text09: amusement park part2

238 10 1
                                    

hindi agad kami nakasakay ng iba pang ride dahil masyadong tirik ang araw at mukang exhausted na masyado si mich kaya heto kami nakaupo sa bench sa ilalim ng puno

"ang saya dito" nakangiti lang sya habang nanonood sa mga tao

"ngayon ka lang ba nakapunta dito?" hanggang ngayon kasi hindi nawawala ang pagkamangha sa muka nya

"yep! palagi lang kasi akong nasa bahay"

"hindi ka ba ipinapasyal ng parents mo?"

"di eh, strict sila masyado"

"edi lagot pala ko sa kanila dahil parang tinakas kita

"hindi ah hahaha"

paglingon ko sa kanya nakita kong may dugong lumalabas sa ilong nya

"shit! may dugo sa ilong mo!" kinuha ko ang panyo saka sya pinatingala at pinunasan

"ayos ka lang ba?" tila nagulat rin sya dahil sa dugong lumabas

"nakakapagtaka, di ka naman nageenglish, bat ako nannosebleed?"

"puro ka talaga kalokohan, tanggalin mo na kaya yang jacket mo ang init init naman eh" pero umiling lang sya

"ayoko! di pwede" hinawakan nya yung jacket na para bang di nya talaga hahayaan matanggal sa kanya

"bakit naman?"

"kasi makikita mo kung gaano ako kasexy baka maglaway ka lang haha!"

"tsk! ang hangin bigla!" sabi ko saka sya iniwan sa upuan

"oy! san ka pupunta??!"

"jan ka lang, bibili lang ako ng maiinom"

"banana mulkshake sakin!!"sigaw nya

bumili ako sa malapit na tindahan ng malamig na maiinom ang kaso ang haba ng pila sa pag bili,

pag balik ko natanaw kong nakahiga na sya sa bench

"tsk! ngayon pa naisipan matulog oh"

"huy! gising haha mamaya kana matulog senyo, may ferris wheel pa tayong sasakyan!" marahan ko syang niyugyog pero di sya nagising

sinubukan kong idikit sa pisngi nya yung malamig na milkshake at unti unti naman nyang minulat mga mata nya

"anung nangyari?"

"bat jan ka natulog?"

"ha?ahhh hehe bakit kasi ang tagal mo?"

"ang haba kasi ng pila, eto na milkshake mo"

malapit na magsunset at saktong kami na ang sasakay sa ferris wheel

"wiiiie! ang astig neto!" sabi nya habang nakatingin sa ibaba, nagsisimula na kasing umikot

pinagmasdan ko lang sya habang masayang masaya sa nakikita

ilang ikot pa at tumigil kami sa pinakatuktok,lalapit pa lang sana ko sa kanya kaso pinatigil nya ko

"jan ka lang! wag ka malikot baka mahulog tayo!" nagpapanic nyang sagot gumalaw kasi ang sinasakyan namin

"edi sabay tayong mahulog. . .sa isat isa" hininaan ko na ang huling part para di nya marinig

"waaaaah yawku pa mamatay!"

"oa mo! haha" lumapit na agad ako sa kanya at wala na syang nagawa itinuro ko din sa kanya ang papalubog ng araw

"woooooow! ang ganda" nakangiti lang sya pero maya maya sabay ng paglubog ng araw nawala ang mga ngiti sa kanyang labi

"why?" pansin kong maluha-luha sya

"bakit kailangan pang lumubog ang araw?nakakawala ng pagasa dahil babalutin mg dilim ang lahat" malungkot lang sya

"hindi naman ibigsabihin na lumubog ang araw ay wala ng pagasa, dahil muli rin naman syang sisikat at magdadala ng panibagong pagasa"paliwanag ko

"tignan mo"itinuro ko sa kanya ang bilog na buwan

"kailangan lumubog ng araw para lumabas ang buwan. sya naman ang nagbibigay liwanag sa kadiliman"

pansin kong ngumiti na rin sya pero halatang may lungkot sa mga mata

"wag ka ng malungkot jan, pumapangit ka eh"

"owkii!"

tahimik lang kaming nakatingin sa buwan

"when i die, i want to be the moon" bigla nyang sabi, napatingin naman ako sa kanya

"moon talaga?ayaw mo ng star?"

"ayaw ko, gusto ko moon, ako ang magbibigay liwanag sa mga taong nawawalan na ng pagasa" proud nyang sabi

"sana lang huwag mo kong iwan pagdating ng ARAW"

"i wont haha, nandyan lang ako lagi di.mo lang nakikita"

bigla ng gumalaw ang sinasakyan namin

hinatid ko ulit sya sa park, nagpumilit akong ihatid sya sa bahay nya ang kaso ayaw talaga nya ang lakas manakot ng babaeng yon kakiit liit naman, ayoko na lang makipagtalo dahil halatang pagod na pagod na sya.


*1 new message receive*

cutestalker:
thank you so much!

me:
youre always welcome 😃
goodnight 😇

(seen 7:45pm)

Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon