text15

250 9 3
                                    

ilang linggo rin ang lumipas at ilang ulit ko rin nasaksihan ang paghihirap ni Mich dahil sa sakit nya

ang sabi ng mga doctor, himala raw namagandang senyales daw na bumuti ang progress ng katawan ni Mich nitong mga nakaraang linggo

kaya heto inaayos ko ang gamit ni Mich dahik magsisimba kami ngayon para magpasalamat kay Lord at para na rin manalangin ng tuluyan nyang paggaling

"ready kana?" tanong ko sa kanya

"yep!ready to go na ko" sabi nya sabay thumbs up
nakasuot ulit sya ng wig at sinuot nya din ang jacket na regalo ko

"tita alis na po kami, babalik din po kami mamayang hapon" paalam ko kay tita

"osya sige, magiingat kayo ha?"

"opo"tinulak ko na ang wheelchair ni Mich

"nasan ang motor mo?" nagtataka sya dahil wala akong dalang motor, iniwan ko talaga yon at etong sasakyan ni papa ang dinala ko, di naman kasi sya makakaangkas eh

"wala nasa bahay"

"ha?san tayo sasakay?dont tell me itutulak mo lang ako hanggang sa simbahan"

" hahaha hindi ah, ayun oh" turo ko sa kotse sa may entrance

"kanino yan?"

"kay papa hiniram ko muna para mas komportable ka" binuksan ko na ang pinto ng kotse at binuhat sya papasok sa passenger seat, bilagay ko naman sa likod ang wheelchair nya

"wow, marunong ka pala magdrive ng sasakyan haha" ikinabit ko na ang seatbelt sa kanya

"syempre haha" ilang minuto rin kaming bumyahe papunta ng simbahan

pagdating namin donnagad nankaming nanalangin

bago ako magsimulang magdasal tinignan ko muna sya at napangiti

'Lord, nagpapasalamat ako dahil hinayaan mong magkakilala kami ng babaeng kasama ko ngayon, maraming salamat dahil nakilala ko sya at nakasama pero Lord sana mas makasama ko pa sya ng matagal.

hindi ako nanalangin sayo ng materyal na bagay o ng kung anuman hindi ako humingi ng mga bagay na pansarili ko lamang pero please just this once, sana pagbigyan mo ko, ibalato mi na sakin tong babaeng kasama ko. kung totoo man ang himala sana mangyari kay Mich, Lord mahal na mahal ko ang babaeng to at handa akong gawin ang lahat para sa kanya, ibigay mo na sya sakin Lord wag mo muna sya kunin dahil di ko kakayanin. please?'

dumilat ako at nakita ko syang nakatingin sakin at nakangiti, ngumiti rin ako pabalik

matapos namin sa simbahan ay muli namin tinahak ang daan

"saan naman tayo ngayon?" tanong nya

"secret haha" plano kong dalhin sya bahay at ipakilala sa parents ko. kaya rin pumayag din si papa na pahiramin ako ng kotse dahil alam nyang susunduin ko si Mich ngayon

"tss may pasecret secret ka pa jan dami mong echos! haha"




"nasan tayo?kaninonh bahay to?" nagtataka nyang tanong ng ilabas ko sya sa kotse at isakay sa wheelchair

"bahay namin haha" sabi ko saka ko tinulak papunta sa pinto

pagbukas ng pinto agad na bumungad sakin ang bunso kong kapatid na si Alexandria

"kuya!!!!" tumakbo ito palapit sakin at humalik sa labi

"sino sya?" tanong nya habang nginuso si Mich

"di ako sinuka, iniri ako ng nanay ko, ikaw sino ka?" mataray na sabi ni Mich

haha nakalimutan kong pumapatol nga pala sa bata to

Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon