maaga akong gumising at gumayak para pumunta ng hospital
"nak san ka?"tanong ni mama
"sa hospital ma, may dadalawin ako"
"sino naman?"
"ung future wife ko ma nasa ospital eh"
"HA?! bakit anong nangyari?!teka antayin mo ko sasama ako" sabi ni mama at tinanggal ang apron nya
"ma wag na haha makikilala mo rin sya soon,alis nako" sabi ko saka lumabas ng bahay
"Alex teka! heto dalhin mo sya ng sopas na niluto ko dalhin mo na din tong ilang piraso ng mansanas" habol sakin ni mama kinuha ko rin naman to at saka umalis
nakarating rin naman ako agad sa ospital at dumiretso sa kwarto ni Mich
marahan kong binuksan ang pinto at bunungad sakin ang natutulog na si Mich
ewan ko pero parang maiiyak nanaman ako ngayong nakita ko ang tunay na lagay ni Mich malayong malayo sa itsura nya tuwing nakikita ko sya
wala na syang buhok dahil tanging wig na lang pala ang ginagamit nya na nakalagay sa lamesa, sobrang putla rin nya malayo sa mapupulang labi at pisngi na nakikita ko pati na rin ang katawan nya nababalot ng mga pasa kaya pala palagi syang nakajacket
napansin naman ako ni tita na nakatayo sa pinto
"oh alex ang aga mo naman, nakatulog kaba ng maayos?halika upo ka" tanong ni tita
"di po ako nakatulog ng maayos eh iniisip ko po si michelle kaya maaga akong pumunta dito" pumasok na ako at lumapit kay mich
"hindi pa po ba sya gumigising?"
"hindi pa,pero mayamaya siguradong magigising na sya" inilapag ko sa lamesa ang sopas at prutas na dala ko
hinila ko ang upuan at umupo sa tabi ng kama ni Mich hinawakan ko rin ang kamay nya at marahamg hinaplos
lumaban ka mich, para sakin, para sa pamilya mo para sayo
unti unting dumilat ang mga mata ni Mich
"Alex" bulong nya
"nandito ako Mich" tumingin sakin si Mich pero agad nyang binawi ang mga kamay nya
"a-anong ginagawa mo dito?" gulat nyang tanong kinapa nya ang ulo nya dahil wala na ang wig nya
"Mich ayos ka na ba?may masakit ba sayo?" nagaalala kong tanong
"umalis kana!" nagulat ako dahil sa sinabi nya
bakit?may nagawa ba kong mali?
"pero-"
"sabi ko umalis kana!" sigaw nya sakin lumapit naman ang mama nya at oinakalma si Mich
"hindi ako aalis Mich! hindi kita iiwan hindi ngayon hindi kailanman!" naiiyak nako pero pinipigilan ko ang sarili ko ayokong makita nyang umiiyak ako kailangan ako ang maging lakas nya at di dapat ako magpakita ng kahinaan
lumapit ako sa kanya at pinunasan ang mga luha na tumutulo sa pisngi nya
"dito lang ako Mich, sasamahan kita" sabi ko sa kanya saka ko sya hinalikan sa noo
patuloy lang sya sa pagiyak at patuloy lang ako sa pagpunas ng luha nya, hindi ko sya pipigilan umiyak dahil kung sa pagiyak nya nababawasan ang sakit, ayos lang sakin
"i-im so-sorry A-alex"
"shhh its okay baby,everythings alright" pag aalo ko sa kanya
ilang minuto ring nagiiyak si mich pero hinahayaan ko lang sya, nang kumalma na sya ay inihanda ko na ang sopas para makakain na sya
BINABASA MO ANG
Text Message
Kısa Hikayeready ka na bang mainlove sa taong nakilala mo lang sa text?