text18

190 11 0
                                    

binuksan ko ang kahon at una kong nakita ang isang cellphone, binuksan ko ito at nakita ko ang wallpaper na litrato namin ni Mich nung birthday nya

may nakalagay na note kaya binuksan ko ito

05-21-18
10:30pm

hi alex miloves!! buksan mo yung video na entitled "so what-bts" OMG ang ganda din ng song na yan, check it out haha pero syempre hindi yan ang point kung bakit ko ibibigay ang pinakamamahal kong cellphone sayo, open mo yung video na entitled "Serene&SuperXander" nagtataka kaba kung ano yan?haha edi panuorin mo ayoko maging spoiler!dont worry di yan scandal HAHA

binuksan ko nga ang video na sinabi nya, muli nanamang tumulo ang luha ko ng makita ko sya sa screen, dito rin sa kwartong ito kinuhaan ang video, nakasuot sya ng wig at suot ang jacket na binigay ko hindi rin halata ang pagkaputla nya dahil sa kolorete nya sa muka, kung titignan muka syang walang sakit

"okay na mama?maganda na ba ko?" nakangiti nyang tanong habang inaayos ang buhok

"oo anak ready na at maganda ka parin" sagot ng mama nya na syang kumukuha ng video

"hehe ma, alis kana"

"ha?akala ko ba gusto mong ako magvideo?"

"ma naman, nakakahiya eh sigi na plisss" nagpuppy eyes pa si mich sa video

"hmm osyasige, alex alis nako nahihiya ang dalaga ko sakin eh" sumilip si tita sa video saka lumabas

"okaaaaay . . .pano ko ba to sisimulan?ah! syempre sisimulan ko to sa pagsasabi ng I LOVE YOU ALEX! malamang wala na ko pag napanuod mo to pero syempre tandaan mo na hindi mo man ako makita palagi lang akong nandito sa tabi mo, babantayan kita lagi para di ka makahanap ng iba hahaha joki lang, pero seryoso alex gusto ko sanang humanap ka ng babaeng makakapagpasaya sayo, yung babaeng walang sakit at masasamahan ka sa mga bagay na gusto mong gawin, yung babaeng mabibigyan ka ng pamilya at di ka iiwan."

walang tigil ang pagagos ng luha ko habang pinapanood ang babaeng mahal ko

pano mich?ayokong maghanap ng iba gusto ko ikaw lang

"kahit siguro sabihin kong wag ka umiyak, iiyak at iiyak ka pa din eh kaya ang dapat kong sabihin sayo, sige lang alex umiyak ka lang kung sa paraang yan mo mailalabas ang nararamdaman mong sakit, sorry ah sorry kung iniwan kita, wala eh excited na si Lord makasama ang pretty na gaya ko, alex may ikukwento pala ko, natatandaan mo ba yung bata na kinukwento mo sakin? wag ka mabibigla ah pero mas ok kung magulat ka hehe, Alex ako yun, ako si Serene sorry kung umalis ako ng walang paalam ha? biglaan kasi ang pagpunta namin sa New York para ipagamot ako eh"

tsaka ko lang napansin ang pagkakapareho nila ni Serene, kaya pala pamilyar sya sakin ang akala ko nagkataon lang na magkapangalan sila

"pero binalikan naman kita eh ang kaso mukang nalate ako, pero ayos lang basta makita kitang masaya ok nako. akala ko nun di na kita makikita ulit ang kaso mukang favorite ako ni destiny dahil hinayaan nyang muli kitang makausap, nakita kitang umukit sa puno kaya tinignan ko kung ano yun,haha pambihira kahit ang lakas makahopeless romantic ng ginawa mong pagukit ng number mo sa puno ayos lang haha"

natigil sya ng ilang segundo dahil pansin kong medyo nahihirapan sya huminga

"aish! bat ko ba pinaalis si mama? lex maya na lang ulit ha? may part 2 to promise!" naputol ang video at nagplay ang sumunod na video

ngayon naman ay kuha nya habang nakahiga, sya lang rin ang may hawak ng cp nya kaya close up ang kuha

