dinala sa emergency room si mich pagkakita ng mga doctor dito
nandito lang ako sa labas ng ER at nanlulumo sa nangyari, bakit? gaano ba kalala ang sakit nya at kailangan sa ER? may hindi ka ba sinasabi sakin mich?
"MICHELLE!" sigaw ng lalaking paparating napatayo ako
isang suntok ang lumapat sa mukha galing sa lalaking bagong dating,kinuwelyuhan nya ko halata sa kanyang galit na galit sya sakin
"sino ka?" tanong ko
"TANGINAMO!anong ginawa mo sa kapatid ko?!hayop ka alam mong may sakit yung tao tapos kung san san mo dinadala!" sigaw nya sakin at isang suntok nanaman ang nagpatumba sakin
naguguluhan ako, anong sakit? si michelle?
"anong sakit?" tanong ko sa kanya
"GAGO!WAG KA NG MAGKAILA NA PARANG WALA KANG ALAM SA KALAGAYAN NI MICHELLE!" dinuro duro nya pa ko
"Renz enough!" awat ng may edad na babae, sya na siguro ang mama ni mich kitang kita ang resemblance nilang dalawa
"wheres michelle iho?anong nangyari sa kanya?" mahinahong tanong sakin ng mama ni mich
"nasa ER pa po sya kanina pa, nahimatay po kasi sya kanina sa park, sorry po" nahihiya ako sa mama ni mich dahil napabayaan ko ang anak nya
"wala ng magagawa yang sorry mo!! tandaan mo pag may nangyari sa kanyang masama, mapapatay kita!!" sigaw nanaman ng kuya nya
ano ba kasing nangyayari?anong sakit ni mich?
"Renz i said enough! walang alam si Alex sa sakit ni Mich" pagkatapos sabihin ng mama ni mich yon, umupo malayo samin ang kuya nya
"ano po bang sakit ni Mich?paki explain naman po gulong gulo na ko" ewan ko pero pakiramdam ko maiiyak ako ng wala sa oras
"Mich has chronic lymphocytic leukemia"
hearing those words leaves me devastated. pakiramdam ko unti unting gumuguho ang mundo ko habang narerealize ko kung gaano kalala ang sakit nya
"she's in her last stage Alex but shes still fighting" nagbagsakan na ang kanina ko pa pinipigil na luha
shit! this isnt happening!
AHHHHHHHHHHH TANGINA!!!!"tita, gagaling pa naman sya diba?! may mga treatment naman para magamot ang leukemia! gawin natin yon tita kay Mich!" pagsusumamo ko sa mama ni mich
tuluyan na ring umiyak ang mama ni mich
"lahat ng treatmemt na yon sinubukan na kay mich pero wala na talaga,ang anak ko na ang umaayaw sa gamutan"SHIT! tangina naman eh! kung kelan ko nakita ang babaeng sigurado na ko tsaka naman nangyayari to!
bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang doctor
"hows my daughter doc?" salubong na tanong ng mama ni mich
"stable na ang pasyente pero misis unti unti ng bumibigay ang ibang organs ng anak nyo, gusto ko sanang ihanda nyo na ang sarili nyo sa mga posibleng mangyari." paliwanag ng doctor
"doc, baka naman may iba pang solusyon para gumaling si Mich!gawin nyo po please!" pagmamakaawa ko
"pasensya na iho, pero nasa huling stage na ang pasyente.mas mabuting samahannnyo na lang sya sa mga natitira nyang araw"
Tangina!
"Doctor ka diba?!para san pang naging doctor ka kung di mo kayang pagalingin mga pasyente mo?!!" tuluyan na kong sumabog at naibunton sa doctor ang lahat ng nararamdaman ko
"doctor lang ho kami hindi kami Diyos"
"kaya nga hindi kayo Diyos! para kayong si Kamatayan kung makapagbigay ng taning sa pasyente mga gago!!!" sigaw ko
"Alex calm down! tanggapin na lang natin ang katotohanan"pagpapakalma sakin ng mama ni mich
"ill excuse myself then" umalis na ang doctor sa harap namin
"tita how can you say that?bakit parang okay lang senyo na taningan ng doctor na yon ang anak nyo?" tanong ko
"Alex matagal na naming napaghandaan ang lahat ng ito, mahirap Oo pero wala kaming ibang magawa, kaya tanggapin mo na lang rin sana"
inilipat sa kwarto si Mich ng makalabas ng ER,
napagalaman kong 15y.o palang si Mich ng madiagnose sya ng leukemia mula non dito na sya tumira sa kwartong to hindi rin sya nakakalabas dahil sunod sunod ang treatment na ginagawa sa kanya in short hindi sya nabigyan ng pagkakataon na maenjoy ang kanyang kabataan"palagi ka saking naiikwento ni Mich kaya kilala kita Alex, ang batang yan walang ibang bukambibig kundi ikaw, nung una tutol ako sa gusto nyang mangyari pero nakita ko ang saya na naibibigay mo sa kanya ngayon ko lang sya nakitang ganyan kasaya, kaya hinayaan ko na" nakangiting kwento ng mama ni mich habang nakatingin sa natutulog nyang anak
gabi na pero nandito parin ako sa kwarto nya nakahawak sa kamay nya.
"iho, umuwi kana, bumalik kana lang ulit kinabukasan"
ayoko pa sana umuwi ang kaso bawal na din kasi ang bisita sa oras na to.
"babalik ako bukas Mich promise" hinalikan ko sya sa noo at tuluyan ng umuwi
BINABASA MO ANG
Text Message
Short Storyready ka na bang mainlove sa taong nakilala mo lang sa text?