Chapter Four

5.1K 119 1
                                    

TUMAYO si Gino sa tapat ng bintana ng kanyang opisina at huminga ng malalim. Kailangan niyang sumagap ng hangin bago pa kung ano ang magawa niya na pagsisihan niya sa huli.

"Ang lalim n'on, ah! Hindi ko alam na naghuhukay ka na rin ng ginto ngayon."

Hindi na kailangang lumingon ni Gino para mapagsino ang nagsalita. Iisa lang naman ang madalas na maligaw sa opisina niya nang walang pasabi. "I'm not in the mood, Harris," aniya sa malamig na tinig kahit punong-puno ng emosyon ang dibdib niya.

"Alam mo na?"

Bahagya niya itong sinulyapan. Nakaupo na ito sa visitor's chair. "How did you know?" balik-tanong niya dito.

"Nag-email siya sa akin. Can you believe that? E-mail? Hindi man lang niya naisipang tumawag."

"I guess she's too busy to call. At least kapag e-mail, one click away lang."

"I wouldn't be surpise kung pareho ang e-mail na pinadala niya sa atin. And I can't believe you're defending her again. Hanggang kailan mo ba siya ipagtatanggol, Gino? Hindi ka ba talaga napapagod?"

Huminga siya ng malalim. "Honestly, I don't know."

"She's getting married, Gino. Ano'ng plano mo?"

Napapikit siya habang hinihilot ang sentido. Parang hinihiwa ang puso niya sa narinig.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Before she left, nangako kang hihintayin mo siya. You kept your promise, Gino. I think it's about time you set yourself free from that promise. Maybe destiny has a better plan for you. Hindi tamang itali mo ang sarili mo sa taong may mahal ng iba and worst ikakasal na."

"I don't know if I can do it, Harris. Nasanay na akong kasama siya. Nasanay akong ginagawa ang maraming bagay na kasama siya. Nasanay akong sa dalawang babae lang umiikot ang buhay ko - sa kanya at kay Mama. Nasanay akong... nasanay akong mahal siya. Hindi ko alam kung saan magsisimula? Sa tingin mo, may pag-asa pa ako?"

"Sa kanya, wala. Pero sa ibang babae, may pag-asa ka. You're not a hopeless case, Gino. You're seeing someone. I believe it's a good start. Ipagpatuloy mo lang 'yon. You never know. Before you know it, iba na pala ang nasa loob niyan," anito sabay turo sa puso niya. "Open your heart, Gino. You'll never find the right person for you if you don't let go of the wrong one. Masarap magmahal ng taong kayang tumbasan ang pagmamahal na ibinibigay mo. Hindi 'yong ikaw lang ang nagbibigay at nagmamahal. Nakakapagod 'yon."

Nang hindi siya nagsalita ay tumayo na ito. "From the very start, hindi ko na siya gusto para sa'yo. She loves you but obviously, she can't love you the way you love her. I hope this will be the last time we talk about her. Nauubos ang brain cells ko sa kapapayo sa'yo. I have to go. Dumaan lang ako para siguraduhing okay ka."

Naglakad ito papunta sa pinto. Nagtaka siya nang bigla itong tumigil.

"Hi, Miss! Are you lost or something? I can help you find your way," sabi ni Harris sa pinakamasuyong tinig nito. Kapag ganoon, alam niyang nakakita na naman ito ng magandang babae.

Napatingin si Gino sa babaeng kasalukuyang pinopormahan ng kaibigan niya. Nakalimutan niya ang kanyang pinagdaraanan nang makita si Zia na nakatayo sa pintuan ng kanyang opisina. He stared at her. She looked like a fairy princess in her pink dress.

Mabilis siyang tumayo at pumagitna kina Harris at Zia. "Hey, Zia! What are you doing here? How long have you been standing there?" He felt his body tense. Narinig kaya ni Zia ang pinag-uusapan nila ni Harris?

I Love You, Mr. DJ (Completed - Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon