Chapter Six

4.9K 105 4
                                    

'HELLO?" Nakapikit na sagot ni Zia sa cell phone niya. Hindi sana niya papansinin ang pagtunog niyon dahil natutulog siya ngunit naisip niyang baka importante ang tawag.

"You're right, Zi! Ang pogi at ang sexy ng boses ni Gino sa radio! Kailan mo ba siya ipapakilala sa amin ni Jessica?" Narinig niya ang halos patili na boses ni Jamaica sa kabilang linya. Isa ito sa best friend niya since high school.

"Soon, Jam. Ipapakilala ko rin sa inyo si Gino. Kailangan ko muna siyang i-prepare sa kakulitan n'yo. Wait, paano mo nga pala narinig si Gino? Mamaya pa ang program niya."

"Anong mamaya? On air siya ngayon, girl!"

Mabilis siyang tumayo at binuksan ang radio. Commercial ang narinig niya. "Akala ko ba on air siya?"

"Hintayin mo lang, girl. Hindi ka naman excited, 'no? Bakit kasi natutulog ka pa pagtawag ko?"

Sinulyapan niya ang nakasabit na orasan. Late na pala siyang nagising. "May tinapos akong sulatin kagabi kaya late na akong natulog."

"Ang sabihin mo nag-usap kayo ni Gino kagabi kaya ka napuyat."

Napangiti siya. Oh well, it was partly true.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Imagine my shock, Zi, nang marinig ko ang pangalan ko sa radio. 'Yon pala 'yong boyfriend mo binati ako sa program niya. Nag-dedicate pa siya ng song para sa amin ni Jess. Nagpapalakas siguro sa amin."

Natawa siya. "Once you get to know him, I'm sure you would like him. He's the kindest, gentlest, sweetest, and the most thoughtful guy-" Natigil siya sa pagsasalita nang marinig ang boses ni Gino sa radio. Mabilis siyang nagpaalam sa kaibigan at bumalik sa pagkakahiga.

Napangiti siya nang marinig si Gino. "Feel free to call me for more of your greetings and requests. My next song is for Zia. I hope you're listening right now. This song is for you..."

I met you just tonight but I keep wondering why. It seems I've always known you all my life. I held you only once but I keep wondering why. It seems I've held you forever...

Sa sobrang kilig ni Zia ay nagpagulong-gulong siya sa kama. Ngayon ay naintindihan na niya kung bakit may mga listeners ang nai-in love sa paborito nilang DJ. Bukod sa maganda ang boses, masarap sa pakiramdam ang batiin sa radio at alayan ng kanta. She felt so special. Umabot yata hanggang Timbuktu ang haba ng hair niya. Hindi na maalis-alis ang ngiti niya hanggang sa natapos ang kantang pinapakinggan niya.

I've loved you only now but I keep wondering why. It seems I've loved you forever...

Pagkatapos ng kanta ay tinawagan agad ni Zia si Gino. Makalipas ang ilang sandali, narinig niya ang boses niya sa radio.

"Hello, this is DJ Gino. What can I do for you?"

"Hi, DJ Gino! Mabilis ka sigurong gumawa ng puzzle 'no?"

He let out a soft chuckle. Malinaw niya iyong narinig sa radio at sa cell phone niya. "Puzzle? Hmm bakit?"

"Kasisimula pa lang kasi ng araw ko pero nabuo mo na agad."

Nang sumunod na sandali ay walang ibang maririnig sa radio kundi ang tawa ni Gino. Pakiramdam ni Zia ay nahulog ang puso niya habang pinapakinggan ang buong-buo at sexy na tawa nito. Na-imagine niya na katulad niya, naghuhugis-puso na rin ang tainga ng mga listeners nito. Bigla ay gusto niyang sabihan si Gino na tumigil na sa pagtawa at kausapin na lang siya.

Pagkalipas ng ilang sandali ay tumigil ito sa pagtawa. "Zia?"

"Yes?"

"Ikaw ba ang may-ari ng Crayola?"

I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon