text16

202 9 3
                                    

"alex" tawag sakin ni Mich, ibang iba na ang itsura nya dahil mahaba na ang buhok nito nagkaron na rin ng laman ang katawan nyang datiy payat na payat, masiglang masigla na sya ngayon

"Mich, ayos kanaba?"

"maraming salamat sa pagaalaga at pagmamahal mo sakin alex" nakangiti nyang sabi

"wala yon haha para sayo gagawin ko ang lahat,ganyan kita kamahal"

"mahal na mahal din kita alex at kung papipiliin man ako gusto kong sa susunod kong buhaybikaw parin ang taong mamahalin ko"

"wag muna natin intindihin ang susunod, mas importante ang ngayon kaya tara na" hinila ko na sya papasok ng simbahan ngunit ng nasa pintuan na kami ay tumigil sya

"bakit?" nakangiti lamg sya sakin

"mahal na mahal kita tandaan mo yan" bigka na lang dumilim ang paligid at may lumitaw na lalaking nakaitim at sapilitang kinuha si mich

"MICHELLE!!" tawag ko sa kanya, iminulat ko ang mga mata ko at pinunasan ang mga luhang patuloy sa pagtulo

umiling iling ako "hindi,kabaligtaran ang panaginip sa realidad"

kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang tambak na missedcalls ni tita eean pero bigla akong kinutuban

24 missed calls
10 new messages

binukasan ko ang missedcalls at lahat galing kay tita samantalang 5messagr ang galing kay Mich at 5 kay tita

tita:
Alex!! bakit di mo sinasagot ang tawag ko?

Alex si Michelle! biglang bumagsak ang vital signs nya sinusubukan syang irevive ng mga doctor pumunta kana dito!!

nakagawa nilang irevive si Mich, nanghihina na sya alex

ikaw na lang ang iniintay nya Alex bago sya umalis,pumunta kana dito

she's gone Alex.

tuluyang gumuho ang mundo ko sa mga nabasa kong text lumabas ako agad ng kwarto ko at dumiretso sa sasakyan ni papa

"nak san ka pupunta?" tanong ni mama pero di ko na sya sinagot kailangan kong pumunta sa ospital

wala ako sarili ko habang nagddrive binuksan ko ang mga huling text sakin ni Mich

cutestalker:
Alex, always remember na mahal na mahal kita, napakasaya kong nakilala kita.

Nahihirapan na ako, pagod na ang katawan ko sa pakikipaglaban alex

magagalit kaba kung sakaling sumuko na ko?wag naman sana kasi di ko kakayanin umalis ng may galit ka sakin

ang tagal mo naman, sige ka baka di na kita maintay at sumama nako kay K.hehe joke lang

Alex,pasensya na kung iiwan kita pero tandaan mong nandito lang ako sa tabi mo babantayan kita, mahal na mahal kita Alexander Villamor

nanlalabo na ang mata ko habang binabasa ang mga huling text sakin ni Mich, mabuti na lang at nakarating ako ng hospital ng di naaaksidente

tumakbo ako papunta sa kwarto ni michelle, marami akong nabangga peto di ko sila pinansin kailangan kong makita si Mich

pagkarating ko sa kwarto nya naabutan kong nagiiyakan si tita at ang kuya nya may mangilan ngilan ding bisita na di ko kilala marahil ay kamaganak nila

dumako ang paningin ko sa babaeng nakahiga sa kama nya dahan dahn akong lumapit ayokong maniwala na nangyayari na talaga to kase putangina na lang! ang sakit!

nangangatog ang kamay kong ihinawak sa mga kamay ng babaeng pinakamamahal ko, ang dating mainit nyang kamay ngayon ay malamig na

di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko, wala akonh ibang gustong gawin kundi ang umiyak

"mich. . .mahal na mahal kita sorry kung di ako nakapunta agad sorry! kaya ka ba nagpakita sa panaginip ko? hindi ako galit sayo baby, hinding hindi ko magagawa yon. ilang taon ka ng nagkikipaglaban sa sakit mo alam kong pagod na pagod kana sa lahat,"

"kaya . . k-kung pagod kana ayos ng magpahinga kana, tapos na ang laban mo baby. makakapagpahinga kana," hinalikan ko sya sa labi

"masaya na syang aalis ngayon Alex dahil pinalaya mo na sya,maraming salamat dahil naging isa ka sa mga nasandalan ni mich sa mga panahong susuko na sya, maraming salamat sa pagmamahal mo sa anak ko" naiiyak na sabi ni tita

wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak noong dinala na sa morgue ang katawan ni Mich



sa isang chapel ginanap ang burol ni Mich tatlong araw lamang syang ibinurol dahil ayaw ng patagalin ng mama ni Mich ang byahe ng anak nya, dinala na si mich sa simbahan upang mabasbasan na,ilang kapamilya at kaibigan ni mich ang nagbigay ng huling mensahe, umakyat na ko upang magbigay rin ng huling pamamalaam ko sa babaeng mamahalin ko hanggang sa huli

"Mich, alam kong kung nasaan ka man ngayon,panatag kana. naalala ko ng una mo kong itext napagkamalan kitang stalker ko nun dahil palagi mo kong nakikita sa park, palagi kang nagtetext sakin, nung una naiinis ako pero kalaunan ung inis ko napalitan ng tuwa na mas lumalim pa at nauwi sa love. hindi ko akalain na mahuhulog ako sa isang taong sa text ko lang nakilala, pero kahit ganon mahal na mahal kita mich. nagpapasalamat ako dahil tinulungan mo kong bumangon nung mga panahong lugmok ako,thank you sa pagmamahal na pinaramdam mo sakin sorry kung hindi ko agad nasabi sayo yung mga salitang gustong gusto mong marinig sakin, dapat pala sinabi ko na ng maraming besed at pinaramdam ko ng ilang ulit, pero mich ngayong aalis kana pipiliton kong kayanin at sumaya ulit tulad ng gusto mo mich,mahal na mahal kita MICHELLE SERENE GO"




ng inihatid namin sa huling hantungan si Mich wala akong ibang ginawa kundi umiyak,naiwan ako dito sa puntod ng pinakamamahal ko pinauna ko ng umuwi sila tita pati sila mama, ayaw pa nga ni alexandria umuwi dahil gusto nya pa makasama si mich ang kaso di na pumayag si mama

nakaupo lang ako dito sa damoat nakatingin sa lapida

"alam mo medyo nagtatampo ako sayo, ang dami kasi nating plano diba?tapos iniwan mo na ko agad, kung alam ko lang na huling beses na pala kitang makakasama nung nagsimba tayo edi sana hindi nako umalis sa tabi mo. nanghihinayang ako ng sobra,mamimiss kita mich, yung tawa mo yung kakulitan mo yung mga pangaasar mo sakin, hahanap hanapin ko yun. mahal na mahal kita mich" umihip ang malamig na hangin pakiramdam ko nandito pa si mich sa tabi ko kung makikita at mahahawakan ko lang sana sya ulit

bumuhos din ang malakas na ulan kaya basang basa na ko kaya naman umalis na rin ako sakay ng motor ko

ayoko munang umuwi dahil mas iisipin ko lang si mich, mabilis ang patakbo ko ng motor kahit maulan wala akong pakialam kung maaksidente man ako edi ayos lang susunod nako kay mich

at mukang gusto na din akong isunod ni kamatayan dahil  isang malakas na busina at nakakasilaw na liwanag ang narinig at nakita ko bago tuluyang nawalan ng malay. . .


Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon