na kinakatayuan ko. Patay ako nito kay Dad.

Babalikan kitang invisible na ewan ka!

Lumipad na ko patungo sa kalsada. Nang malapit na ko sa kalsada, bumaba ako at naglakad ng parang isang normal na tao at pumara agad ng taxi ng may nakita ako.

As you can see, I'm not 'normal'.

Wow, lucky me. Madalang ang taxi dito at kung dayo ako ay hindi ko na gugustuhing bumalik sa lugar na ganito.

Pumasok ako ng taxi at pumunta na sa mansion. Naglalakad ako sa hallway ng mansion ng biglang makita ko si Dad na pababa ng hagdanan.

"Aezelle, where the hell did you go?" Tanong ni Dad. Lumapit siya sa akin at as always, magka salubong na naman ang kilay niya.

"Dyan dyan lang, Dad." Sagot ko at nagpaalam na para pumunta sa kwarto ko.

That was close. Hindi niya man lang ako tinanong kung bakit basang basa ako. Well, that's my dad.

Kinabukasan, bumalik ako sa gubat. Lumakad ako kung saan ako tumama, pero tumatama talaga ako sa hindi ko makitang bagay. Biglang may pumasok sa isip ko at gusto kong sampalin ang sarili ko dahil bakit hindi ko agad ito naisip?

"Reveal." Bulong ko at pumikit. Bahagyang kumirot ang sentido ko pero nawala agad ito.

3...2...1...

Binuksan ko na ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang mataas na silver gate. Malaki ito, at pag sinabi kong malaki, sobrang laki. Napangiti ako. You're so great, Aezelle!

Biglang may lumabas na mga letra sa gitna ng malaking gate. It's color gold and para itong mabilisang inuukit sa silver na gate kahit wala namang gumagawa nito.

'Veneficus Academy'

What the hell? So, this is an Academy? Veneficus Academy, to be exact. Pretty cool, huh?

Nagulat ako ng bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang mga naglalakihang mga gusali na parang mga naglalakihang mga kastilyo.

"Wow!" Hindi makapaniwalang sabi ko at napangiti ng malapad.

It's wonderful, it's like a paradise to me. Seriously, this is cool.

***

Author's Note: Thanks for Ms. KrungRi_Gizibe for doing the Book Cover of this story :)

Veneficus Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon