text17

191 10 4
                                    

dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, nasisilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng pamilyar na kwarto

"jusko!Alex salamat at gising kana!sobra kaming nagaalala sayo" sabi ni mama na may namamagang mata mukang kakagaling nya lang sa pagiyak

"nasan ako ma?"

"nasa hospital ka anak, muntik ka nang mabangga ng isang truck buti na lang at nakapreno sya, pero dahil sa bilis ng patakbo mo nawalan ka ng balanse dahil sa madulas ang daan"

inilibot ko ang paningin ko, nakita ko si papa at alexandria na natutulog pa sa sofa

"alex, eto ang kwarto kung san si Mich nanatili ng ilang taon" sabi ko na kaya parang pamilyar eh

muli ko nanaman naalala na wala na ang babaeng pinakamamahal ko

"anak, hindi matutuwa si mich sa nangyari sayo, pilitin mong maging maayos ngayong wala na sya,hindi sya mapapanatag hanggat ganyan ka"

"ma kase eh, ang sakit sakit! kung kelan handa na kong tanggapin sya ng buo kung kelan ko sya sobrang minahal tsaka sya mawawala, di ko kaya ma parang kalahati ng pagkatao ko ang nawala"

akala ko naubos na ang luha ko pero di pa pala muli nanaman akong umiiyak basta maalala ko lang sya o marinig ang pangalan nya di ko maiwasan hindi malungkot at masaktan

umuwi muna sila mama para kumuha ng damit kaya naiwan ako magisa dito, tumayo ako ay pumunta sa bintana para makapasok ang hangin

pero nagulat ako sa nakita ko, dahan dahang nagbagsakan nanaman ang kuha sa mata ko, tangina kelan bako titigil kakaiyak?

mula sa bintana ng kwartong to ay kitang kita ang park kung nasan ang puno na  madalas kong tambayan, kaya pala, kaya pala palagi akong nakikita ni Mich sa tuwing nandon ako,

napalingon ako sa pinto ng bumukas ito, pumasok si tita na may dalang maliit na kahon

"umiiyak ka nanaman ba dahil kay mich?" tanong nya

"opo eh, masakit padin kasi" lumapit sya sakin at iniabot ang kahon

"normal lang yan dahil bago pa, ipagdadasal ko na sana tuluyan mo ng matanggap ang pagkawala ng anak ko"

"ano po ito?"

"mga alaalang tin-treasure ni Michelle iiwan ko na sila sayo ikaw ang malaking bahagi nyan" lumingon naman sya sa bintana at napangiti

"alam mo bang mas gusto ni Mich umupo sa harap ng bintana na yan kaysa mahiga para magpahinga?palagi syang nakatingin sa park, palagi ka nyang tinitignan"

napangiti naman ako

"kelan nya pa po ako nakikita mula dito tita?" tanong ko

"bakit hindi mk buksan yan ng malaman mo?sige na aalis na ko dahil ngayon ang alis namin ni Renz papuntang New york"

"magiingat po kayo dun,ako na pong bahala kay mich palagi ko po syang dadalawin" nginitian ako ni tita saka lumabas

umupo ako sa kama at binuksan ang laman ng kahon

Little did he know. . .

"KALBO! KALBO! KALBO!" pangaasar ng mga bata sa isang batang babae sa park sa tapat ng hospital

hindi lumalaban ang batang babae dahil wala syang kakayahan, wala syang ibang ginawa kundi ang umiyak dahil ang nais lang naman nya ay magkaroon ng kaibigan kahit na may sakit sya

"Hoy!!! bakit nyo sya inaaway? gusto nyong suntukin ko kayo?!" sigaw ng batang lalaki

tumigil sa pagiyak ang babae at napatingin sa lalaking sumigaw matutuwa na sana sya dahil akala nya ay prince charming na nya ito pero isang payat na bata lang ang nakita nya

"Bakit?! papalag ka ba ha?!!" ganti ng batang bully

"oo bakit??! kala nyo natatakot ako senyo?!kayo ang matakot sakin!" sabay ipinikita nito ang braso nyang payat

"hahaha gago ka pala eh!" sinugod nila ang batang lalaki at binugbog pagkatapos ay umalis na ito at naiwan silang dalawa

lumapit naman ang batang babae dito at tinulungan itong makatayo

"bakit mo ginawa mo yon?ang tapang tapang mo pero ang payat payat mo naman,tignan mo tuloy nabugbog ka"

"di ka ba marunong mag thank you?" nakangiting tanong ng bata at hindi iniinda ang mga pasa sa muka

"t-thank you nga pala" nahihiyang sabi ng bata

"welcome!palagi ka bang inaaway ng mga.yon?'

"oo, gusto ko lang naman makipagkaibigan pero ayaw nila dahil panget at may sakit daw ako" malungkot na wika ng babae

"wag ka magaalala dahil nandito na ko, palagi kitang ipagtatanggol at simula ngayon kaibigan mo na ko!" proud na sabi ng lalaki na ikinatuwa ng babae

"anong pangalan mo?"tanong ng batang lalaki

"tawagin mo kong Serene,ikaw?"

"ang ganda naman ng pangalan mo, tawagin mo kong Super Xander"

"ha?bakit super?hindi ka naman super hero ah"

"haha pero simula ngayon ako na ang tagalagtanggol mo"

magmula non naging magkaibigan na nga ang dalawa, walang araw nanhindi nagkita ang dalawang bata sa ilalim ng puno

"mama kailangan bang sa New York nyo pa ko ipagamot?ok naman ako dito sa Pilipinas eh" tanong ng inosenteng bata

"anak sa New York mas maraming espesyalista ang titingin sayo, duon malaki ang pagasa na gumaling ka"

"pero pano si Xander?iiwan ko sya?" malungkot ang bata sa kanilang biglaang pagalis

"babalik naman tayo anak eh"

lumipas ang taon at muling bumalik sa Pilipinas si Mich dahil magaling na ito excites syang pumunta sa park upang magbakasakaling matatagpuan nya ang kanyang kaibigan

ngunit hindi lang ang kaibigan ang nakita nya, may kasama itong babae na nakayakap sa lalaki, nalungkot ng sobra si Mich at hindi na nagbalak pang magpakita, ilang buwan din ang lumipas ng bumalik ang sakit ni Mich at maadmit muli sa hospital.

hindi nya inaasahan na muli nyang makikita ang kababata nanmay kasamang ibang babae at mukang masaya

lumipas ang ilang buwan at muling bumalik ang sakit ni Mich at muling na-admit sa hospital, walang araw na hindi sya tumatambay sa harap ng kanyang bintana at nagbabakasakaling muli nyang makikita ang kaibigan, hindi rin naman sya nabigo dahil nakita nya itong pumunta sa ilalim ng puno

pinagmasdan nyang mabuti ang binata, malaki ang pinagbago ng itsura nito lumaki ang katawan at mas lalong gumwapo napansin nyang malungkot ito maya maya ay lumapit ito sa puno at may iniukit pagkatapos ay umalia na

"mama, samahan mo ko sa Eternal park" pang aakit nito sa mama nya

"bakit mo naman biglang naisipan lumabas nh kwartong to?" nagtataka ang kanyang ina dahil hindi nito ugaling lumabas ng kwarto mula ng bumalik ang kanyang sakit

"gusto ko pong magpahangin" pumayag rin ang kanyang ina at pumunta sa park

agad syang lumapit sa puno at nakita ang labingisang numero na nakaukit sa puno, napangiti sya dahil di nya akalain na magkakaroon sya ng chance upang makausap ang lalaki.

Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon