08 | Locked In

1K 37 0
                                    

Ang bilis ng takbo ng oras. Hindi ko namalayan na umaga na pala at Monday na ngayon. Kung napansin ko lang yung oras kagabi, edi sana hindi ako nagpuyat.

I sighed. Napatingin ako sa orasan ko at nakitang ten minutes late na ako sa homeroom period. It doesn't matter, it's just one tardy. Makaka-abot pa naman ako sa first class.

Pinark ko na ang motor ko at tumakbo na papunta sa classroom. Bago pa man ako makapasok, naka-abang sa labas si Axel.

Why is he just outside?

Papasok na sana ako, kaso naka-lock. Sumilip ako through the window at nakitang nakasulat sa board ang pangalan ko.

Detention?!

"What the fvck?" I whispered. Pero mukhang narinig ni Axel.

"Maagang dumating yung first class teacher. Alam mo namang siguro na terror yan diba? Detention lahat ng tardy sa klase niya."

Tumango nalang ako at pumunta na sa detention room habang nakalagay sa pockets ko ang kamay ko.

Napatigil lang ako dahil hindi ko alam kung nasaan iyon. "Pupunta ka talaga? Ayaw mong tumakas?" Ngumiti siya na parang may masamang balak kaya I gestured no.

Wala ako sa mood ngayon. Antok ako at gusto ko nalang matulog. Perfect chance na ang mapunta sa detention.

Sinamahan niya nalang ako sa detention room at sa wakas ay makakatulog na ako.

▪︎ ▪︎ ▪︎

Naalimpungatan ako dahil sa pag-vibrate ng phone ko. Lumakas ang tibok ng puso ko nung makita kung anong oras na.

Nakita ko rin na naka-50 missed calls na ako kay mama. Napahawak ako sa puso ko dahil sa takot. Alam kong malalagot ako nito.

Nilibot ko ang paligid, at mag-isa nalang ako sa loob. Madilim at parang nakalimutan nila na nandito pa ako. I tried to open the door but it was locked.

I had no choice but to bust it open. Sisipain ko na sana yung pintuan pero may humawak sa paa ko. "AAAAHHH!"

Hindi ko mapigilan ang tumili. There are two things that I fear : ghosts and my mother. "Lumayo ka sakin! Isusumbong kita kay papa!" Nararamdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko. Kung totoo talaga ang mga multo, papa, please save me.

Napayakap ako sa tuhod ko at umaasang mawala na yung multo. My whole body's quivering in fear.

I want this to end. I want to go home. Please, anybody, help me.

▪︎ ▪︎ ▪︎

AXEL

Her whole body was trembling. This is the first time I've seen her scared. Hindi ko naman sinadyang takutin siya.

Hindi na niya kasi kailangan pang sirain yung pintuan dahil nakuha ko na ang susi. Nilapitan ko siya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Shh... stop crying. Hindi ako multo."

Tumingala siya and my heart hurts. She was covered in tears. I never thought that seeing a woman cry is this painful.

Lalo na sa isang katulad niya na anak ng isang mafia king.

Before I knew it, I was already hugging her. Gusto kong kumawala dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

This is the first time I hugged a girl other than my mother and sister.

I tried to calm down and do my best to comfort her. "Bwiset ka." She lightly punches me. "Nakakainis ka."

Hindi ko alam bakit hinahayaan ko lang siya. Normally, papatulan ko siya. But for some reason, I feel so weak when I'm with her.

The Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon