Twelve

1K 37 7
                                    

Third person

Kung kailan mo nga naman iniiwasan ang isang tao saka pa talaga kayo magkikita. Kung kailan mo pinagdadasal na huwag kayong magkita bigla kayong magkakasalubong.

Kabadong kabado si Lily nang magkasalubong sila ni Greyson. Hindi niya alam kung iiwas ba siya o papansinin niya. Pero, naisip niya na bakit naman niya papansinin ito? Kung bakit ba naman kasi niya naisipang pumunta sa tambayan nila kahit gabi na.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Greyson nang akmang aalis na siya. "Kahit saglit lang."

"K-kailangan ko ng umuwi, sorry..."

"Utang na loob, kahit 10 minutes lang, Lily." Pagmamakaawa ni Greyson.

"S-sige." Hindi alam ni Lily pero sobrang lumambot 'yung puso niya nang magmakaawa si Greyson.

"Anong nangyari?" Tanong ni Greyson nang matagal na silang nakaupo. "Bakit tayo napunta sa sitwasyong ganito?"

Hindi makapagsalita si Lily; hindi dahil sa ayaw niya kundi natatakot siya na masaktan silang pareho.

"Bakit?" Tanong ulit ni Greyson.

"S-sorry." Nauutal na sagot ni Lily.

"Putangina." Ani Greyson sabay tawa. "Sorry? Ilang beses ko pa ba dapat marinig sayo 'yan, Lily? Bago ko makuha 'yung sagot kung bakit ka nakipaghiwalay?"

Gustong gusto nang umiyak ni Lily, gustong gusto na niyang yakapin si Greyson pero takot na takot siyang sirain 'yung pader na binuo niya noon.

"Tangina kasi, Lily! Alam mo 'yun?! 'Yung kaya kong bitawan lahat para sa'yo, 'yung kaya kong isugal lahat ng meron ako?! Pero, anong ginawa mo? Binitawan mo lang ako." Ani Greyson kasabay nang pagtulo ng luha niya. "Binitawan mo ako ng ganoon lang!"

"I'm sorry. I'm so sorry." Humagulgol na si Lily. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang sakit na nararamdaman ni Greyson.

They both share the same pain; they both know what was going on pero natatakot lang silang aminin sa sarili nila.

"W-we can't be t-together, G-grey. You know that."

"That's bullshit! I call that bullshit, Lily!" Sigaw ni Greyson.

"Grey! You have to understand na hindi ganoon kadali ang sitwasyon natin!"

"That's not reasonable, Lily!" Sigaw pa rin ni Greyson. "You left me just because it's complicated?! Pwede tayong lumaban! Pwede natin ipaglaban 'yung relasyon natin! Wala akong pakialam kung sino pa ang makabangga ko!"

Nanghihinang napaiyak si Lily, ito 'yung kaibahan nila ni Greyson. Greyson can slay all the dragons but she can't. She wanted to fight for him, pero saan siya huhugot ng lakas ng loob?

Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now