Chapter Five

4.7K 99 0
                                    

NAGISING si Gino sa tunog ng kanyang cell phone. "Hello?"

"I miss you, Gino!"

Para siyang sinabihan na nanalo sa lotto sa tindi ng impact ng tatlong salitang iyon. Sa isang iglap ay nawala ang antok niya. Kahit hindi niya nakikita si Zia, nai-imagine niya itong nakangiti sa kanya sa kabilang linya.

"Naku, sorry! Did I wake you up?"

"It's okay. Dapat nga kanina pa ako gising. Medyo late na akong natulog kagabi."

Naalala ni Gino ang dahilan kung bakit siya napuyat kagabi. Buong magdamag na ginulo ni Zia ang kanyang isip.

"Ahm Gino, huwag kang magagalit, ha? May sasabihin ako sa'yo."

"Hindi ako magagalit, promise. What is it?"

"I'm on my way to your house. Naisip kong dalhan ka ng breakfast. I hope you don't mind."

"It's nice that while you're sleeping, you get a phone call and the first thing you hear in the morning is the sound of her voice waking you up and telling you that she misses you, and that she's on her way to your house..."

Animo may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Iyon na ang pinakamasayang gising niya.

"Gino?"

"Sorry, may naisip lang ako. Natatandaan mo ba ang papunta dito? I can pick you up somewhere." Naikuwento nito sa kanya kung gaano ito kadaling maligaw. Hindi niya maiwasang mag-alala sa tuwing umaalis ito ng bahay.

Tumawa ito. "Don't worry kasama ko si Kuya Enre."

Nakahinga siya nang maluwag. May ilang sandali silang nag-usap. Napilitan silang tapusin ang tawag nang sabihin ni Zia na malapit na ito sa bahay niya. Mabilis siyang tumayo at nag-ayos ng bahay.

Hindi na nagawang mag-shower ni Gino pagkatapos maglinis dahil may kumatok na sa pinto. Pagbukas ay tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Zia.

"Good morning!" anito saka niyakap siya. It felt like they hadn't seen each other in years. Gumanti siya ng yakap. Tila natural na sa kanila ang ganoong batian. May naramdaman siyang panghihinayang nang lumayo ito sa kanya.

"I brought you breakfast." Tumingin ito sa suot niya. "T-shirt at pajama! Cool!"

Napakunot-noo siya. "What do you mean by that?"

"Forget it. I wasn't thinking straight no'ng sinabi ko 'yon," anito saka pumasok ng bahay niya.

Palalagpasin na sana niya ang sinabi nito ngunit may napansin siya sa mukha nito. "You're blushing? What is it about my T-shirt and pajama bottoms that made you blush?" Tinangka nitong umiwas. Mabilis niyang hinuli ang kamay nito para hindi ito makaiwas sa kanya.

"It was nothing, really." Yumuko ito. Marahil upang itago ang pamumula ng mga pisngi.

"Tell me, Zia."

"Ano kasi... habang papunta dito, naisip ko na baka isa ka sa lalaking nabasa ko sa magazine na natutulog in their boxers. I was a bit disappointed... and relieved no'ng nakita kitang naka-pajama." Mabilis itong nag-angat ng tingin. "Malinis ang konsensya ko, promise! Hindi ko naisip na naka-boxers ka. Hindi rin kita pinagnasa..." Tinutop nito ang mga labi. Mapulang-mapula na ang mukha nito at kulang na lang ay magtago sa likod ng sofa.

Natawa siya. Marahan niya itong hinila palapit sa kanya at hinalikan sa gilid ng labi. "Iiwan lang kita sandali. Feel at home. I will make myself decent at magpapalit ako ng boxers. Sayang naman ang punta mo dito. I don't want to disappoint you, you know," biro niya saka ito kinindatan. Lalong namula ang mukha ni Zia. He really enjoyed seeing her face, lalo na kapag ganoong nagba-blush.

I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon