Chapter Two

5.8K 121 2
                                    


"Mukhang masaya ang dalaga namin ah? Anong meron? Let me guess? You're in love?"

Natawa si Zia sa sinabi ng kanyang ama nang dumulog siya sa hapag-kainan. Ngumiti siya sa ina saka kumuha ng pagkain. "You're fishing, Papa. I'm not in love, okay? Ni hindi ako nakikipag-date."

"That's good. You're still young. Take your time."

"Wala na yatang gustong makipag-date sa akin, Papa. Natatakot sila na awayin ninyo ni Kuya."

Natawa ang kanyang mga magulang. Bigla niyang na-miss ang Kuya Ryan niya. Nasa New York ito para um-attend ng business convention. Katulong ito ng kanyang ama sa family business nila na Suarez Furnitures. Ang radio station ay solong pinamamahalaan ng kanyang ina. Dalawang taon na siyang nagsusulat sa isang sikat na publication. Romance ang genre na sinusulat niya. 

"Hindi ko gusto ang lalaking madaling ma-intimidate. It only goes to show what kind of man he is. Hindi ko gusto ang ganoong lalaki para sa'yo, anak," ang kanyang ama sa seryosong tinig. 

Nakita niyang siniko ng ina ang kanyang ama. "Easy, hon. Masama ang mainit ang ulo sa harap ng pagkain."

Napangiti si Zia nang makitang dumukwang ang kanyang ama at hinalikan ang kanyang ina sa pisngi. 

Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng mga magulang. "Pa, Ma, by any chance, kilala n'yo po ba si DJ Gino?"

Gulat na tumingin sa kanya ang mga magulang. "Hindi mo nabanggit na pumunta ka sa radio station, anak?"

"Hindi po, Papa. I accidentally heard DJ Gino last night. He was good." At nakaka-in love ang boses niya, dagdag niya sa isip.

"Mabait si DJ Gino, hija. Masipag din siya at madaling makagaanan ng loob. I'm sure magkakasundo kayo 'pag nakilala mo siya," nakangiting sabi ng ina.

Bigla siyang nabuhayan ng loob. "Are you sure, Mama? Is he still single? I want to meet him!" pinilit niyang itago ang excitement sa tinig niya.

Nasamid ang kanyang ama. Natatawang inabutan ito ng tubig ng kanyang ina, saka siya hinarap. "Sure, hija. Let me take care of everything. Alam mo bang minsan ko nang naisip na ipa-blind date ka kay Gino? Naisip ko lang na baka hindi ka pumayag kaya hindi ko na itinuloy. Honestly, I really like that guy for you."

Kumontra ang kanyang ama pero sa huli ay ang kanyang ina pa rin ang nasunod. Nangingiting ipinagpatuloy niya ang pagkain habang iniisip kung ano ang susuotin niya sa unang pagkikita nila ng unang DJ na bumihag sa kanyang puso. 


-----------------------------------------


"Uuwi ka na, pare? May araw pa sa labas. Baka masunog ka."

Natigil si Gino sa pag-aayos ng mesa niya at bahagyang nilingon ang kababata. "What brought you here, Harris? Don't tell me tumakas ka na naman sa restaurant ninyo?" May tatlong restaurant na pagmamay-ari ang pamilya nito. Isa roon ay malapit sa opisina niya. Ugali nitong umalis ng restaurant at puntahan siya kapag wala itong mapaglibangan sa restaurant. 

Umupo ito sa harap niya. "Sobra ka, pare. Naisip ko kasing baka na-miss mo ako, at saka may nagbulong sa akin na uuwi ka raw nang maaga. I want to make sure it's true."

"May meeting akong kailangang puntahan kaya maaga akong aalis."

Natawa ito. "So you've got a date? I can't believe this! Finally, pare! Katapusan na ba ng mundo? Imagine dalawang himala ang magkasunod kong narinig. For one, aalis ka nang may araw pa sa labas. Secondly, you've got a date. Seriously, bro, when was the last time na nakipag-date ka? If my memory serves me right, iisang babae lang ang niyaya mong makipag-date na tinanggihan ka pa. Kung bakit kasi..."

I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon