40 | Light in the Dark

486 10 0
                                    

Demon and Allistair went to DeadEye's hideout as soon as they got all the information they needed. Ang ibang mga tauhan naman ni Demon ay hinatid ang lalaki sa kaniyang pamilya. Unfortunately, nakatakas si DeVonte. The place was full of men lying down on the floor.

"Mukhang may labanang nangyari dito," Demon said.

Tumango lamang sina Allistair at naghanap sila ng clues kung saan man nagpunta si DeVonte. Napatigil sila nang may marinig silang nakakakilabot na tawa.

"Are you sure you'd rather find my uncle, rather than save your precious daughter?"

Nanlaki ang mga mata ni Demon sa kaniyang narinig. Confused, he asked, "Anong pinagsasabi mo?!"

Tumawa lang ang lalaki hanggang sa bigla nalang siya nawala na parang bula. There was no one left inside the hideout maliban sa mga sugatan.

Demon couldn't help but curse in anger, "Shit!"

"Get the car ready. Pupunta tayo sa school mo," utos ni Demon.

Dali-dali naman silang sumakay sa kotse at umalis. Habang nagddrive si Allistair ay biglang nag-ring ang cellphone niya.

Sinagot niya ito at napatigil sa pag-andar. "Papunta na kami!"

▪︎ ▪︎ ▪︎

AXEL

I have a bad feeling about this. Bakit ako pinatawag ni Mr. David? Marami namang ibang studyanteng pwede niyang utusan para kunin ang mats from the storage room for PE, bakit ako pa?

Mats are heavy, aren't they? I mean I could carry them pero diba marami yon? Shouldn't at least three or more people help me?

Kukunin ko na sana yung mga mat nang marinig ko magsara ang pinto. It wasn't just the sound of the door shutting, but the clinking of keys.

I tried opening the door, but it wouldn't budge. Damn.

Sinaraduhan ba ako ni Mr. David? I swear, I'll kick him out of this school pag nalaman ko ang totoo.

"Mr. David!"

I keep on yelling, but it was no use. Hindi naman sira ang pintuan. There's only one reason why I'm locked in here. Ang nakakapagtaka lang, bakit niya gagawin yun?

ZANDRA

Papunta palang ako ng gym nang makasalubong ko ang BD. "Anong ginagawa niyo rito?" I asked. Tumingin silang lahat kay Lucas pero si Damon ang sumagot. "Pinatawag kami ni Mr. David."

Nagulat nalang ako nang makitang nasa likod ko siya na para bang inaamoy ang buhok ko. Tumingin ako sa kaniya at nakapumewang.

"Inaamoy mo ba ako?"

Umiling lang siya sabay iwas ng tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinalo sa balikat. Hindi ko nalang siya pinansin at sabay kaming pumunta sa gym.

▪︎ ▪︎ ▪︎

"Where are all the students?" I asked.

Walang tao sa loob ng gym. Even Mr. David is nowhere to be found. Nagulat nalang ako nang may marinig akong malakas na tunog mula sa storage room.

Maraming mga kung ano-ano ang nakaharang sa pintuan ng room. "Yo, someone's locked inside that room." 

Agad naman naming tinanggal ang mga nakaharang at nagulat kami nang lumabas roon si Axel. 

"Boss!" Lucas exclaimed.

"Where's the David?! Sinaraduhan niya ako." 

Lahat kami nagtaka kung bakit naman gagawin ni Mr. David yun. "Why would he do that anyway?" 

The Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon