Thirteen

1K 41 17
                                    

Third person

Hindi naging maganda ang pag-uusap nina Lily at Greyson. Pinili ni Lily na iwanan nalang muna si Greyson; samantalang si Greyson naman ay piniling pumunta sa bar para magpakalunod sa alak.

Kahit lasing na lasing siya ay nakuha pa niyang makapagdrive papunta sa dati nilang bahay; as he was looking at his old house, old memories came back. He lost it, he lost it that's why he cried.

Hindi niya alam kung papaano niya nakalma ang sarili niya pero ang alam lang niya ay gusto niyang makita ang bunso niyang kapatid kaya naman nagdoorbell siya, ang nanay niya ang nagbukas ng gate.

"G-grey!" Gulat na wika ni Lucy.

"Where's Mia?" Baliwala ni Greyson sa nanay niya. "I wanna see my sister."

"Grey, you're drunk." Ani ng nanay niya. "Pumasok ka muna."

"I said, where's Mia?" Medyo tumataas na boses ni Greyson.

Lucy was about to hold her son, pero lumayo ito. Lumayo ulit ang anak niya sa kanya na dahilan para ikaiyak niya.

"I'm here for Mia, hindi para sa'yo." Walang pasintabing sabi ni Greyson. "Where's my sister?"

"Grey, anak, please naman, kausapin mo naman si mama." Pagmamakaawa ni Lucy.

"Sana naisip mo 'yan nung nagmakaawa si papa sa'yo." Walang galang na wika ni Greyson.

"Lucy... what's happening here?"

Parehong napalingon si Greyson at Lucy sa nagsalita, napangisi naman si Greyson sa nakita niya.

"Uy, dito mo na rin pala pinapauwi, 'yan?" Ani Greyson. "Hindi ka ba nangingilabot? O di kaya'y nakokonsensya man lang? Sabagay, wala ka nga palang konsensya."

"Bastos ka ah!" Sigaw ng kinakasama ni Lucy.

"Ako? Bastos? Talaga ba?" Pang-uudyok ni Greyson sa kanya. "Hindi ba't ikaw ang bastos? Nang-aagaw ng asawa ng may asawa? Or should I say nangiiwan ng pamilya para sa babaeng may pamilya rin?"

Biglang sinuntok ng lalake si Greyson, "Matututo kang rumespeto!"

Tumayo naman si Greyson and spit on the floor, "Rumespeto? Kanino? Sa'yo? Nagpapatawa ka ba?"

Susugurin sana siya ng lalake pero pinigilan naman siya ni Lucy. Lumabas ang tatlong kapatid ni Greyson, at gulat na gulat nang makita nila ang Kuya nila.

"Kayo ang may kasalanan kung bakit kami nagdudusa ngayon." Ani Greyson.

"It's not our fault, Greyson! It was your choice!"

"Our choice?! Do you even hear yourself!?" Balik na sigaw ni Greyson. "Na habang nagpapakasaya kayo sa pamamahay ng tatay ko, nandoon kami, sa condo ko, pinipilit buuin mga sarili namin! Nasaan doon 'yung choice na sinasabi mo?!"

Dala na rin siguro nang kalasingan kaya nagkakaganito si Greyson, but he doesn't care at all, kailangan niyang mailabas ang lahat before he could lose his self.

"Na habang nagpapakasaya kayo ng nanay ko, 'yung mga asawa niyo hindi alam kung paano nila bubuuin mga sarili nila! They are beyond repair! So, nasaan 'yung putanginang choice na sinasabi mo?!" Sigaw ulit ni Greyson.

Napatalon sa gulat ang mga kapatid niya, Mia was already crying at pinapatahan na siya ni Cyndy.

"Anak please," Naiiyak na tawag sa kanya ng nanay niya.

"Don't you ever call me anak." Ani Greyson. "Wala akong nanay na cheater."

Lumipad ang kamay ni Lucy para sampalin ang anak niya, sa gulat ay bigla nalang siyang humingi ng tawad sa anak niya.

"H-hindi ko s-sinadya." Ani Lucy sabay iyak.

"Sana, sana sinaktan mo nalang ako ng physical.." Ani Greyson. "Kasi, putangina, hindi ko alam kung paano ako mabubuo ulit. Tinanggalan mo ako ng rason para sumaya. Inalisan mo ako ng kumpletong pamilya, inalisan mo ako ng karapatan para maging kuya sa mga kapatid ko."

Lahat sila ay umiiyak na, even Greyson's sister were already crying.

"Na kayo masaya, kami ni papa sobrang basag." Ani Greyson. "Na sa loob ng buong isang taon, maayos kayo. Pero kami sobrang naging miserable."

Lumapit si Lucy pero lumayo lang ulit si Greyson.

"Sana masaya kayo," Ani Greyson. "Na 'yung mga anak ninyo parehong hindi na magiging masaya, na hindi na magkakabalikan kasi sinisisi nila mga sarili nila sa kalandian ng mga magulang nila."

Iyak ng iyak si Lucy kaya naman dinaluan nalang siya ng kasama niya.

"Sana masaya kayo," Ani Greyson sabay tingin sa mga kapatid niya. "This will be the last na makikita niyo ako dito. Samantha, don't you ever fucking go after me, don't you fucking say you love me and then turn your back."

Napahagulgol naman si Sammy sabay iling sa kuya niya. She wanted to tell him how much she loves his kuya.

"Sana masaya kayo," Ani Greyson sabay tingin sa nanay niya. "Sana masaya kayo na miserable na buhay ng mga anak niyo para lang maging masaya kayo."

Tumalikod na si Greyson, pero bago pa siya makaalis ay nagsalita ulit ito, "Sana ingatan mo sila katulad ng pagiingat ni papa sa kanila, tito Markus. At hayaan mo, susubukan ko pa ring buuin sarili ko para maalagaan ko ang unica ija mo, si Lily at si tita Ales."

•••

Uyyyyyy! Gusto ko lang sabihin na ang galing manghula ng iba sa inyo! Hehehehehe luv u sibs

Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now