"tadaaah!" masaya nyang sabi kahit halata na nanghihina sya

"sabi ko naman sayo may part 2 eh alam ko kasing mabibitin ka kaya eto tinuloy ko padin ang part 2, hmm san na ba ko nahinto? h! oo un nga tinext kita nun, di ko alam kung oaano ko magpapakilala sayo kaya naisipan kong iprank ka grabe! ang sungit mo sakin pero kahit ganun di ako tumigil, syempre mahal kita eh! odiba? sa ganda kong to ako ang naghahabol, so yun nga nalaman kong nagbreak kayo ng gf mo edi syempre ang saya ko nun kasi single kana, hanggang sa niyaya mo kong kumain sa labas grabe ang hirap takasan ni kuya! buti na lang kasabwat ko si mama kaya nakatakas ako sinuot ko nun yung jacket ni kuya kasi ayokong makita mo ang katawan kong puro pasa"

"sobrang saya ko ng araw na yon, first time kong makapunta sa foodpark pero pagtapos nun diba hindi ako nagparamdam ng tatlong araw? hehe napasama kasi ang lagay ko nun sobrang napagod at yun pinagalitan ako ni kuya kinailangan kong magpahinga para makabawi ng lakas."

"tanda mo rin ba nung tinanong kita kung magiging maayos lang ba ang lahat. yun yung araw na unang beses akong sasailalim sa bone marrow transplant, aobra akong natakot nun pero dahil sinabinmong magiging ok din ang lahat napanatag ako, thank you so much alex dahil ikaw ang naging lakas ko sa mga panahong nanghihina ako"

"pati yung sa amusement park, sobrang isa yon sa tintreasure kong memory, haha ang saya nun grabe lalo na nung sumakay tayo sa higanteng gulong grabe!! as in grabe!! ang ganda pagmasdan ng paglubog ng araw at paglitaw ng buwan. another first time ko ulit yun, perfect na sana ang araw na yun kung hindi lang dumugo angbulong ko at nahimatay haha ang engot mo nga nun eh napagkamalan mo lang akong tulog haha pero buti na lang di mo nahalata, paglatapos ng araw na yon pinagalitan ulit ako ni kuya at napagod nanaman ako ng sobra gusto nyang kunin ang cp ko nun pero syempre di ako pumayag"

"etong last birthday ko naman ang PINAKA masayang birthday ko sa lahat dahil nakasama kita kahit yun din ang arae na nalaman mo ang tungkol sa sakit ko ayos lang, sobrang thankful ako dahil nanatili ka parin sa side ko ng panahong yon,maraming salamat dahil di mo ko iniwan, ang wish ko nun sana dugtungan pa ni Lord ang buhay ko para makasama pa kita ng matagal kahit di na nya ko pagalingin dahil alam kong imposible na dahil malala na ko, buti na lang at pinagbigyan nya ko"

"at ngayong araw nga na to, pinakilala mo ko sa parents mo at sa maldita mong kapatid, alam mo bang wala akong kasundong bata? lahat inaaway ko natatakot kasi akong ako ang awayin nila tulad nung nangyari dati na palagi akong inaaway ng mga bata. pero si Alexandria? nakasundo ko rin sya at sya ang una kong Bestfriend! haha nakakatuwa no?ang tanda ko na tas isang 8 years old ang best friend ko, oo nga pala! pasabi sa kanya na thankyou at ilabyu ha?"

"Alex, mahal na mahal kita! at kung papapiliin man ako tulad ng ipinagdasal ko nung nagsimba tayo, hinihiling ko na sana sa susunod kong buhay magkita ulit tayong dalawa, para naman maipagpatuloy na natin ang lovestory natin.
Maraming maraming salamat dahil dumating ang isang Alexander Villamore sa buhay ni Michelle Serene Go. mahal na mahal kita! paalam hanggang sa muli nating pagkikita mahal ko"

wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, mahal na mahal kita michelle, pipilitin kong maging maayos hanggang sa muli nating pagkikita.

Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon